Chapter 1

22 2 0
                                    


Jayme's POV:

Hay nako malapit na namang magsimula ang pasukan hindi pa kaya ako ready sa college. Sabi nga nila auntie na ang hirap ng college lalong lalo na at nasa UPCM ko pang na isipan na magcollege. Pero kakayanin ko 'to nandito naman yung best friend ko na si Akemi so hindi ako op sa unang araw ng klase. Isang tulog nalang Jayme nako! nako! pagdilat mo bukas klase na naman. Paano na te? Ano na ang plano mo? Anong susuotin mo? Wag yung badoy ha! baka ano pa ang sasabihin ng mga tao sa'yo. Pero naman maganda ka kaya.

Sinasabi ko ang mga yan habang kinakausap ang sarili sa salamin.

"Hay nako nak, ano ba yang sinasabi mo sa sarili mo? Hindi ka pa ba ready? Aayaw ba ang isang Gilmante?" Binibiro pa ako ni Mommy eh, makikita naman niyang kinakabahan ako.

"Sinong may sabi na aayaw ako mommy ha?" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Ate, mag-ingat ka sa Maynila ha. Wala kami ng daddy mo dun tapos ikaw na ang mag-aalaga sa iyong sarili." Sambit ni Mommy na parang iiyak na ata eh.

"Eto naman si Mommy oh, nagdradrama may pinapanood ba tayong teleserye na iiyak-iyak ka dyan? Hahaha, mag-iingat ako mommy nuh. Nandoon naman ang pamangkin ni Uncle Deric na sina Kuya Jon at Flinn. So, may magbabantay sarado rin sa aking mga kilos. Kaya wag ka nang mag emote-emote dyan sige ka magkaka wrinkles ka nyan." Pabiro kong sinabi sa kanya.

"Anong wrinkles nak? Nako hindi nuh. Sayang yung pagpapaganda ko, ihahatid na kita maya-maya kaya ready na ba ang mga dadalhin mo sa apartment mo?" Sabi ni Mommy Jen sa akin.

"Ready na lahat :)" sagot ko naman.

Umalis naman kaagad si mommy kasi kakagising lang ng aming mga princesang sina Julie at Janine. Ang tagal talaga nitong gumising parang aabot nalang ng tanghali o gabi hindi pa sila nakabangon sa kanilang higaan. Biglang pumasok si Janine habang nag-aayos ako sa mga gamit na nakalimutan kong ilagay sa bag.

"Ate Jeeymee, san ka punta? Iiwan mo si baby Janine?" tanong ng bunso namin sa akin.

"Hindi kita iiwan baby. Aalis lang si ate para magschool." sabi ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

"Dalhan mo toys si baby Janine ha at si baby alive ko." sambit niya ng biglang pumasok si Julie.

"Baby Janine, hindi naman magwowork si ate jayme eh. Wala kaya siyang pera pang buy ng toys mo." sabi ni Julie na kumukontra kay Janine.

Hindi nalang ako nagsalita at dinala ko nalang sila sa dining room para makakain na sila ng agahan. Itong dalawang to sana'y hindi sila mag-away ala aso't pusa kapag wala ako dito sa bahay stress lang ang dala nila kay mommy.

Malapit na mag sunset ng hinatid ako ni mommy sa apartment ko malapit sa UPCM I mean walking distance pala :3 Hindi nalang ako pinadorm ni ermats eh kasi nga raw walang magbabantay sa akin.

Jayme bukas na talaga ang unang araw ng klase. Kakayanin mo to diba? Wala sa dugo niyo ang aayaw sa mga pagsubok na darating sa buhay ninyo.

-----------------------

Ito na talaga eh, pasukan na! Tinawagan ko agad si Akemi kung nasa school na ba siya. Habang wala pa si Akemi sa school pumasok na ako sa building at kinuha yung I.D. Pagkakita ko palang sa picture 'juicecolored! Parang impakta naman yung mukha ko ditong umiiyak.'

Pagkapasok ko sa room may mga studyanteng magiging tour guide namin sa buong campus. Ang unang pumansin sa akin ay si Ate Maurice. At yon naging instant friend ko siya pero yun nga lang hindi close yung friend lang talaga by chance hehe.

Nameet ko rin ang iba't ibang mga magiging blockmates ko pagkatapos ng tour sa buong campus. Na kilala ko sina Kaye at Desiree. Akalain mo ang hinhin nila habang nandito naman akong ang likot at napaka bibo. Baka ma influence ko sila wag naman bad influence.

Naging barkada kami nina Kaye, Desiree at Akemi sa buong sem. At totoo nga na impluwensiyahan ko sina Kaye at Desiree. Akalain mo hindi pala sila mahiyain napakadaldal rin pala ng dalawang 'to.

Gayunpaman, nagkikiramayan din kami sa mga panahong parang di na namin kaya yung mga subjects namin may mga ano ba yon.. NaCl, yung stoic na method sa chemistry. Dumudugo na talaga yung mga ilong namin sa lalim ng aming mga pinag-aaralan.

Pero, pero di natin ma iiwasang may mga crush sa campus diba. Nakahanap na si Kaye ng crush na si Kester Noel. Si Desiree naman si Cristoff Perez at yung best friend kong si Akemi nako! ang gwapo ng crush si Charlie Gomez. Ako nalang ba ang walang crush? Haaay, Lord bigyan niyo po naman ako ng gwapong nilalang sa university na ito.

H-O-P-E-L-E-S-S

kana Jayme wala naman palang effect yung nagiging ka fling mo na si Christian, bakla siguro yun. Lord, isang gwapong nilalang po!

---------

Sa mga sumunod na araw nagkita kami ng naging kaibigan ko sa ibang department. Actually 2nd year na siya at ako naman freshman pa. Wala pa kaming klase kaya naghanap kami ng room na bakante na mapagtatambayan pero wala eh hindi kami nakahanap. Kami don nalang kami sa room namin sa susunod na subject kasama pala namin sina Kaye, Desiree at Akemi. Doon nalang kami nagpalipas ng oras. Habang nag-aaral ako ng Chemistry kasi di talaga maagapan dudugo talaga ang ilong ko haha nosebleed talaga ehh, kinalabit ako ni Jenny at sabay bulong sa akin na "jusko, ang gwapo oh!". Tinanong ko siya saan at tinuro niya ng palihim.

Oo nga, Lord siya na ba? Siya naba ang gwapo na gusto mo para sa akin? Etchosera talaga tong konsensya ko oh!

Sinabi ko agad nina Kaye si Mr. Pogi at good thing na schoolmate ni Kaye si Mr. Pogi sa school nila doon sa Samar. Agad naman niyang sinabi sa akin ang pangalan ni Mr. Pogi.

Siya raw si "GERRY LIM"

Lord, siya na talaga ang crush ko. Ang gwapo talaga ehh! naku! mas magiging ganado akong mag-aral nito.

The best thing they never hadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin