Umagang-umaga nag-iingay na naman si Anne.. ang lakas lakas ng boses nito kaya naman nagsilabasan ang kanyang mga ka-boardmates..
" Anne! Ano ba! Ang aga-aga mo mambulabog!! Pwede ba!!! "
Inis na sabi ni Liz... yung magkapatid naman na kambal ayun papikit-pikit pa.... sanay na sila sa pangbubulabog ni Anne kaya okay na sa kanila.. para na din magising sila ng maaga..
" Oh Bakit? Kumakanta lang naman ako a! Kahit kelan ka talaga! "
Sabi naman ni Anne na medyo nairita kay Liz... Madalas sila mag-away niyan ni Liz pero sila ang best of friends dito sa boarding house.. noon... simula nung dumating si Tutoy ayun.. naging best enemy na nila ang isa't -isa pero minsan magkasama din sila sa paggawa ng kalokohan especially pag patungkol kay Tutoy....
Habang nag-uumpisa ng mag-away si Liz at Anne. yung dalawang magkapatid naman ayun.. nag-uunahan na makapunta sa kwarto ni Tutoy... Alam kasi nilang heavy sleeper itong si Tutoy.... kaya basically isa sa kanila ang alarm clock... madalas sina Anne o di kaya si Liz ang nauunang pumunta sa kwarto ni Tutoy.. pero dahil nga busy sa pag-aaway ang dalawa.. hala.. ayun nag-unahan na papunta sa kwarto ni Tutoy....
Hindi na sila nag-abala pang kumatok dahil alam naman nila na hindi nagla-lock si Tutoy at lalong-lalo hindi ito tatayo para pagbuksan ng pintuan ang sinoman....
Pagkapasok ng kamabal na si Kaye at Ana... Napanganga sila ng makita si Tutoy... nakaligo na at bagong labas lang nito sa banyo.... nakatapis ng tuwalya ang ibabang bahagi ni Tutoy... kaya naman kitang-kita ng dalawa ang katawan nito...
" Oh? May kelangan ba kayong dalawa? "
Tanong ni Tutoy na para bang wala lang nangyari.. na para bang wala lang sa kanya kung nakahubad siya.... Napakibit balikat na lang si Tutoy ng hindi nagsalita ang dalawa.. Nagpatuloy na lang siya sa pagpupunas ng buhok habang hawak ang phone nito at nagte-text....
Si Kaye at Ana naman.. ayun.. haos mapasukan na ng langaw ang mga bunganga... Natauhan lang sila ng sumigaw si Anne mula sa likod nila... Kasunod ni Anne ay si Liz na manghang-mangha sa nakikita niya.....
" Tutoy!!!!! ♥.♥ "
Sigaw ni Anne... Napalingon naman sa kanya si Tutoy at tumango lamang sa kanya at bumalik ulit s ginagawa niyang pagte-text....
" Ngayon lang 'to ah! Bakit ang aga mo nagising? "
Tanong ni Anne habang nakatitig sa katawan ni Tutoy... Kulang na lang eh matunaw ang lalake sa ginagawa nila buti nalang tao si Tutoy at hindi Ice cream.....
" Hindi ako nakatulog.."
Simpleng sabi ni Tutoy kay Anne...Na animo'y naistatwa na sa kinatatayuan niya... dahil nabihag na naman siya ng charm ni Tutoy.... Pati yung tatlo tameme na... Ngayon na lang kasi ulit nila nakitang topless si Tutoy... ah... hindi pala... kagabi pala pinagtulungan pala nila si Tutoy... Hay ewan 'tong mga babaeng to... masyadong mapupusok... Buti na lang talaga at hindi sila pinapatulan ni Tutoy...
Nang matapos sa pag-tetext si Tutoy... dun lang siya ulit napatingin sa apat na kanina pa nakatayo sa may doorway at nakatulala sa kanya.....
" Anong meron? Bakit ang tahimik niyo ata? "
Dahil nga hindi aware si Tutoy.. hindi niya alam na pinagnanasaan na naman siya ng apat... Kaya ayun nagkibit balikat na lang siya nung walang sumagot sa tinatanong niya... nagpatuloy na lang siya sa gagawin niya... ang pagbibihis.... Nang tatanggalin niya na ang towel sa baba niya ay saka naman napasigaw ang apat na babae at nag-unahan makaalis sa pwesto nila... takang-taka naman si Tutoy... kaya nung makaalis na ang apat yun sinarado niya na ang pinto at muling nagpatuloy sa pagbibihis....
BINABASA MO ANG
Four + Me = Riot Love!!! @.@
FanficIsang handsome and hot Pol-sci teacher ang napapaligiran ng magaganda at seksing mga babae sa isang boarding house... but he doesn't seem to care... Even those ladies are all over him.. he doesn't care!! Paano ba naman kasi... meron siyang Alexithym...