Alam niyo namang di ako mahilig mag-back read at mag-edit di ba? kaya pasensya na ^_^V
Chapter 28
"Good morning everyone!"
"anong sumapi sayo ngayon Ace at mukhang nananaginip ka pa ata?"
"Wala naman BAD, masaya lang ang gising ko." Nakangiting sagot ko sa pinsan ko.
"Samantalang kagabi gusto mo ng magwala nung hindi ka pinayagan umuwi sa condo mo, kulang na nga lang magbasag ka ng mga gamit dito kasi hindi mo makakasama si Madison di ba kuya Ace?" natatawang sabi ni Sophia.
Naalala ko tuloy ang kaganapan kagabi. Unang gabi na magkasama sana kami ni Boss kaso sinabihan ni Lolo si BAD na iuwi ako dito. Hindi ako pumayag kaso wala pang sampung minuto nagsidatingan na yung mga inutusan ni lolo para kaladkarin ako papunta rito. Tsk!
"Good morning mga apo!" napabaling kami kay Lola na nakangiti habang papalapit sa amin. Nakasunod sa kanya si Lola at mga magulang namin. Kasama din nila si Leanne na ngiting-ngiti.
"Goodmorning Lala." Sabay na bati naming tatlo.
"Hala! Magsikain na tayo dahil mahaba-haba ang araw na ito para sa atin lalo na sa'yo Ace." Napakunot noo naman ako sa sinabi ni Lola.
"Bakit? Anong meron ngayong araw na ito?" takang tanong ko pagkaupo ko.
"well, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Ace. All of us talked—"
"Na hindi kami kasama ni Kuya? Why so unfair? Hindi niyo man lang kami ininform na may family meeting pala."
"Huwag ka ng magtampo anak. Tulog ka pa kasi kanina nung nag-pasya kaming mag-usap-usap and your Kuya got a call from the office kaya hindi rin siya nakasali sa usapan." Nakangiting paliwanag ni Tita.
"okay, so napag-usapan namin which we all of us agreed na today we'll go to the Madrigal to formally ask for Madison's hand in marriage. Let's make things right this time. I'm sure papayag ka sa planong ito Ace."
"Yes po. Kinabahan naman ako sa kung anong plano yan but I'm happy with the plan you have."
"But you also need to tell them your planned first Ace. Ayokong magkaroon ng lamat ang pagsasama niyo oras na matuklasan ni Madison ang una mong plano." Napalunok ako sa snabi ni Lolo.
"Opo. Sasabihin ko na po sa kanya lahat." pagkatapos naming kumain ng breakfast ay nagpunta kami agad sa may library kung saan pag-uusapan namin kung anong dapat ihanda para sa pagpunta kina Boss.
Hindi ko maitago ang excitement ko dahil sa wakas, alam kong totoo na ito. Aaminin ko noong una ay parang balewala lang sa akin ang lahat pero ngayon, gusto kong tutukan bawat detalye ng kasal namin.
Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap biglang nakarinig kami ng katok tsaka pumasok ang isa sa kasambahay namin.
"Nasa labasa po si ma'am Madison kasama po ang mga magulang niya." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng katulong.
"Huh? Hindi ba tayo ang pupunta sa kanila bakit sila ang nandito?" takang tanong ni Sophia.
"Baka naman nandito sila para mangumusta. Matagal din silang nawala diba?" mom said smiling.
"Sige paakyatin mo nalang sila rito." Nagpaalam na ito tsaka bumaba upang sundin ang utos ni lolo.
Kahit hindi nila sabihin ay alam kong nagtataka sila kung bakit nandito ngayon si Madison kasama pa ang mga magulang niya. Bakit bigla silang nagpunta ditto?
"Good morning po." Napadako ako tingin ko sa pintuan kung saan nakatayo ngayon ang babaeng bumihag ng buo kong pagkatao.
"Hija! Nice to see you again. Kamusta? Matagal rin kitang hindi nakita." Lumapit si Mom sa kanya at niyakap. Ganun din ang ginawa ni Tita pati si Leanne.
BINABASA MO ANG
Perfect Together
RomanceSCDPsidestory| MadisonMadrigal Everything wasn't right but it MUST be right.