Nasa sala ang apat nababae habang nakaupo sa sofa, bawat isa ay taimtim na nag-iisip. Panandaliang magkakatinginan mata sa mata ang bawat isa sa kanila, na para bang nagplaplano ng kung anong masama.
" Aha! Baka naman sa palabas yon! Yung pinapanuod niya kagabi! "
Sambit ni Anne, pinagtinginan lang siya ng tatlo na para bang siya ang pinaka-bobo sa lahat ng tao.
Hindi tuloy mapigilan ni Lizelle ang matawa lalo na't frenemy niya ito.
" Bwahaha ang tanga mo naman! Paanong magiging sa palabas yon eh ang pinapanuod niya eh yung action drama na 'Ikasa mo, Ipuputok ko' at ang bidang babae dun eh Kacey yung ginagampanan ni Karylle Padilla yung artista tapos ang kapartner niya si Vice Pogi! Sus walang Angela duon, bobita! Bwahahaha "
" Pasensya naman ha??! Wala kasi akong interes sa mga corny na palabas na pinapanuod mo! Che! "
Bago pa tuluyang mag-away ang dalawa ay tumayo na si Ana at namagitan sa dalawa...
" Girls, girls, Tama na yan wag tayong mag-away dito... Alam niyo imbes na nagmumukha tayong tanga dito kakaisip kung sino yun, eh itanong na lang natin kay Tutoy para naman matahimik na tay, okay? "
Sambit ni Ana, na sinangayunan naman ng tatlo, agad na naglakad pauntang haagdanan ang apat para kausapin si Tutoy at gisingin na rin dahil kanina pa natutulog iyon.
Pero bago pa lang sila makaakyat eh nakasalubong nanila si Tutoy.
" Ano yung itatanong niyo? "
" Narinig mo kami Tutoy?! "
Sabi ni Kaye na para bang gulat na gulat.
" Oo naman ang ingay-ingay niyo kaya. "
Pabulong na nagsisihan pa ang dalawa na si Anne at Liz samantalang si Tutoy ay napailing na lang at tumingin kay Ana, saka nagtanong.
" Oh Ana, alam kong ikaw ang speaker sa inyong apat. So ano nga yung itatanong ninyo? "
" Ah... Uhm Tutoy hindi naman sa ano ha nangi-ngialam kami, pero nacu-curious lang kami.. Kasi kanina habang tulog ka bigla kang nagsalita, tapos may binanggit kang pangalan... Uhm sabi mo Angela... sino yun Tutoy? "
Sandaling natahimik si Tutoy sa tinanong ni Ana, habang ang apat naman ay tahimik na nag-aantay sa sagot ni Tutoy, lahat kabaddo at excited dahil may bago na naman silang matutunan about kay Tutoy
" Hindi ko alam e.. "
Yun lang ang sinambit ni Tutoy at saka siya naglakad papalayo sa apat na naiwang na-disappoint at naiwan pa rin sa knailang palaisipan kung sino si Angela.. Susundan na sana nila si Tutoy ng biglang....
* DINGDONG *
Sabay-sabay na nagkatinginan ang apat, Siya namang labas ni Tutoy mula sa kusina.
" Ako na magbubukas para kasi kayong istatwa dyan eh "
Sambit ni Tutoy habang pailing-iling pa.
Pagkalabas ni Tutoy ay siya namang pagsunod ng apat kay Tutoy...
Paglabas nila ay nagulat sila sa sight na nakita nila...
" I miss you very much Jose Marie!!!! "
Sambit ng isang babaeng nakayakap ng pagkahigpit-higpit kay Tutoy... Habang si Tutoy ay parang doll lang na niyayakap di man lang umakap pabalik sa babaeng yumayakap sa kanya.
As usual sina Anne at Liz, automatic na napataas ang kilay.
" Bitawan mo si Tutoy ikaw na lintang babae ka! "
Sabay na sambit ng dalawa, yan ang famous line nilang dalawa pag nakikita nilang may umaaligid kay Tutoy maliban sa kanilang apat.
Binitawan ng babae si Tutoy saka niya tinignan ang dalawang pinagsabihan siyang ' linta '
Nagpamewang ito at pinatayan ay hindi pala hinigitan pa ang pagkamataray ng dalawa.
" At bakit naman? Sino ba kayo? "
Sabi ng babae na nagmataas na ng boses, lalo tuloy nainis sina Anne at Liz habang ang kambal naman na si Kaye at Ana ay kinakabahan sa maaring susunod na mangyari.
" Bakit? Ikaw? Sino ka ba?! "
Tanong ni Anne na nagtaaas na din ng boses.
" Ako lang naman ang nag-iisa at ever beautiful na si....... "
Itutuloy......
Ow.Em.Gee!!! Sino si girlalu na biglang sumulpot sa boarding house nila?
At sino nga ba talaga si Angela?
Mananatiling palaisipan ba ito kina Ana, Kaye, Anne, at Liz???
Abanganers!!!!!
Pasensya na readers! ngayon na lang ulit hehehe busy eh oh well pafel heto na ang update hope you enjoyed!! ^______^ Salamat mga friends!!!! I love you all!!!!!!!! Mwah! ^____^
BINABASA MO ANG
Four + Me = Riot Love!!! @.@
FanfictionIsang handsome and hot Pol-sci teacher ang napapaligiran ng magaganda at seksing mga babae sa isang boarding house... but he doesn't seem to care... Even those ladies are all over him.. he doesn't care!! Paano ba naman kasi... meron siyang Alexithym...