BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 4
After a year.Kagagaling niya lang ng palengke.
Siya na muna ang umako ng gawain ni Tina dahil may lagnat ito. Ayaw niya namang pagmartsahin ito sa palengke na may mataas na temperatura. Dahil siguro sa walang pahinga at sa dami ng gawain sobra itong napagod kaya nagkalagnat. Kahit na iisang tao lang naman ang nakatira dito na pinagsisilbihan nila, lahat sila ay abala dahil sa pagkalaki-laki ng bahay. Isa pa, isa ding masakit sa ulo ang hari dito.
Napagpasyahan niyang saglit na munang ilapag ang mg dala-dalang pinamili sa kusina dahil pakiramdam niya ay nanlalagkit na siya sa pawis. Pero habang papalapit siya sa sala ay narinig niya ang boses ng kanyang Sir Dakota.
"I don't like the taste. Throw it." Dakota demanded.
"Hala, sorry po sir. Ipagtitimpla—" Naputol naman ang kausap nito dahil sa pagsabat ng kanyang Sir sa iritadong boses.
"No need. I need, Sasha." He demanded the servant nonchalantly.
"Pero kasi sir, nasa palengke pa po siya at hindi pa dumadating." Dahilan ng ninenerbyos na katulong.
Sumilip siya sa hamba ng dingding na nagdurugtong sa kusina at sala ng bahay. Nakita niyang hinihilot ni Dakota ang sintido at alam niyang naiinis na ito. Napailing siya dahil sa inasal nito sa katulong na kaharap kaya naisipan niyang lumabas na at ipakita ang prisensiya niya at sagipin ito.
"Call her. Tell her to go home—"
"—Sige na, Ate Julie. Ako na po ang bahala pakiayos na lang po yung mga nabili ko sa kusina."
Para bang nakahinga ng maayos ang mas nakakatandang katulong ng makita siya nito. Ngumiti ito sa kanya ng pilit at medyo nanlalaki ang mata, para itong ewan na matigas ang leeg na tumango-tango at dali-daling naglakad palampas sa kanya papunta ng kusina. Gusto niyang matawa. Hindi kasi sanay ang mga ito sa ugali ni Dakota.
"What took you so long?" Nakakunot ang noo ni Dakota na nakaupo sa sofa habang nakatitig ito sa kanya ng may pagkainis.
Napamewang siya. "Wag mo akong ineenglish ha. Nakakapagod mamalengke kaya wag mo akong tinatanong." Sipat niya.
Nagtaas naman ng kilay si Dakota. "Hindi mo man lang ako naisip? Paano ako dito?" Pagmamaktol nito na parang bata.
Siya rin ay nagtaas ng kilay. "May kamay at paa ka naman ah. Anong paano ka rito?"
"It is you who I always need, Asha. Kanina pa ako nagugutom." Sumimangot ang binata.
Hindi ito kakain kung hindi siya ang maghahanda ng kakainin nito. Hindi niya ba alam kung anong meron pero kapag hindi siya ang kumilos para dito, hindi nito iyon tatanggapin. Katulad na lang ng kapeng nanlalamig na sa center table na si Ate Julie ang nagtimpla.
"Magbibihis lang ako at ipaghahanda kita. Sandali lang."
Agad siyang tumalikod para sana pumunta na sa kwarto niya ng bigla ay may humablot ng kamay niya. Nakita niya na lang ang sarili na hila-hila ni Dakota papunta ng kusina. Pagdating nila doon ay wala ng tao o bakas man lang ni Ate Julie, maging ang mg pinamili niya wala na din. Siguro ay mabilis nito iyong nailigpit.
"Don't mind. I don't care if you stink, I want you to feed me."
Napairap siya sa ere. Kung hindi niya lang talaga ito amo, kanina niya pa ito piningot!
BINABASA MO ANG
CBS#3: Babysitting Dakota
General FictionClingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabila nang natapos niyang second year college, hindi niya inatrasan. Kailangan niya nang pera at wala siyang panahon para maginarte, basta ba't...