Chapter 18

254 12 1
                                    

"Bakit po kayo naka-shades?" Kaagad na tanong ni Pam pagkarating ko ng office.

"Wala lang. Pauso ko lang. Naka-ready na ba ang studio? Eleanor will be here at 10 so everything should be ready."

"Yes ma'am. Check ko nalang po ulit."

"Sige. Please bring me coffee."

Naupo na ako tsaka tinanggal ang shades ko.

"Damn you Ace. Kasalanan mo to eh...kasalanan mo." Gigil kong sabi habang nakatingin sa salamin.

I have eyebags and it's irritating! Simula ng magka-usap kami ni Eleanor nung isang araw hindi na ako nakatulog ng maayos dagdag pa na hindi umuuwi si Ace sa condo. Ni wala man lang paalam kung nasan siya. Bwisit na lalaking iyon. Ganyan ba ang gusto magpakasal?

Sinuot ko ulit ang shades ko ng may kumatok sa office ko.

"Ma'am, nandito na po si Miss Eleanor."

"What? 9 pa lang ah. 10 ang usapan namin-"

"I just want to come here earlier to have a chitchat with you." Napangiti ako tsaka tumayo.

"Talaga lang hah. Can you make another coffee?"

"Sure ma'am." Sabi ni Pam.

Umupo kami sa sofa na nasa office ko.

"Are you nervous kaya nagpunta ka dito ng mas maaga?"

"Of course not. Kahit matagal na akong di sumasabak sa ganito. I know I can still handle."

"Ooohhh..that model-aura you have."

Pumasok muli si Pam dala ang isa pang tasang kape.

Nagkwentuhan pa kami habang naghihintay sa oras ng photoshoot.

"Tara?" Aya ko sa kanya ng mapansing malapit na mag-10. Tumayo na ako kasabay naman ng pagbukas ng pinto at inuluwa ang lalaking lu-li.

"What are you doing here lu-li?!" Di ko mapigilang sabi.

Ilang linggo ko ba siyang di nakita? Mukhang nagpagupit siya.

"Lu-li? Wow, may endearment na si boss sa akin...miss mo ko no?" Mapang-asar na sabi niya.

"Of course not! Kahit isang taon ka pang mawala I don't care!"

"Sus! Kunwari ka pa. Namiss din kita!sobra!" Sabi niya tsaka napatingin kay Eleanor. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi nito kita ang mukha.

"May bisita ka pala."

"Yeah, she will be our model for this month issue. Dahil malaki ang utang mo sa aking sinungaling ka, ikaw ang magiging photographer and I will not going to pay you."

"Grabe siya oh! Hindi pagsisinungaling iyon."

"Anong tawag doon?!" Pasigaw kong sabi.

"Acting! That's what you call acting. Okay, I will be your photographer." Naglakad ito palapit sa amin.

"Hi, I am Ace. Her fian--ce." Napatingin ako sa kanya na tila natuklaw ng ahas habang nakatingin kay Eleanor.

Eleanor also a little bit surprised but then smiled. Tumayo ito tsaka inabot ang kamay ni Ace.

"I am Eleanor." Why do I feel some unknown tension in my office.

Napatingin ako kay Ace mukha pa ring ewan.

"I know Eleanor is like an angel ao please Ace, go back to your senses. Masyadong halata ang paghanga mo sa kanya." Tsaka lang nito binitawan ang kamay ni Eleanor pero hindi ang titig nito.

"Yes, she's like an angel." Bigla akong nainis ng sabihin niya iyon.

Kailangan talagang sabihin sa harap ko?! Ilang araw akong hindi nakatulog ng maayos dahil sa kanya tapos ito ang maririnig ko?!

"..but you're my goddess, boss" sabi nito tsaka kinindatan ako. I can't help but to smile but I've tried my very best for him not to notice it.

"Kakornihan mo."

"Ahm, mauuna ako sa studio."

"Sabay na tayo Elie."ngumiti ito at ng maglalakad na sana ako pinigilan ako ni Ace.

"Ano?"

"Mag-usap muna tayo."

"I have a work to do and yoh should be ready to." Inis kong sabi.

"Can you leave first?" Tumango si Elie.

"Ano bang pag-uusap natin?"

"Its about who weighs more. You or my ex...i already know the answer." Napatulala ako ng sabihin niya iyon kaso nabalik din ako sa realidad ng nakarinig ng parang nabasag.

"Oh my!"

"Eleanor, are you okay?" Agad ko siyang nilapitan para ilayo dun sa mga bubog galing sa nabasag na baso.

"Yes. I'am sorry nabitawan ko ng bubuksan ko na ang pinto."

"No. It's okay. Tara na sa studio. Ipapalinis ko na lang yan." Binuksan ko na ang pintuan pero bago kami tuluyang lumabas tiningnan ko muna si Ace na tiim bagang nakatingin sa amin.

"Get ready. We'll talk at home."

Sheez heart! Kumalma ka! I am so eager to know his answer but I have work to do! Nakakahiya kay Eleanor.

Damn Ace, siguraduhin mong magugustuhan ko ang isasagot mo kundi ipapa-salvage na talaga kita.

Damn heart, please stay still. He's just Ace! Damn Denver.

Perfect TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon