Kabanata 2

2.2K 41 13
                                    

Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad pauwi... Si Ana naman ay ngiting-ngiti lang dahil F na F niya ang pagkapit kay Tutoy tapos silang dalawa lang ang magkasama... walang Anne... walang Liz... at walang Kaye... silang dalawa lang... feeling niya tuloy para na silang mag-boyfriend-girlfriend... Tuwang-tuwa si Ana sa isiping iyon... Habang tuwang-tuwa siya sa pagde-day dream... bigla na lang nahinto si Tutoy sa paglalakad... Kaya ayun... nanumbalik siya sa katinuaan at napatingin kay Tutoy....

" Tutoy Bakit? "

Tanong ni Ana sa kanya... Ngunit hindi nagsasalita si Tutoy... Nakatingin lamang ito sa isang babae na papalapit sa kanila... Kaya naman tumingin din siya sa babaeng iyon.... Nang malapit-lapit na ang babae ay saka napakanot-noo si Ana... Si Kaye pala....

" Hi Tutoy!! Ana sis! Hello!!! "

Masiglang bati sa kanilang dalawa ni Kaye... Kakagaling lang kasi nito sa trabaho... or  probably.. nag-iikot-ikot lang at kumukuha ng litrato si Kaye at kanina pa natapos ang trabaho nito... 

" Hi sis! Kakagaling mo lang sa trabaho? "

Sabi sa kanya ni Ana na pasimpleng bumitaw sa braso ni Tutoy... Sa kanilang apat kasi... si Kaye ang masasabing in love na in love na in love kay Tutoy.... at bilang nakakatanda ng ilang minuto lang naman si Ana... ayaw niyang nakikitang masaktan ang kanyang dearest sister ng dahil lang sa kanya.....

" Hindi sis.. Naglibot-libot lang... Eh... ahm... kayo? San kayo nanggaling? Bakit kayo magkasama? "

May hint ng inggit at selos sa bandang dulo ng sentence ni Kaye....... Alam na kaagad ni Ana iyon kaya naman nag-formulate na kaagad na siya ng reason para iwasan ang mga ganitong bagay... yung makita niya o maramdaman niyang nagseselos o naiinggit ang kanayang kapatid sa kanya....

" Ah Kaye nagkasabay lang kami dyan sa may kan- "

" Dumalaw siya ng Uni. Nagsabay na kaming umuwi "

Sabi ni Tutoy na wala man lang kaalam-alam sa mga nangyayari... Si Ana naman ay nanlaki ang mata... iniiwasan niya nga ang ganito eh... naku panigurado magtatampo na naman sa kanya si Kaye.....

" Oh sige... ganun ba? Sige mauna na ko ha? May bibilhin pa ko diyan sa may tindahan... atsaka... atsaka..... maglilibot pa ko.... "

Agad na tumakbo si Kaye papalayo... Yun na nga ba ang sinasabi ni Ana e... Na magtatampo at magseselos at maiinggit sa kanya.... Ayaw niya sana yon as much as possible kaso ayan na naman....

" Tutoy!! Ano ba 'tong ginawa mo? "

Napa-face palm si Ana... Kung tutuusin walang kasalanan si Tutoy kasi walang alam ito... kaso minsan talaga epic fail 'tong si Tutoy... masyado kasing honest at straight forward.....

" Bakit? Ano bang ginawa ko? "

Tanong sa kanya ni Tutoy na wala man lang kaemosyon-emosyon...  Parang nagtanong lang ng " What is the spelling of apple "  Hay naku Tutoy.....

Napailing na lamang si Ana... Aalis na sana siya para habulin si Kaye kaso.... bigla siyang hinawakan ni Tutoy at hinila.... kasabay nun ang biglang pagbusina ng malakas ng isang truck na mabilis ang takbo....

Nagulat siya... Buti na lang ay hinila siya ni Tutoy.. kundi ay masasapol sana siya ng truck.. baka patay na siya ngayon....

" Muntik ka ng masagasaan... tumitingin ka dapat sa paligid mo.. "

Sabi ni Tutoy sa kanya... as usual wala man lang kaemo-emosyon.... Napatingala siya kay Tutoy na nakatingin sa kanya.... Nun niya lang narealize na nakakulong pala siya sa mga bisig ni Tutoy.... Bigla na lamang tumibok ng malakas ang kanyang puso... Ang lapit-lapit kasi niya kay Tutoy... Ok.. malapit naman talaga siya lagi kay Tutoy kaso hindi ganito.... hindi ganun kalapit at hindi sa ganung eksena... Nakaakap sa kanya si Tutoy... Kaya ang bago-bago...

Four + Me = Riot Love!!! @.@Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon