Chapter 27

263 17 0
                                    

Pasensya dahil masayado kong minamadali ang lahat :D

Chapter 27

"I miss you like crazy...Every minute of every day...Girl I'm so down when your love's not around...I miss you, miss you, miss—"

"Shut up Sophia."inis kong sabi rito na ikinatawa lamang niya tsaka umalis.

"o, giliw ko! Miss na miss kita! Gusto ko sana'y makayakapa ka—ARAY! BASHY OH! Inaaway ako!" masama kong tiningnan si Vin na papalapit palang sa pwesto ko. Binato ko kasi siya nung tissue holder.

"kung gusto mo ng punching bag Ace, handa akong ipahiram sayo ang asungot na yan. Feel free to punch him anytime you want." Nakangiting sabi nito na ikinangisi ko. Tiningnan ko si Vin na nakanguso. Sarap sapakin.

"Ano!? Sa tingin mo ba papayag ang mga anak ko bashy!"

"bakit sa tingin mo makakapalag ang mga anak ko?!"

"isusumbong kita sa kanila. Pinapamigay mo na ang daddy nila." Sabi nito sabay walk-out.

"isip-bata talaga." Sabay naming sabi ni Bea.

"How are you?"

"I'm good Bea."nakangiting sabi ko.

"Ace is good. Good at waiting..." sabi ni BAD na ikinatawa ng mga kasama namin.

We're here at CJ's café para ma-unwind. Unwind nga ba talaga?

"why don't you just die BAD?" inis kong sabi rito. Simula nung sinabi kong itutuloy ko ang kasal ay walang araw na hindi nila ako inasar. Kaya mas gusto kong sa hotel na lang matulog kaysa umuwi ng bahay dahil bungad na agad nila sa akin ang pang-aasar nila na pinangungunahan pa ni lolo. He even threatened me na kapag hindi ko napakasalan si Madison within the year ay itatakwil na talaga niya ako.

Wala na bang ibang pwedeng panakot ang lolo ko kundi ang pagtatakwil sa akin?

"Nag-jo-joke lang ako...have a long-life cousin." Natatawang sabi ko na ikinatawa ng ggo. Kung hindi lang ako tiningnan ng masama ni Leanne hindi ko babawiin ang mga sinabi ko. Pati kasi ang anak nila ay masama rin ang tingin sa akin na tila naintindihan ang sinabi ko. Tsk. Masama kung namana niya ang pagiging cold ng nanay niya. Naiiling na iniwan kami ni Bea at nakigulo sa mga babae gayundin ang ginawa ni Leanne.

"so Ace, hanggang kailan mo balak maghintay?" tiningnan ko si Jin na abala sa paglalagay ng towel sa likod ng bunsong anak nito habang nakikipaglaro pa rin sa kuya nito.

I thought bonding ng mga matatanda ito pero bakit kasama nila ang mga anak nila? Tsk! Everyone is here.

The girls are happily chatting in the sofa with the babies. Nasa kusina pa si JD at CJ na naghahanda ng pagkain namin. Vin walked out and I'm sure kasama nun ngayon si Brea para paglabasan ng sama ng loob "kuno" niya. Brea really likes listening to our issues then make some comment that sometimes have sense and sometimes you just want to leave because of the follow up questions she has. SI lucky naman ay busy sa kausap sa phone and BAD is sitting beside me while silently watching her wife habang si Jin ay busy kakabantay sa mga anak niya.

This is really good. Yung kumpleto ang mga kaibigan mo. Masaya na sana eh. Masayang-masaya but damn! May kulang! Wala si Madison. Siya na lang ang kulang para maging perfect ang lahat.

"Hanggang sa dumating siya." Nakangiti kong sagot kahit tila wala ng kasiguraduhan ang lahat.

"it's been months Ace. Ngayon lang ata kita nakitang matyagang naghihintay sa isang babae na walang kasiguraduhan kung sayo pa rin babagsak." Napatingin ako kay BAD. Hindi ito nakatingin sa akin ngunit seryoso ang mukha nito.

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon