BABYSITTING DAKOTA
CHAPTER - 11
To go.Aalis ba siya o hindi?
Last night was embarrassing. Not just it, but to be specific? She could say it was horrified to imagine.
Hindi siya nakatulog. Hindi rin siya naiyak.
Hindi niya alam ang dapat na madama. What's the purpose right? She won't dwell on it. Wala namang magbabago, nangyari na ang nangyari. Ganoon na ba siya kakampante na sa tingin niya ay pwede na siyang makipagkulitan sa mga amo niya?
Maybe it is. Sobrang kampante.
Bumaling siya sa kabilang parte ng kanyang kama at niyakap ng mahigpit ang kanyang unan. Bigla ay napabuntong hininga siya. Ano pa ang mukhang ihaharap niya? Kaya niya pa bang kapalan ang mukha at ituring na parang hindi nangyari ang kahapon?Paano? Paano?
Bigla ay parang sumikip ang mundo niya. Pakiramdam niya ay gusto niya na lamang na umalis na lugar na ito. Pakiramdam niya'y hindi siya nararapat dito. Kung aalis siya, mabilis naman silang makakahanap ng ipapalit sa kanya hindi ba? Hindi sila mahihirapan. Pero siya kaya? Sign na nga ba ito para umalis na siya? Pero saan naman siya hahanap ng bagong trabaho? Ano ang ipapadala niya sa inay niya? Dumagsa ang katanungan sa kanyang isip.
Siguro nga ay kakapalan niya na muna ang mukha, tutal eh makapal naman talaga ang mukha niya kung tutuusin. Ganon na nga siguro kakapal ang kanyang balat para hindi makaramdam na masyado na siyang nagiging close sa kanyang mga amo. Dapat nga naman niyang malaman kung saan nararapat na tumayo.
Lalo tuloy siyang naguguluhan.
She started the day with silence. She never talked to Tina or anyone, even with Devlin. Ni hindi niya nga mai-angat ang ulo para tignan sila sa mata at hindi na din siya nagtangka pang lumapit dito kahit na isang metro pa ang layo nila. Mahirap na at baka kung ano na naman ang masabi sa kanya. Mabuti na nga sigurong napagsabihan siya ni Dakota, atleast ngayon alam niyang mali siya. Dakota never stepped outside his room for the whole day which is good for her. Si Tina na din ang naghahatid ng pagkain sa kwarto nito, siguro naintindihan din nito ang sitwasyon niya. She's thankful for it, dahil kung hindi ay baka kung siya ang gagawa 'non ay matunaw na lang siya bigla na parang yelo sa harapan ni Dakota.
The day went by so fast she didn't notice it was dark outside until she took a peek at the window in the kitchen while drying the plates. Kaagad niyang binilisan ang ginagawa, gusto niyang matapos na ang mga gawain niya at gusto niyang mapag-isa.
Buong araw na lumilipad ang kanyang isip. Paano siya gagalaw ng ganito? Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa isiping kahit anong oras ay lalabas si Dakota. Hindi niya alam ang gagawin kung magkakasakubong man sila sa bahay na ito. She got outside the house and went to the garden. Gusto niyang lumanghap ng sariwang hangin kahit na sandali man lamang. Napangiti siya ng kaunti ng makita ang mga bulaklak doon, she remembered how her mother loved gardening at kung ano ang tuwang makikita niya sa mukha nito kung may ganito silang hardin sa sariling bahay.
She missed her family so much.
Nakaramdam si Asha ng bigat sa kanyang mga balikat. Sa totoo lang, sobra siyang naapektuhan sa mga sinabi ni Dakota. She thought, being close to him was something special. That she was special. Pero sino ba naman siya para maging ilusyonada? Isa lamang siyang katulong. She was never and will never be special to someone like Dakota. It hurts knowing that all these time, sa mga panahong nasa tabi siya nito, ang mga araw na pinagsamahan nila, iniisip nitong nasa mali siyang lugar.
Sa isiping may taong nangangailangan sa kanya sa araw-araw ay nagbigay sa kanya ng purpose, ng lakas ng loob. Pero sa kaalamang hindi naman iyon mahalaga, at isa lamang siyang simpleng katulong ay para bang pumutok ang isang makulay na bulang nakataklob sa kanyang ulo. Isa iyong ilusyon.
BINABASA MO ANG
CBS#3: Babysitting Dakota
General FictionClingy Boys Series#3: Babysitting Dakota Sasha needs money. ASAP. Kaya kahit na maging katulong siya sa kabila nang natapos niyang second year college, hindi niya inatrasan. Kailangan niya nang pera at wala siyang panahon para maginarte, basta ba't...