Chapter 1

5.3K 122 2
                                    


BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 1
Info.







"Eto na day." Inaabot sa akin ni Madam ang isang bond paper kung saan nakalagay ang mga impormasyon ng aking magiging amo.





Binasa ko iyon ng paulit ulit at baka sakaling nagkamali lang ako sa edad. Pero hindi. Ang akala kong bata ay mas matanda pa sa akin ang aalagaan ko. Hindi naman gurang, mga apat na taon lang naman ang agwat namin, pero nakakapagtaka talaga. Kailangan pa bang bantayan ang isang dalawamput apat na tong gulang? Na lalaki?





Tinignan ko ang likod ng bond paper, baka sakaling may ibang impormasyon pa akong makita. Pero blangko na iyon. Edad, pangalan, Address. Iyon lang? Iyon lang ang impormasyon tungkol sa amo ko? Sa aalagaan ko?







"Madam?"





Natigil sa kakangisi si Madam habang tumitipa sa kanyang cellphone ng marinig niya ako. "Yes day?"




"Uhm... ito lang?"



Nalipat ang tingin niya sa akin. "Oo, yan lang ang gihatag sa akin."


Nangunot ang nuo ko sa sinabi niya. "Anong gihatag Madam?"

"Ay! Suri, suri. Este binigay pala."


Tatango tango lang ako. "Kahit picture? Wala?"


Natigil si Madam at seryoso akong tinignan. "Mayayaman ang mga kliyente rito day, masyado sigurong kompidensyal ang impormasyon ng kliyente na iyan kaya---"


"Baka naman budol-budol ito Madam ha. Nako talaga---"




"Buang ka ba?" Hinampas niya ako ng pabiro. "Sinisigurado namin ang lahat dito. Walang mangyayaring ganoon."



"Ah." Tatango-tango na lamang ako. "Sige Madam ha. Kailan ba ako magsisimula sa kanila?"




"Bukas na bukas rin. Ang balita ko, kakauwi lang raw ng babantayan mo galing ibang bansa. Ihanda mo na iyang english-english mo ha."



Ngumiti lamang ako kay Madam. "Sige ho Madam. Maraming salamat 'ho ulit."













Inihanda ko ang lahat ng damit na dadalhin ko para bukas, pati na rin ang mga iba pang gamit ko. Syempre, halos doon na rin ako maninirhan.






Nakakapagtaka pa rin kung bakit ba ganoon na lang impormasyon na ibinigay sa akin. Anong klaseng tao ba itong babantayan ko? Special Child? Disabled? Tapos 'ni wala man lang litrato. Pero saka ko lang malalaman kapag nakita ko na siya, sana naman maging mabuti ang pakikitungo nila sa akin. Wala akong magiging problema sa kapag ganoon.





Kinabukasan ay pupungas-pungas akong bumangon dahil sa naghihingalo kong cellphone. Nang tignan ko ay si Madam ang tumatawag na nakaregister.





"Day?"





"Oh Madam, bakit 'ho?"





"Magbihis kana at maghanda. May pupunta sayo diyan para sunduin ka para ihatid sa bahay ng amo mo."






"H-Ha? Pwede namang ako na lang ang pumunta doon Madam ah."





"Nako. Wag ka ng marami pang reklamo diha. Bilisan mo ang pagkilos at parating na diyan ang susundo sayo."





Tumatango ako kahit na hindi naman ako nakikita ni Madam, sa pagmamadali ay muntikan ko pang mahulog ang aking cellphone. Kailangan kong magmadali! Baka maabutan nila akong hindi pa nakakaligo man lang. Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng disenteng damit at pagkatapos ay chineck ang mga gamit na dadalhin ko.






Chinicheck ko ang bag ko ng bigla na lamang na may kumatok. Nagmamadali kong sinarado ang zipper ng aking bag at pagkatapos ay binuksan ang pinto. Nabungaran ko ang isang lalakeng matangkad at makisig na nakatayo sa aking harap.






"Ikaw ba si Ashna Dimaculangan?"




Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. Nakakatakot naman, kung nakaT-shirt lang siguro 'to mapagkakamalan kong bouncer to ng isang bar. Nakasuit and tie ito at mataman lang na nakatingin sa akin.


"A-Ah. Oo."




"Tara na ma'am."





Bumalik ako sa loob ng bahay para kunin ang gamit ko, kinuha iyon ng lalaki at saka ipinasok sa sasakyang nakaparada sa harap ng aking bahay. Bago tuluyang umalis ay sinigurado ko munang sarado ang aking pinto at nakalock na.






Nagaalangan akong sumakay. Paano kung budol-budol 'to? Nako talaga. Bahala na. Mumultuhin ko na lang si Madam, kailangan ko ng trabaho kaya kahit hindi naman ako sigurado dito papasukin ko na. Pumasok ako sa sasakyan at sumakay.




Sana maging maayos at mabuti ang lahat para sa akin.









***

ImperfectPiece

CBS#3: Babysitting DakotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon