Chapter 23
"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na ah..."
"May kailangan pa akong asikasuhin kaya hindi na muna ako uuwi." Sabi ko kay Pam.
Alas-onse na ng gabi ngunit nandito pa rin ako. Pam is already going home while me, I am still busy killing my feelings.
"Eh sa bahay niyo? Kailan ka uuwi?" napatingin ako sa kanya.
"You know that my parents won't allow me to go home—"
"Then tell them 'Dad, isang malaking kasinungalingan lang si Ace. Niloloko niya lang ako kaya dapat niyo siyang ipa-salvage' ganun lang kadali iyon."
"As if Pam. Alam mo kung anong ginawa ko nung una para lang hindi matuloy ito but Dad just got mad kaya nga pinaalis ako sa bahay di ba? As if maniniwala iyon sa sasabihin ko."
"pero anak ka niya. Siguro naman kakampihan ka niya this time lalo pa't ikaw ang naaagrabyado dito!"
"...don't worry Pam. I can get through this. Trust me. Once I said 'No' nothing can stop me."
"Madison, sana lang talaga maliwanagan ka na. Ace is just using you to get Eleanor. Kahit pa alam niyang may sariling pamilya na yung babaeng iyon hinahabol-habol niya pa rin. Duh? Hindi ba siya nag-iisip? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, nagiging asong-ulol siya sa babaeng yon."
"Ang dami mong alam. Umuwi ka na nga, baka abangan ka na naman dyan sa baba." Tawang sabi ko.
"tsk! Ganda ko kasi kaya nagkakandarapa sa akin ang mga lalaki." Sabi niya sabay flip ng hair.
"just please Madison, ingatan mo ang puso mo. Huwag mo ibigay lahat. Ngayon pa nga lang, nasa kalahati ka na pero kasinungalingan lang ang nakukuha mong kapalit. Paano pa kaya kung buong puso mo na ang nakataya? Sana huwag kang umabot sa ganon dahil sobrang hirap Madison. Sobrang hirap na mas gugustuhin mo na lang magpakamatay." May bahid ng lungkot ang kanyang boses.
"I will remember that Pam. Thanks. Sabi ko nga diba? Don't worry, hindi ko gagawin iyon. Hindi ko gagawin ang bagay na kamuntikan mo ng gawin noon. Kung gusto niya talaga si Eleanor then so be it. I will let him go...but not now. I'm still loving him, maybe kapag nabawasan na ng kaunti itong lecheng nararamdaman ko tsaka ko siya papakawalan."
Sumilay naman ang isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.
"Glad to hear that. Huwag mo akong tutularan at hindi naman ako papayag na tumulad ka sa akin. Maybe, you're a bitch for everybody but you know better. There's still the living bitch among all the bitches."
"..and that's you." Pareho kaming natawa.
Pam is a friend of mine na nakikilala ko sa isang bar 3 years ago. She was wasted that time. Nagpapakalasing at kapag nilalapitan siya ng lalaki tinitingnan niya ang ito sabay sabing 'Am I not enough? Tangna ka! Binigay ko lahat sayo tapos iiwan mo ako sa ere? Tngna kang hayop ka! Nagpaalipin ako sayo pero ginago mo ako!' natatawa talaga ako kapag naiisip ko iyon. I thought nung una is yung guy na lumapit sa kanya is boyfriend niya but when another guy approached her ganun ulit ang linya. That's when I realized she's broken. No. Wrecked. Napapailing na lang ako nung time na yun kasi mukha siyang baliw at napapatawa na rin habang pinapanuod siya pero nawala ang lahat ng iyon ng makita ko siya sa loob ng comfort room. Walang malay at naliligo sa sariling dugo. Sinubukan pala niyang wakasan ang buhay niya. Mabuti na lang ay Nakita ko siya at naitakbo agad sa hospital.
Ngayon ay hindi ko na nakikita yung Pam na mahina. All I can see now is a strong woman. A woman who cannot be played anymore. She's already a good player in her own games. She's the true epitome of bitches.
"Mukhang nagkamali ako. I can still see the Madison who can play smart. Just guard your heart Madison."
"Noted ma'am." Sabi ko sabay saludo pa. Natawa naman siya at tuluyan na nga siyang nagpaalam.
Tahimik lang akong napatingin sa picture na kanina ko pa tinitingnan. Kuha namin ni Ace nung sinurprise niya ako.
Picture naming dalawa, pareho kaming nakangiti at kung iba siguro ang makakakita nito sasabihin nilang ang swerte namin sa isa't-isa. We're so perfect together but I know better. We're not. I am just a rebound.
Rebound.
Hindi ba sa mga kwentong rebound, nafa-fall pa rin yung guy/girl sa rebound niya? Bakit iba ata sa kwento ko? Walang kapag-a-pag-asa. Ginawang rebound pero hayun nasa kandungan ng iba.
"Bakit ka ganyan Ace? Bakit ka ganyan? Sinasabi mong mahal mo ako pero siya pa rin. Siya pa rin. Siya pa rin talaga." Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya agad kong pinunasan ang mga mata ko.
"mukhang mali si Pam, hindi lang kalahati ang naibigay ko kundi buo na. Buong puso ko na ang tumaya. Lakas ng kamandag mong hayop ka. Kinain mo na buong Sistema ko." Natawa ako habang lumuluha.
Napatingin ako sa phone ko ng umilaw ito. May isang txt galing sa kanya.
From: douchebag
Boss, I can't go home right now. May kailangan kasi akong tapusin ditto sa office kaya ditto na ako magpapalipas ng gabi. Good night Boss, love you!
Napangiti ulit ako habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko.
"mabawasan lang talaga itong lecheng feelings ko sayo, itatapon kita sa basurahan."
Kahit konting bawas lang, papakawalan na kita. Kaso ayaw mabawasan eh. Mukhang di pa namamanhid kaya magpapakatanga muna ako. Magpakagago ka lang hanggang sa mapagod ang puso ko, ako ang mang-iiwan sa ere.
I am Madison Madrigal, I will never be dumped. I will do the dumping.
Not you. Me.
BINABASA MO ANG
Perfect Together
RomanceSCDPsidestory| MadisonMadrigal Everything wasn't right but it MUST be right.