BABYSITTING DAKOTA
CHAPTER - 12
Surprised.Napatulala na lang si Asha.
There she is, standing like a dumb tree trunk in front of her family's house.
Baka nga ay tubuan na lang siya ng dahon at ugat doon kung wala pa siyang balak na katukin ang pinto nila. Panigurado ay magtatatalak ang nanay niya kapag nalaman nitong nauwi siya ng walang pasabi.
Akmang itataas niya na ang kamay para katukin ang pinto ng biglang bumukas ito. Kaagad napaatras si Asha ng makita ang kanyang nanay na siya ring gulat ng makita siya nito.
"Jusko, maryosep naman!" Palatak ng kanyang nanay.
"Ma..." Kaagad niyang inabot ang kamay nito para magmano, binitbit niya na rin ang kanyang maleta para makapasok ng bahay.
Hindi pa siya nakakaupo ay ito na't paparating na sunod-sunod agad ang mga tanong ng kayang nanay.
"Anong nangyari sayong bata ka at nandiyan ka sa harap ng pinto? Bakit hindi ka kumatok? Bakit di ka nagpasabi uuwi ka pala ngayon? Mukha kang bumyahe mula sa kabilang kalawakan diyan sa itsura mo. Ayos ka lang ba?" Bigla ay bumadha ang pagaalala sa mata ng ina.
"Ma—"
Nanlaki bigla ang mga mata ng kanyang ina habang nakatitig ito sa kanya. "Aruy jusko!" Dinuro siya nito na para bang may malaki siyang kasalanan. "Buntis ka ano?!"
Nalukot naman ang mukha ni Asha. Lupaypay siyang naupo sa sofa nilang kahoy at napangiwi ng marinig niya ang maingay nitong alingitngit. "Ni wala nga akong boypren inay, paano naman ako mabubuntis. Isa pa bakit hindi niyo pa itinatapon ito? Napakaluma na umaaray na kapag inuupuan oh."
Napabuntong hininga ang kanyang ina bago ito nagpunta ng mesa at naghanda ng baso para timplahan siya ng kape. "Alam mo namang wala tayong pambili, isa pa nagkakasya lang ang padala mo sa baon ng kapatid mo at pangangailangan dito sa bahay. Hindi ko pa kayang itapon yan dahil napapakinabangan pa naman natin."
Bigla ay parang pinagsisisihan niyang umuwi siya sa kanilang bahay. Wala na siyang trabaho. Saan na siya pupulutin ngayon? Lalo pa't hindi din sapat ang kinikita ng nanay niya sa pagiging harvester ng kalamansi sa katabing lupa nila. Ang kapatid niya naman, isang senior highschool pa lamang at hindi pa kayang magtrabaho.
Iniabot ng kanyang ina ang tinimpla nitong kape kay Asha at pagkatapos ay umupo din ito sa kaharap niyang upuan. Humigop ng dalawang beses ng kape si Asha pagkatapos ay nakita niya ang seryosong mukha ng kanyang ina. Alam niya, sa pagkakataong ito ay hindi niya na matatakasan ang tanong nito.
"Bakit ka napauwi, Asha?"
Ang totoo niyan, hindi sa ayaw ng kanilang ina na makita siya. Ayaw talaga nitong nasa bukirin silang dalawang magkapatid kung kaya't nung nagaaral pa siya ay pinursigi nitong sa universidad sa sentral siya makapasok, maging ang kapatid niya, ang hiling nito ay makapagaral din sa magandang skwelahan. Ang rason nito ay, ayaw daw nitong matulad silang magkapatid sa kanya. Walang pinagaralan, at nabuntis pa ng maaga at tatanda na lang sa bukirin.
Ngunit kahit ganoon man ang kanyang ina, hinding-hindi nito mapapalitan ang katumbas ng kahit na anong ginto. Mahal niya ang ina at kailanman ay hindi niya ito ikinahiya.
"Wala na 'ho akong trabaho nay." Napabuntong hininga siya pagkatapos iyon sabihin.
Nangunot naman ang noo ng kanyang ina. "Oh, eh bakit parang binagsak sayo ang langit at lupa? Natanggal ka lang pala sa trabaho."
Kung alam lang nito ang nangyari sa kanya doon, baka sugurin nito ang amo niya. Alam niya rin sa sarili na hindi lang basta trabaho ang kanyang pinanghihinayangan kung kaya't katulad nga ng sabi ng Inay niya, para ngang talaga na ibinagsak sa kanya ang langit at lupa. Literal.
BINABASA MO ANG
CBS#3: Babysitting Dakota
General FictionClingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabila nang natapos niyang second year college, hindi niya inatrasan. Kailangan niya nang pera at wala siyang panahon para maginarte, basta ba't...