BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 2
About him.Nang makita ko ang bahay, pakiramdam ko ay napakaliit ko. Nakakalula sa laki at taas at nakakalungkot ang aura ng mansiong bahay. Itim at puti, puti at itim lang ang mga kulay ng mga gamit at walang kahit na anong litratong nakadisplay ng pamilya, o isahang tao man lamang. Sa madaling salita, walang kabuhay-buhay ang bahay.
Kinausap ako ng mayordoma sa mga patakaran, mga dapat at hindi dapat at ilan pang paalala. Ipinakilala niya ang iba pang tauhan ng pamilyang may-ari ng bahay at inilibot niya ako sa mga pasikot-sikot, ang panghuli ay kinausap niya ako tungkol sa aking aalagaan.
"Si Dakota Bener Demonte Villazarco, siya ang iyong aalagaan—"
Hindi ko napigilan ang aking sarili na magsalita. "P-Pwede 'ho ba akong magtanong?" Natigilan ang Mayordoma ngunit pagkuwan ay tumango rin ito. "B-Bakit niya 'ho kailangan ng magaalaga sa kanya?"
Napabuntong-hininga ang matanda. "Nawalan ng paningin si Dakota noong maaksidente sila, nabuhay siya pati ang kanyang kapatid ngunit hindi nakaligtas ang kanyang mga magulang." Naging malayo ang tingin ng babae. "Simula noon, naging mailap na si Dakota. Nang magising siya at walang makita at malaman ang nangyari sa kanyang mga magulang ay nagbago ang batang masiyahin. Gayon pa man, kahit na nawalan siya ng paningin ay ipinagpatuloy niya pa rin ang pagpipinta."
Hindi ko mapigilan ang mamangha. "Talaga 'ho?!" Ngumiti ang matanda at tumango. "Kahit na hindi siya nakakakita, nakakapagpinta siya?"
"Oo, magaling siya sa bagay na iyon." Napalitan ng lungkot ang mukha ng matanda. "Ngunit nagbago ang kanyang mga ipinipinta, nagbago si Dakota pagkatapos ng trahedyang nangyari sa pamilya nila. Kahit pa na naoperahan na siya at nakakakita na muli ay hindi na bumalik pa ang dating siya."
Tumango ako, bahagyang nakakunot ang noo. "Kung ganoon po, ano pong kinalaman ko? Ang ibig ko pong sabihin ay bakit kailangan ng magaalaga sa kanya? Eh hindi po ba nabanggit niyong nakakakita na siya ulit?"
"Gusto niya lagi ang nagiisa. Maging ang kapatid niya ay hindiniya rin gaanong kinakausao kapag napaparito." Bumuntong hininga ang matanda. "Lagi lamang siyang nasa kwarto niya malayo sa lahat. Mahiyain siya at madaling magalit." Sumeryoso ang mukha ng aking kausap kaya't maigi akong nakinig. "Inaasahan naming sa pamamagitan mo ay magbago siya ng kaunti. Hindi mo lang siya aalagaan at aarugain, sana ay ikaw rin ang maging daan para makipag-usap naman siya kahit na papaano."
Ipinaling ko ang aking ulo at nagtatakang nagtanong. "Hindi po ba siya nagsasalita?"
"Madalang lamang siyang magsalita at maiigsi."
"May pagkaesnabero pala?"
Napangiti ang mayordoma. "Ganoon na nga."
Napalabi ako. Nagaalangan ko siyang tinignan. "Pwede pa 'ho bang magtanong?"
"Magtanong ka lamang, Iha."
"Bakit po parang mga tauhan lang ang mga nandito? Kung ang kapatid na lang ni Sir Dakota ang kasama niya, nasaan ito?"
"Si Sir Daylan ay nasa ibang bansa at doon na nakatira kasama ang sarili nitong pamilya. Hindi katulad ni Dakota, agad ring nakabawi si Daylan sa nangyari."
Nagiisa na lang pala siya rito? Nakakalungkot naman kung ganoon ang nangyari sa pamilya niya.
Magtatanong sana akong muli ng may baritonong boses akong marinig sa aking likuran. Agad na lumagpas ang tingin sa akin ng mayordoma at pumlastada ang ngiti nito sa labi.
"Dakota?"
"Sino yan?"
***
ImperfectPiece
BINABASA MO ANG
CBS#3: Babysitting Dakota
General FictionClingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabila nang natapos niyang second year college, hindi niya inatrasan. Kailangan niya nang pera at wala siyang panahon para maginarte, basta ba't...