BABYSITTING DAKOTA
C H A P T E R - 5
Always here.Tulog na yata ang lahat sa bahay, pero nasa sala pa rin si Sasha at nakaupo sa sofa habang nanunood ng tv.
Tiningala niya ang malaking orasan sa taas na hamba ng malaking pinto, alas onse na ng gabi pero hindi pa rin lumalabas si Dakota sa kanyang kwarto. Gusto niyang pasukin ito at dalhan ng pagkain, ngunit alam niyang kapag ganitong oras ay ayaw na ayaw nitong naiistorbo sa ginagawa.
Nagpipinta ito ng nakapiring ang mga mata.
Isa ito sa bagay na kanyang nalaman sa panahong nagtatagal na siya sa bahay na ito. Madalas na magpinta si Dakota, walang duda na nasa puso at mahal na mahal nito ang pagpipinta. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, para bang bulag pa din ang tingin nito sa mundo. Maitim, madilim.
Ilang oras na simula ng huli niya itong makausap kanina, pero dahil sa pagaalala at dahil lumipas na ang oras ng pagkain nito ay nagpasya si Sasha na tumayo na at ihanda ang pagkain nito. Inilagay niya ang lahat sa isang tray, akmang iaangat niya na ang tray mula sa mesa ng may tumabi sa kanya.
"Lumabas ka na pala." Ngumiti siya ng bahagya at nagangat ng tingin.
Tumango si Dakota at saka umupo sa katabi niyang upuan. Inilagay nito ang dalawang siko sa mesa at sinagsakop ang dalawang kamay.
"Why aren't you asleep?" Mahina ang boses na tanong nito.
Tinitigan niya lamang ang binata, hindi niya sinagot ang tanong nito kung kaya't napatingin ito sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa na para bang kanila ang bawat segundo.
"Kamusta?" Sa halip ay tanong ni Sasha.
Ngumiti si Dakota ngunit alam niya, alam niyang ang ngiti nito'y hindi totoo. Napayuko siya ng ilang sandali at pagkuwan ay hinarap din ito. Hinaplos niya ang kaliwa nitong pisngi.
Napapikit si Dakota at dinama ang init ng kanyang palad. "I miss them... I miss them so much."
Para bang kinurot ang puso ni Sasha. Alam niya, hindi pa rin nito nakakalimutan ang nangyari. Alam niya patuloy pa rin nitong sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng mga magulang. Alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ito pagkatapos ng maraming taon.
"Shhhh..." Niyakap niya si Dakota. Gusto niyang iparamdam na hindi ito nagiisa.
Ilang minuto silang nasa ganoong pwesto, pero para bang kahit ano sa kanya'y hindi nangangalay. Nalulungkot siya sa tuwing ganito ang binata, naiintindihan niya ito kung kaya't lahat ng kaya niyang gawin upang hindi lamang nito maramdamang nagiisa ay gagawin niya.
Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nararamdaman. Siguro, dahil malapit na rin siya rito. Pero bakit ganoon? Para bang kakaiba. Hindi niya maipaliwanag sa tuwing magkakadikit ang balat nilang dalawa.
"Sasha, hindi mo ako iiwan. Hindi ba?" Pagkuwan ay tanong ni Dakota. Matagal bago siya nakasagot kaya bumitiw si Dakota at pinakatitigan siya. "Right?"
Nagmamakaawa ang mata nito na parang batang nagsusumamong huwag iwan.
Tumango siya na ikinangiti ng binata. "Hindi."
Hindi niya alam pero, gusto niyang manatili. Manatili sa tabi nito at ipakita muli kung gaano ba kalaki at kaganda ang mundo. Kung gaano ito kakulay sa labas ng pangangamba at pagsisising dala-dala pa rin nito.
Gusto niyang siya ang kasama nito.
"Pwede ko bang makita ang gawa mo?" Tanong niyang muli.
Umalis si Dakota sa pagkakaupo at hinawakan ang kanyang kamay. Dahan dahan ay naglakad sila paakyat, papunta sa kwarto nito. Pagpasok ay makikita mong nakaayos ang lahat, walang bahid ng kalat. Itinulak nito ang isang napakalaking shelf ng mga libro, bumukas iyon na para bang isang pinto.
Maliban sa kanya at Dakota, wala ng nakakaalam na may ganito sa bahay na ito.
Bumungad ang isang malaking kwarto, punong puno ng mga canvass, brush at ibat-iba pang gamit sa pagpipinta. Isa siyang magaling sa larangan na 'yon, pero ni isa man ay wala siyang inilabas sa mga obra niya.
Mga obrang gamit na pinta lamang ay itim.
Sobrang lungkot ng kulay na animo'y salamin ng lahat ng nararamdaman ng nagpipinta. Salamin ng mga ibigsabihin na hindi maisabi. Salamin ng isang malungkot na pagkatao.
Nilapitan niya ang isang obra na may nakataklob na tela. Akmang hihilahin niya sana ang takit ng biglang hawakan ni Dakota ang kanyang kamay at pigilan siya. Nilingon niya ang binata at binigyan ng nagtatanong na mga mata.
"Wag." Iyon lamang ang sinabi nito pero sapat na iyon para malaman niyang hindi niya dapat iyon makita.
Muli niyang ibinalik ang mga mata sa nakatakip na canvass, sa dulo nitong may mantsa ang tela ng dilaw na kulay ng pintura. Dilaw?
Kumpleto ang lahat ng kulay na naririto para sa pagpipinta pero kahit kailan ay hindi iyon ginamit ni Dakota, tanging itim lang at mga kulay na malalim ang gamit nito kung kaya't mas lalong nagigting ang kanyang kuryosidad. Gayon pa man, hindi niya iyon ipinagalata at binitawan na lamang iyon.
Binaling niya naman sa iba ang mata at napunta iyon sa kasalukuyang ginagawa ni Dakota. Nangunot ang kanyang noo, hindi niya maintindihan ang isang ito. hinawakan niya iyon, at naramdaman niya ang magaspang na tekstura ng bawat hagod ng brush.
"Ano ang ibigsabihin nito?"
"Hindi ko alam." Sagot ng binata.
Tinignan niya itong muli at nagbuntong hininga. "Hindi ka pa ba nagugutom? Iinitin ko lang ang pagkain."
"Tara."
Sabay silang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naging tahimik lang ang pagitan nilang dalawa, hindi iyon nakakailang sa halip ay mapayapa.
Tumunog ang oven kaya agad niyang sinuot ang pot holder at binuksan iyon. Habang gunagawa niya iyon at naramdaman niya muli ang presensiya ni Dakota sa kanyang likuran.
"Nagugutom ka na? Sandali na lang—"
Natigil na lamang siya ng yapusin siya ni Dakota mula sa likuran. Ang pisngi nito'y nakadikit sa kanyang pisngi at ang baba ay nakapatong sa kanyang balikat.
"It's nice to know that there is someone here for me." Ramdaman niya ang mainit nitong katawan. "Its nice to know that you're always here for me, Sasha."
Napalunok si Sasha.
Ayan na naman ang dibdib niya na parang tinatambol ng mabilis at parang kakawala. Pakiramdam niya'y naging mainit ang paligid.
Nagulat siya ng biglang iharap siya ni Dakota at hapitin nito ng mahigpit ang kanyang bewang. Pinakatitigan siya nito ng mataim, katulad ng mga tinging ibinigay kito simula ng unang beses niya itong makita. Tinging para bang pinapasok ang buong pagkatao niya.
Hinalikan siya nito malapit sa labi na ikinasinghap niya. "D—Dakota..."
"Please, don't leave." He whispered.
***
ImperfectPiece
Hello guys! Kamustaaa?
BINABASA MO ANG
CBS#3: Babysitting Dakota
Aktuelle LiteraturClingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabila nang natapos niyang second year college, hindi niya inatrasan. Kailangan niya nang pera at wala siyang panahon para maginarte, basta ba't...