Chapter 16

234 13 0
                                    

"Now, explain to me what I've heard a while ago."

"Eh ma'am..ahm kasi..." Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya.

"Talk or you'll lose your job." Banta ko.

"Hindi ko naman po kasi akalain na susundin niya yung sinuggest ko." Napakunot ako.

"And what is that?"

"Nanghingi po kasi siya ng suggestions kung paano po mapapalapit sa inyo. Nasabi ko po yung sa napanuod ko na drama, yung nagpanggap yung lalaki na malala yung injury niya para lang mapalapit dun sa girl hanggang sa na inlove na yung babae sa kanya." Paliwanag nito. Nakuyom ko ang kamao ko ng marinig iyon.

All this time, pinaglalaruan lang pala ako ng hayop na yun.

"So palabas lang pala yung aksidente-"

"Naku ma'am, hindi po iyon palabas. Totoo pong aksidente iyon. Matagal na pong nangyari yong pag-uusap naming iyon. Mukhang ginrab niya lang nung naaksidente siya."

"Pinagmukha pa rin akong tanga. End of the story." I never thought that he will do that to me.

"Kayo naman kasi ma'am ang may kasalanan eh." Napatingin ako sa kanya na nakatayo pa rin sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ba kasi ayaw niyo siyang bigyan ng chance? Mukha namang seryoso yung tao sa inyo."

"You know the reason Pam."

"Hay nako ma'am, sabihin niyo nga sa akin ang totoo. Natatakot ba kayo sa past ni sir Ace? Natatakot ba kayo na oras na lumitaw ang babaeng iyon ay iiwan niya kayo kaya nagmamatigas ka't pinapahirapan siya." Napatigil ako ng sabihin niya iyon.

I am scared?

"Psh. I am sexy and beautiful enough so why should I feel scared with his past." I am Madison Madrigal. Queen of all queens. Pinagkakaguluhan ng mga kalalakihan kaya hindi bagay sa akin ang maintimidate sa isang nakaraan.

"Sige nga ma'am, patulan niyo si Sir Ace kung talagang wala kayong pakialam sa past niya." Napangisi ako sa sinabi niya.

"You know what Pam, when you want to play a game you should think first on your moves. Never play a game having an empty head. You always think on ways on how to eliminate your opponent and how to be the winner."

"Ahm, ano po koneksyon nun kay sir Ace. Are you two playing a game? Anong laro? Taya-tayaan? Matira-matibay?-"

"It's a game that only people like me can understand."

"Huh?"

"Go back to your work. May pupuntahan tayo mamaya."

"San po?"

"To my model of the year." Sabi ko sabay kindat na ikinalaki ng mga mata niya.

"Sige po ma'am. Babalik na po ako sa work station ko." Makikita mo ang excitement sa mukha niya. Kung nasira ang plano ko sa expansion ng business ko, may iba pang paraan para lumago ito.

I've waited years to get her 'yes' and finally she'll work for me.

"Hayop ka talaga Ace. Anong akala mo sa akin? Isang batang mabilis lang utuin?" Sumagi mulibsa akin yungbmga narinig ko kanina. Siguro nga hindi planado ang aksidente niya pero-kasabwat niya sila Leanne?

Pinagkakaisahan na ba nila ako? Tsk.

"Akala mo ba hindi ko kayang sabayan ang laro mo? Bakit ba hindi ka nalang sumuko at itigil na itong kalokohan mo? Hanggang kailan mo ba ako isasali sa laro mo?"

I know his not into me. Simula pa lang alam kong palabas lang ang lahat. I got him investigated, may mga nakuha ako pero ang tungkol sa babaeng naugnay sa kanya ay mahirap hagilapin. She doesn't have any identity. Alam ko ang nangyari sa pagitan nilang dalawa pero hind ko alam ang pagkatao ng babaeng iyon.

I want to ask BAD but I don't want him to conclude that I am interested with his cousin.

I know Ace still want that girl. He still loves her that's why I need to stop myself from falling but I am already on the edge.

Yung tipong isang maling galaw ko lang mahuhulog na ako sa isang mapanganib na bangin.

"You're in big trouble Mads. Big trouble."

-

"Hello?"

"Ano na naman ang kailangan mo at nang-iistorbo ka na naman?" May bahid ng inis sa boses nito.

"Paano ko titimabangin?"

"Ang alin?!"

"Tanga ka BAD? Ikaw itong nag-suggest na timabangin ko kung sino mas lamang tapos-"

"Ginaggo mo ba ako Ace?!"

"Oy baka nakakalimutan mong mas matanda pa rin ako sa'yo!" Kung nasa harap ko lang ito baka nasapak ko na ito.

"Oo na tanda!"

"Tsk! Sabihin mo na kasi kung paano ko sila titimbangin!" Tila isang batang sabi ko.

"Nababaliw ka na ba Ace?! Ewan ko sayo! Lunurin mo nalang sarili mo sa alak baka sakaling mapag-isipan mo kung paano mo sila titimbangin. Istorbo!" Sabi nito tsaka ako binagsakan.

Haist!!! Leche! Ano bang gagawin ko?!

"Lulunurin ko na nga lang sarili ko sa alak baka sakaling malaman ko ang sagot." Lumabas na ako ng office ko at nakita ko pa si Marco sa table nito.

"Alis na ako"

"San ka pupunta? Natapos mo na bang basahin yung mga reports?"

"No. Ikaw na bahalang magbasa non at i-relay mo na lang sa akin bukas."

"Teka! San ka pupunta?" Hinarap ko siya.

"Magpapakalasing."

"Ano?! Tanghaling tapat mag-iinom ka?!"

"Tsk! Do your work Marco and I'll do mine. Masyadong mabigat tong problema ko kaya kailangan ko ng alak."

"Problema?"

"Oo. Problema sa timbangan. Alis na ako." Binati pa ako ng mga empleyado ko pero poker face lang ako.

Magpakalasing ka Ace ng magakaroon ka ng ideya sa timbangang yan.

"Bwiset!"

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon