Chapter 14

193 10 1
                                    

"What's your problem?"

"Ang gwapo ko masyado BAD para magmroblema."

"Really?" Napa-buntong hininga na lamang ako.

"Hindi pa nga kayo kasal lagi na kayong nag-aaway paano pa kaya kapag kasal na kayo." Inirapan ko siya.

Bakit nga ba dito ako nagpunta sa tukmol na ito?

Hindi muna ako pumasok dahil baka kami pa ang maging dahilan ang pag-u-umpisa ng world war 3.

"Ganun ba talaga ang mga babae? Ang hirap ispellengin!"

"It's not even hard. Ang bobo mo lang kasi."

"Wow hah! Ikaw na matalino. Sino kaya sa atin ang tinataboy so Leanne dati tapos-" hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin dahil binato noya ako ng stress ball.

"That's all in the past. Ang mahalaga magkasama na kami ngayon at masaya."

"Eh di kayo na ang masaya at ako na ang inggit." Napanguso ako ng sabihin ko iyon.

"Akala ko ay maayos na kayo?"

"Akala ko din eh. Nandun na ako sa pag-arte ko. Nadadala na siya-"

"Lumayas ka sa opisina ko ngayon din kung ikukwento mo lang yang napaka-walang kwentang bagay. I told you stop playing games. Don't include Madison in your games."

"Tanga, may kwenta tong kwento ko! Hindi ko ito ikukwento kung napaka-walang kwenta nito." Asar kong sabi sa kanya.

Kaya nga ako nagpunta dito sa opisina niya ng mailabas ko ang sama ng loob ko tapos ako pa ang papalabasing kontra bida? Aba! Matindi!

"Spill the beans then." Itinabi niya ang mga papeles na binabasa nito kanina at itinuon ang buong atensyon sa akin. Kung di ko lang to pinsan maniniwala na akong interesado siyang malaman kaso pinsan ko siya eh kaya alam kong ayaw nitong makinig sa kwento ko.

"Ganito kasi ang nangyari. Tumawag ako kagabi diba para pauwiin siya. Nag-ipon pa ako ng lakas ng loob bago umuwi para maging maayos ang pag-uusap namin kaso pagdating ko sa bahay ang tahimik ng paligid! Tapos-"

"Gusto mo bang ilaan ang buong isang araw ko para pakinggan yang kwento mo? Pwede bang diretsahin mo na. Sayang oras ko eh buti sana kung ikaw ang magbabayad."

"Babarayan ko! Kahit doblehin mo pa!" Bwiset na lalaking to.

"Tsk."

"Heto na nga, ang tahimik ng paligid. Inaasahan ko pa naman na nakauwi na siya kasi ang lapit lang ng bahay niyo sa tirahan namin. Kaso inabot ba naman siya ng isang oras! Kaya ang ginawa ko ginaya ko yung mga napapanuod. Nakaupo ako sa sofa habang nakapatay ang ilaw tas nung dumating siya, nasa momentum na ako ng pag-arte kaso panira talaga ang babaeng yon. "

"Tapos na?" Bigla akong napahinto at tila napaisip kung sasabihin ko ba o hindi.

"After that, wala ng nangyari?" Muling tanong niya.

Hays, what's the point in lying? Nothing.

"I told her I like her."

"What did she respond to you."

"Ginagago ko lang daw siya. Alam na niyang may nagmay-ari ng puso ko that's why liking her is impossible. Oo gago ako pero alam ko ang mga sinasabi ko. She even said that I should marry the girl I love. She even pushed to cancel our wedding. Damn!"

Yes,lahat ng sinabi niya tama pero nagbago na ang isip ko.

Hindi ba pwedeng magbago ang isang tao?

"So she knew your secret. Bakit di mo siya pagbigyan? Huwag mo siyang gawing rebound Ace."

"Bingi ka ba? Kakasabi ko lang na gusto ko siya di ba?"

"If I am Madison, I also don't want to believe your words. It is deadly."

"Who are you to judge my feelings"

"Who are you to say you like her when it is obvious that you love that girl."

"Hindi pa sapat ang lahat ng pinapakita ko sa kanya? You know that I am very impatient person. Kailan ko pa bang pagpasensyahang ligawan siya kung pwede namang kami na ng diretso?"

"Kumitid ka ata mag-isip ngayon. Mahirap magmahal kung may ibang babae dyan sa puso mo at ang mas malala kung kung konting puwang lang ang maibibigay mo kay Madison."

"Maybe you like her but you're still hoping to see her."

"Anong gagawin ko?"

"Timbangin mo kung sinong karapat-dapat. Bibilhan na ba kita ng timbangan?"  Nakangiting saad nito kaya binato ko ng stress ball.

"Gago! Makaalis na nga!" Inaasar ba ako nito ulit pero di ko pinansin.

Sinong mas matimbang? I don't know! Damn!

Mabuti sa kung katulad lang to ng mga paninda sa palengke na ang bikis kiluhin.

Hindi ko nga alam kung paano ko sila titimbangin eh. Bwiset na buhay to!

Gusto kong patunayan sa kanya at sa lahat kaso kailangan ko munang timbangin kung sino talaga.

Bakit ba kasi sobrang gwapo ko?! Nakakainis eh!

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon