Chapter 4

315 12 0
                                    

There's always that one stupid mistake that changes everything...

Chapter Four

"Hay.."

Pang-ilang buntong hininga ko na ba ito? Napatingin ako sa buong office na tila ba may hinahanap. It feels like there is something wrong or missing.

Nabalik lang ako sa realidad ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko tsaka pumasok si Pam na may dalang kape.

"Here comes your coffee Ma'am."

"Thank you Pam." Ngumiti lamang ito tsaka naglakad palabas pero tinawag ko siyang muli.

"Ahm Pam..."

"Yes ma'am?" Nagdalawang isip pa ako kung magtatanong ba ako o hindi...

"Wala bang naghanap or naghahanap sa akin?" Halos gusto ko ng lamunin ng lupa ng itanong ko iyon at ang abot tengang pag-ngiti ni Pam.

"Namimiss niyo po ano?"

"What?! Anong pinagsasabi mo dyan?" Maang kong sabi.

"Sus! Si ma'am nagkukunwari pa. Nagtatampo lang yun sa inyo ma'am kaya hindi pa nagpaparamdam. Alam niyo naman ang mga lalaki kapag tinamaan ng topak hindi mo kayang sabayan. Kapag humupa na tampo nun ma'am sigurado ako tatakbo na iyon papunta dito mayakap ka lang yun ay kung makakapasok siya dito." Ngumiti pa ito ng nakakaloko bago tuluyang lumabas.

Tila naputol ang dila ko kanina nung nagsasalita ito. Hindi ko mahanap yung mga salitang dapat sabihin. Bakit ko ba kasi nasabi sa kanya yung nangyari?

Napatingin na lang ako sa kape ko tsaka napabuntong hininga ulit.

Halos isang linggo na kasing hindi nagpaparamdam yung asong iyon. Akala ko nga ay itutuloy niya ang panenermon niya pagkarating namin ng bahay kaso pinababa niya lang ako at walang paalam na umalis ito.

Is that how to treat me as her fiance?!

Wow! Sa akin pa talaga nanggaling iyon.

Akala ko magpapahupa lang siya ng galit pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Ito naman ang gusto ko diba? Ito yung gusto kong mangyari pero parang nakukunsensya ako.

Napapitlag ako ng tumunog yung telepono ko.

"Hello?"

"Ma'am may visitor po kasi na gusto kayong maimbitihan kumain ng lunch...ano pong sasabihin ko?" Napakunot noo ako. Lunch? Is it Ace? Imposible! hindi iyon gagawa ng ganun. Basta basta na lang kasi iyong papasok dito at ipapangalandakan na kumain sa labas so sino...

"Tell him I am busy."

"...pero babae po siya ma'am..." napahinto ako doon. Babae? Is it my friends?

"Who is she?"

"Mrs. Denver." Which Mrs. Denver she is talking about?

"wait, lalabas ako..." hindi ko na hinintay ang sagot nito at kumaripas ng takbo palabas.

"Tita!"

Tumingin ito sa gawi ko tsaka ngumiti.

"Pam, ikaw na munang bahala dito."

"Sure ma'am."

We decided na kumain sa isang high end na restaurant.

"Kamusta po kayo tita? Ang tagal din nating hindi nagkita ah.."

"I'm fine hija. I just want to see you dahil hindi ka nakapunta sa family dinner nung nakaraan. Ace told us that you had an emergency kaya hindj ka nakapunta kaya nakakapanghinayang pero magagasa pa naman natin iyon sa susunod." Nagi-guilty naman ako sa sinabi ni tita. He really did cover me up.

"Sorry po tita kung hindi po ako nakadalo...babawi na lang po ako sa susunod." I know I don't have to but I know I need to do it.

Dumating na yung inorder namin tsaka kami nagsimulang kumain.

We just talk about my business and how beautiful my workpiece is. I did get a lot of compliment from her and I am for that.

I thought this is just a simple luncj but again I am wrong.

Nagpunas si tita ng labi niya pagkatapos kumain tsaka ako tiningnan. Halos hindi ko tuloy malunok yung kinakain ko.

"The real reason why I am here is to ask you what really happen that night and please don't lie to me, hija." napakagat labi ako ng sabihin niya iyon.

"Kahit pa sabihin ng anak ko na may emergency ka hindi ka nakapunga hindi ako naniniwala. I know my son. He is really good at lying before...ni hindi ko nga alam na nagsisinungaling na pala siya sa amin noon but he promise us not to do it again pero nagawa niya."

"I'm sorry po." Nakayukong sabi ko.

"You don't like my son, right?" Bigla akong napatingin sa kanya at nakangiti lamang sa akin.

"alam kong napipilitan ka lang. Kahit pa sabihin niyong okay lang kayo alam kong hindi. You are living in one house but I can see that you have different world. Sinabi ko sayo noon na handa akong tulungan ka para makawala sa anak ko pero nagdadalawang isip na ako ngayon. Hindi ko alam kung anong nakita sayo ng anak ko pero hindi ako tutol. Sino ba naman ang magulang na gustong masaktan ang anak nila diba? I just want my sons happiness and at the same time...i don't want him being hurt."

"Tita..."

"...i know this is too much but can you make it a try? Can you give a chance to your relationship? Can you make things work out with the both of you? Masyado na ba akong mapilit? I am sorry..."

"..Sorry po talaga dahil hindi ako nakapunta nung nakaraan. Sorry because I really did plan not to go. Instead of coming to your family dinner I went to club to party. I want to have my way out kaya ko po iyon nagawa pero nagsisisi po ako ngayon. Ang bait niyo sa akin pero nagawa ko iyon. I even make Ace lie to you ng dahil lang sa akin. Sorry po talaga..."

"So you really want to end this..." mahinang sabi nito.

"Okay, I'll help you. I'll talk to my son. Tulad nga ng sinabi ko kanina, I only want my sons happiness but if he'll just be hurt to have that happiness then I need to stop him. Thank you for your time hija." Tumayo ito kaya napatayo ma rin ako.

"Sorry po tita...but I still don't want to get married...and I never imagined my life with Ace..." para saan pa ang pagsisinungaling ko kung wala naman magandang maidudulot iyon? gusto kong magpakatotoo.

"I understand. You're young and you want to enjoy everything without any responsibilities and obligations...and I know you'll never regret having that decision. I'll talk to your family to clarify amd make things right." Naglakad na ito paalis.

Wala nga ba talaga akong pagsisisihan sa bandang huli? Napaupo na lang ako at napayuko dahil sa mga tanong na pumapasok sa utak ko.

Damn.

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon