Chapter 8

1.8K 80 10
                                    




BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 8
Long lost someone.



Alam naman ni Sasha na wala siya sa isang teleserye.


Kaya naman hinding-hindi papasok sa isip niya na may gusto sa kanya ang amo, baka kung may sira nga talaga ang tuktok nito ay mukhang totoo pa. Pero, amo niya? Magkakagusto sa kanya? Ano siya hilo?


Nitong mga nakaraang araw ay hindi ito masyadong naglalalabas sa kwarto, nalalapit na kasi ang anibersaryo ng kamatayan ng mga magulang nito. Malamang ay magmumukmok ito sa kwarto buong magdamag. Hanggang ngayon, hindi pa din nakakalimot si Dakota. Hindi niya alam kung kailan ba ito titigil sa pagsisi sa sarili at kung kailan ba nito bibitawan ang sakit na dala noon.
Madaming taon na ang lumipas.



Hindi niya naman din ito masisisi, kung nasa paa nga naman din siya nito, eh baka nabaliw na siya. Kaya wala siyang dapat gawin kundi ang intindihin ito sa abot ng makakaya niya. Isa pa, isa lang naman siyang katulong. Ano pa nga ba ang dapat niyang gawin?



Napabuntong hininga si Sasha.



Pansamantalang nawala sa kanyang isip ang amo. Nilagyan ng yelo ang tatlong baso na kanyang hinanda. Kasalukuyan silang may bisita, at alam niyang ang mga ito ay hindi nandito para bumisita. Bagkus, ay mambwesit.



"Hindi pa din ba sila titigil? Eh aba, wala naman silang mapapala." Ani ni Rowena, ang nakatoka sa hardin.

Naptigil si Sasha sa ginagawa. "Hindi ko din alam kung bakit ayaw pa din nila tumigil."

"Nako, mga mukhang—"

"Sasha."

Hindi na naituloy pa ni Rowena ang sasabihin ng marinig nila ang boses ng amo. Agad niya itong nilingon at agad sinundan ng kaagad itong umalis.

"Gusto kong ipaayos mo ang kwarto na tutuluyan nila."

Nangunoy naman ang kanyang noo at dali-daling huminto sa harap ni Dakota dahilan para mahinto din ito, at saka ito hinarap.

"Ano? Bakit sila tutuloy rito? Alam mo naman ang pakay nila sayo hindi ba—"

"Pera." Dakota said too quickly.

Napalunok ang huli. Totoo, napapadalas ang pagbisita ng malayo nitong kamaganak. Nagulat na lamang si Dakota ng isang araw ay biglang mayroong bumisita at sinasabi nitong kamaganak niya ito. Maging ang lahat sa bahay ay hindi makapaniwala, dahil alam nilang lahat na wala ng natitira pang kamaganak ang dalawang magkapatid na Villazarco.

"Eh kung ganoon, alam mo naman pala."

Tumango-tango ang binata. "But they came all the way here just to see me..." Bubuka na naman sana ang bibig ni Sasha ng ilagay ng binata ang hintuturo sa kanyang bibig. "But of course, I know that its just all for the money."

Hindi niya alam kung bakit pa ba nito pinapakisamahan ang mga kaanak raw nito sa gayong alam naman niyang pera lamang ang habol nito sa kanya? Hindi niya masikmura na may ganitong tao sa mundo. Pero mukhang dahil sa pera ay gagawin ng mga ito ang lahat.

Alam niyang nalulungkot ang binata dahil sa nalalapit na anibersaryo ng kamatayan ng mga magulang nito, at sasabay pa itong mga kamaganak niyang walang ginawa kundi ang plastikin siya para sa pera. Mukhang siya ang mas naiistress sa sitwasyong ito.

"Just do everything that I said okay? Just be good with them." Ginulo ni Dakota ang buhok ni Asha at saka ito muling umakyat ng hagdan paakyat sa kwarto nito.

CBS#3: Babysitting DakotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon