Chapter 6

4.2K 138 33
                                    

BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 6
Mood swing.





Sa hindi mahinuhang rason at di paipaliwanag na dahilan.



Bigla na lamang na kumabog na parang bang tinatambol ang puso niya ng sumagi sa isip niya ang ginawa ni Dakota kanina. Parang timang na kiniwal-kiwal niya ang katawan sa higaan at sinabunutan ang sarili.




"Gruuuugh!" Bigla tumigil siya at nagtataka niyang tinitigan ang puting kisame ng kanyang kwarto. Bakit ganon? Wala naman akong hinaing kakaiba sa kanya. Bigla ay napalitan ang kanyang ekspresyon at nanlalaki naman ang mga mata na nakatingin pa rin siya sa kisame ng biglang may maisip. "Tangina yung gagong 'yon, anong pinanggagagawa sakin ah."



Napailing-iling si Asha. Mukha siyang tinakasan na ng bait dahil sa mga pinagii-isip niya. Sino ba naman kasing matinong tao ang makikipagusap sa kisame habang alas tres ng umaga? Siya lang dahil wala na siyang tino.




Hindi siya mapakali sa isiping ganoon na lamang ang kilos ni Dakota sa kanya. Hindi naman iyon ganoon dati ah? May pinagdadaanan kaya 'yon? Napaisip siya. Siguro ay kailangan lang ni Dakota ang mailabas-labas naman at baka nagkakaganito ito kasi... nalulungkot? Nadedepress? Simula kasi ng magtrabaho siya rito, tatlong beses pa lang niya itong nakitang lumabas ng mismong bahay at nakakotse pa iyon. Napangiwi siya. Matatawag bang paglabas iyon?




Dahil sa desisyon, kaagad siyang tumayo sa kama. Tama! Kailangan niya itong ilabas para maging normal na ito, kasi sa ikinikilos nito ngayon mukhang nahihibang na yata ang amo niya. Pero syempre, hinay-hinay lang at hindi niya kaagad na sasabihin ang isiping baka nababaliw na ang amo niya dahil sa hindi ito lumalabas. Baka sesantehin siya nito, pero... diba nga sabi nito sa kanya 'wag siyang umalis?




Ayan na naman! Pilit na namang nagsusumiksik sa kanyang ulo. Pinilig niya ang ulo habang naglalakad palabas ng kanyang kwarto, baka kasi sa paraang 'yon bigla na lang na umalog ng kaunti ang utak niya at makalimutan niya na ang nangyari kagabi pero saktong pagbukas niya ng pinto bigla namang dumaan si Dakota.






Nahinto ang binata nang magtama ang mata nilang dalawa at naging kasunod na din nito ang paghinto ng kanyang mundo pero hindi nito napigilan ang naging marahas na pageraktiko ng kanyang dibdib. Natatakot na tuloy siya, hindi naman siguro siya highblood no?




"Can't sleep? Gusto ko sanang magpatimpla ng gatas." Sambit ng binata.



Bigla ay uminit ang pisngi niya ng makita ang hubad nitong dibdib. Makailang beses naman na niyang nakita iyon pero bakit ngayon niya lang naramdamang parang puputok ang pisngi niya sa init? "E bakit ka nakahubad? Baka naman gusto mong magsuot ng pantaas, ano?"



Ngunit kibit-balikat lamang ang naging tugon ng binata. "Tara na."


Lumapit pa ito sa kanya para abutin ang kamay niya at hilahin. Hawak-hawak nito ang kamay niya habang pababa sila ng hagadan, samantalang mukha naman siyang engot na muntik nang magkanda tapilok dahil sa magkahawak na kamay nila siya nakapokus. Ano ba namang nangyayari sa kanya?



Huminto si Dakota kaya't maging siya ay napahinto na rin. "Are you okay? You seem... different."


Nangunot naman ang kanyang noo sa tinuran nito. "Anong different naman?"



"You look like you're glowing. Plus—" Inilapit nito ang sarili sa kanya at inilagay ang ilong sa kanyang leeg at saka siya sininghot. "You smell good."



Tinulak niya naman sa dibdib si Dakota. Nahihibang na ba ito? O siya ang nahihibang dahil iba ang pakiramdam niya sa mga kilos nito? Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Dakota. Hinila niya ang kamay sa pagkakahawak nito at saka mas nauna na siyang bumaba.




Ba't nangingilabot siya? Pakiramdam niya'y tumaas ang balahibo siya sa batok ng maramdaman niya ang tungki ng matangos na ilong ng binata na dumakit sa kanyang leeg kanina ng amuyin siya nito.




Dali-dali siyang nagpunta ng kusina at naginit ng tubig, inihanda niya na din ang baso. Pilit niya namang inaabot ang cabinet na pinaglalagyan ng powder na gatas ng biglang maramdaman niyang may dumikit na lamang na mainit na katawan sa kanyang likod.





Kinuha ni Dakota ang pilit niyang inaabot at ito na mismo ang nagabot sa kanya. Tinignan niya ito ng masama kaya nagtataka na naman siyang tinignan ni Dakota.




"What's wrong? Why are you looking at me like that?"


Sa nanggigigil na bumubulong na boses, "Ano bang pinanggagagawa mo?!"



Mas lalong bumakas ang pagtataka sa mukha nito. Para bang natatawa itong makita siyang nanggagalaiti pero nagpipigil. "I didn't do anything." Ani nito sa inosenteng boses. "Inabot ko lang para sayo—"




Pinagkrus niya sa dibdib ang mga braso. "Kaya ko namang abut—"


"You're not wearing anything underneath?"


Bigla ay nakalimutan niya kung bakit siya naiinis. Siya naman ngayon ang nagtataka sa itinanong nito. "Bakit?" Napasinghap si Asha ng ipitin siya ni Dakota sa counter awtomatikong inilagay naman niya ang kanyang kamay sa dibdib nitong hubad para mailayo ng kaunti ang sarili. Nararamdaman niya ang bawat kurba ng katawan nitong nakadikit sa kanya napakainit ng balat nito sa ilalim ng kanyang kamay. His eyes became dilated with emotions she can't figure. "A—Anong ginagawa mo?"



Inilagay ni Dakota ang isang braso sa gilid niya sa counter. "Did I told you that you look sexy when you're angry?"



Her heart skipped a beat and then pounded again like it wants to be out from her chest.



"Ano bang ginagawa mo, Dakota? Kapag may nakakita satin—"


"Tayo lang ang nandito." Nagkatitigan silang dalawa.


Nitong mga nagdaang araw, naging paiba-iba ang naging ugali nito at talagang mapapansin niya iyon dahil ang trabaho niya naman talaga dito ay ang bantayan ang binata at asikasukin. Halos kabisado niya na ito, sa galaw at emosyon. Pero hindi niya alam kung bakit ito ganito. Sa mga pinapakita nitong bago sa kanya, hindi niya alam ang iisipin. Ngayon niya lamang ito nakitang ganito sa kanya. Hindi kaya pinaglalaruan siya nito?

Napaigtad siya ng haplusin nito ang kanyang buhok. "Dakota—"


Diretso siya nitong pinakatitigan sa mata. Sinusuyod ang bawat himaymay ng kanyang pagkatao.



"Can I touch you, Asha?"




Nakalimutan na niya ang pinakukulong tubig maging ang paghinga.


Dakota crouched a little bit for their faces to level and without a second thought Dakota planted his lips on hers.




***


ImperfectPiece

AN: What's your thought about this chapter?

CBS#3: Babysitting DakotaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon