Katulad nga ng sabi ni BAD kailangan kong malaman kung sino ang mas matimbang kaya nandito na ako ngayon sa opisina ni boss.
Siya muna una kong titimbangin kasi siya ang narito.
"Goodmorning Pam! Si boss nandyan ba?" Ngiting saad ko.
Tila nagtataka naman itong iniexamina ako.
"Huy! Kailan ka pa naging human scanner?" Tanong ko.
"Hindi ba dapat naka-wheel chair ka pa ngayon at may benda pa yang kanang kamay at kaliwang paa mo?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Busted." Pabuling kong sabi tsaka siya nginitian ng matamis.
Mukhang nagets naman niya at nanlalaking matang itinuro ako.
"You! Nagpanggap!-"tinakpan ko na ang bibig niya bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
"Shh!!!huwag mo ng ipagsigawan kasi buking na naman ako."sabi ko tsaka siya binitawan habang nakangusong nakaturo kay boss na nanlilisik na ang mga mata sa akin ngayon.
"DENVER!!!" Lahat ng empleyado ata napatingin sa kanya ng sumigaw siya. Me? I just gave her my most seductive smile but she just gave me a deadly stare.
Damn. Bakit ko ba kasi nakalimutang maglagay ng bandages at umupo sa wheelchair. Yes, nagpapanggap lang ako. Ang totoo kasi niyan, mild lang yung mga injuries ko at hindi naman talaga ako napuruhan sa aksidente. Kinuntsaba lang namin yung mga doctors para lang magkaron ako ng chance na mas mapalapit kay Madison to give our marriage a chance. Gusto kong matuloy ang kasal namin at yun lang ang naisip ko para magkalapit kami kaso lecheng lunch date na yan nasira lahat ng plano ko.
"Hi boss!" Cool kong sabi kahit ang totoo kinakabahan ako sa susunod niyang gagawin.
Madison is a sophisticated woman but there are times that she's gone crazy and I hate to see that side of her. She's too difficult to handle.
"You freaking liar! Get out of my company!"
"I didn't do anything." Taas kamay kong sabi.
"Really? Sa nakikita ko ngayon, sa tingin mo papaniwalaan pa kita? Ilang kasinungalingan na ba ang sinabi at pinakita mo sa aking hayop ka?"
"Maddy-"
"Stop. Just go. Go and rot in hell." Sabi niya tsaka pabagsak na isinarado ang pinto ng opisina niya.
"Hala! Ayan kasi. Pa-wheelchair wheelchair ka pang nalalaman eh nakakalakad ka naman pala."
"Alam mo kasi Pam, pogi problems ang tawag don. Masyado kasing pakipot ang boss mo kaya ginawa ko iyon atsaka-wait! Di ba ikaw ang nag-suggest non!"
"Suggestion lang kaya iyon hindi ko naman akalain na gagawin mo." Bwisit na babaeng to. Siya nag-suggest na gawin ko iyon tapos itinatanggi niya ngayon?!
"Sabi mo kasi effective. Sinabi mo pa nga kung anong magiging resulta diba? Sinuggest mo iyon kasi sabi mo effective base sa napanuod mong drama!"
"Sinabi ko bang effective sa totoong buhay? Ang sabi ko effective dun sa drama kasi naging malapit yung dalawang tauhan sa isa't-isa-"
"PAM! TO MY OFFICE NOW!" napatigil kaming dalawa at napatingin sa pintuan ni Madison na nakasarado na ngayon.
"Patay! Kasalanan mo to eh! Kapag ako nasisante ikaw talaga sisisihin ko!"
"Tsk! If she fired you. Come to my company and i'll give you a job."
"Anong klaseng trabaho, aber?"
"Adviser. Adviser ng mga empleyadong walang patutunguhan baka sakaling umayos sila oras na bigyan mo sila ng mga advice o suggestion na wala namang kabuluhan."
BINABASA MO ANG
Perfect Together
RomanceSCDPsidestory| MadisonMadrigal Everything wasn't right but it MUST be right.