Kabanata 4

1.8K 33 7
                                    

Pigil hiniga ang lahat ng makarinig ng pagtunog ng pintuan hudyat na in-unlock na ni Tutoy ang pintuan, Ilang sandali pa ay nagkaroon na sila ng lakas ng loob para pasukin si Tutoy sa loob ng kwarto nito.

" TUTOY!!!! " 

Sigaw nilang apat nang makapasok sila sa loob ng kwarto ni Tutoy habang palinga-linga pa sa kapaligiran naghahanap ng bakas na may pangyayaring masama ngunit wala silang nakita kundi ang nakabukas na telebisyon ni Tutoy at madilim na kwarto at si Tutoy na nakatayo sa may gilid ng pintuan at nakabalot ng kumot....

" Anong meron? "

tanging tanong ni Tutoy sa kanilang apat na wala man lamang kaemoemosyon na makikita sa mukha nito at maririnig sa tamong nito... Sabay-sabay ang apat na babae na nagpakawala ng buntong hiniga....

" Tutoy bat ba naman kasi nagla-lock ng pintuan atsaka ano yung narinig naming kalabog?? "

Unang nagsalita si Anne na lumapit kay Tutoy at chineck pa ito kung walang nangyaring masama dito.

Sumunod na lumapit si Kaye at alalang-alala na nakamasid kay Tutoy hanggang sa sumunod na ang dalawa na lumapit kay Tutoy...

Sunod sunod ang mga naging tanong nila kaya naman si Tutoy nagpapalit-palit ang tingin sa kanila...

" Okay lang ako. Nanonood lang ako."

Sabi ni Tutoy sa kanilang apat at as usual wala pa ring emosyon.. Nakumbinsi niya naman ang apat na okay lang talaga siya at walang nangyaring masama..

" Pinag-alala mo kami ng husto, huwag mo na ulit uulitin iyon Tutoy ha? " 

Sambit ni Ana sa kanya, tinitigan lang siya nito at saka isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang di nila inaasahan na gagawin ni Tutoy...

Nakita nilang ngumiti ito pero split second lang at saka nagsabing...

" Pasensya na sa inyong lahat. "

Matapos sabihin iyon ay iniwan niya ang apat na nakatayo lamang at halata sa mga pagmumukha ang pagkagulat, naupo na muli si Tutoy sa kanyang kama at back to his old self na naman ito nung muling manood...

Nang makarecover ang apat agad nilang nilingon si Tutoy at pinagmasdan ito.

" Namalikmata lang tayo guys.... " 

Sabi ni Lizelle na pailing-iling na lumabas ng kwarto at paniwalang-paniwala na talagang namalik mata lamang sila.

" Oo nga mga pagod na tayo, tara bukas na lang natin kulitin si Tutoy. " 

Sabi ni Anne naman na naniwala din kay Lizelle at saka lumabas na rin ng kwarto ni Tutoy, sumunod naman sa kanya si Kaye na patango-tango at paniwalang-paniwala din sa naunang sinabi ng dalawa.. Ngunit hindi nagpaawat si Karylle. Nilapitan niya si Tutoy at naupo sa tabi nito habang pinagmamasdan ang pagmumukha ni Tutoy looking for any signs na hindi nga talaga sila namalik mata.

" Kanina ka pa nakatitig sa'kin Karylle, bakit? "

Sambit ni Tutoy na nakaharap pa rin sa telebisyon at focus pa rin sa panonood.

" Tutoy, ngumiti ka ba talaga kanina? "

Tanong sa kanya ni Ana na nakamasid pa rin sa mukha nito.

" Ngiti.... Hindi ko alam.. ngumiti ba ako? " 

Balik tanong sa kanya ni Tutoy, napabuntong-hininga tuloy si Ana, naisip niyang baka nga siguro namalik mata nga lang silang apat, tumayo na siya at saka tinapik-tapik ang balikat ni Tutoy.

" Wala.... Tutoy, goodnight " 

Bago lumabas ay muling nilingon niya si Tutoy at pailing-iling na tuluyang lumabas sa kwarto ni Tutoy....

Pagkalabas niya ay dire-diretso siyang nagtungo sa kwarto nilang magkapatid na napapaisip pa din sa pangyayari kanina.

Kinabukasan....

Maagang nagising ang apat na babae dahil kinailangan pa nilang magsipag-gawa ng gawaing bahay... ni-isa sa kanila ay wala ng nakaalala sa pangyayari kagabi or at least sinadya na lang nilang huwag alalahanin dahil isa sa kanila ay hindi pa rin mapanatag.

Ana's POV

Hmm... Ngumiti talaga si Tutoy nakita ko eh! o baka nga namalikmata lang kaming apat pero.....

" Ana! Pakigising nga si Tutoy. Mamalengke lang kami ni Kaye atsaka si Lizelle kasi may sinagot na tawag, ikaw na lang muna gumising kay Tutoy. "

Sabi sakin ni Anne na madaling madali habang nakasunod naman sa kanya ang kapatid ko, tumango na lamang ako saka ngumiti sa kanya at saka umakyat papunta sa kwarto ni Tutoy...

Pagkabukas ko ng pintuan ay naabutan kong tulog pa si Tutoy at nakabukas pa ang telebisyon, nalimutan niya ng patayin yung TV, tsk tsk tsk.....

Kaya pintay ko na lang ito at saka naupo sa gilid ng kama ni Tutoy...

Ilang sandali ko munang pinagmasdan si Tutoy....

Napaka-cute talaga ni Tutoy pag natutulog di ko tuloy mapigilan ang hindi mapangiti...

" Tutoy... Gising na..."

Sambit ko habang marahan kong tinatapik siya sa kanyang braso...

Unti-unti ay nagmulat ng mata si Tutoy at tinitigan niya ako... makailang sandali pa ay isang bagay ang hindi ko inaasahan...

Pumulupot ang kamay ni Tutoy sa aking bewang....

Iisipin ko sanang fully awake na si Tutoy dahil sa ginawa niya ngunit ng marinig ko ang maliliit nitong paghilik ay natawa na lamang ako sa sarili ko...

Pinabayaan ko na lang na ganito muna ang posisyon namin hind dahil sa gusto ko pero komportable si Tutoy kaya pinabayaan ko munang matulog siya ng kahit kaunti...

End of Ana's POV

Muling ginising ni ana si Tutoy ngunit tila yata pagod na pagod ang binata kaya mahirap gisingin ngayon... Ngunit di rin sumuko si Ana sa pag-gising kay Tutoy 

Nang muling tangkain ni Ana na gisingin si Tutoy....

" Angela......"

Sambit ni Tutoy na nagpatigil sa pagtangkang paggising ni Ana kay Tutoy...

Naguluminahan si Ana, hindi dahil sa nagsalita si Tutoy sa kabila ng mahimbing na pagtulog nito,ito ay sa kadahilanang may binanggit na pangalan si Tutoy na hindi nila kahit kailan nakilala at sa kadahilanang nanaginip si Tutoy tungkol sa isang babae.....

Sino si Angela???

At

Bakit nasambit ni Tutoy ang pangalan nito????

Abanganers!!!!!

Itutuloy..............

Pasensya na ngayon ko lang na-update medyo busy lang ay! hindi pala medyo! busy pala talaga hahahahahaha Thanks for reading! Love you! kisssabayhug!!! ^___^

Four + Me = Riot Love!!! @.@Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon