Gerry's POV:Nakakapagod maging official photographer ng school namin. Punta dito, punta doon. Naghahanap kasi ako ng magandang shot para maging masterpiece ko sa Photography Contest. May mga sleepless nights pa ako para mag edit sa mga pictures na nakuha ko. Kahit nakakapagod na at nangangalay na ang aking mga kamay at parang babagsak na ang aking mata ay hindi ako susuko. Ginusto ko 'to kaya dapat kong panindigan ang aking naging desisyon.
Oo nga pala ang kulit ng mga tao nuh? May iba't-ibang mga babaeng lumalapit sa akin para magpapicture. Eh sino naman ang tatanggi mapagkakamalan ka nilang snob paghumindi ka. Pero may isang babae talagang nabali ang aking pansin. Alam niyo pagkatapos namin magpicture ay tumakbo siya at sumigaw parang nakapagpapicture lang ng artista?
Sa tingin ko marami talaga ang nagkakagusto sa akin. Sa twitter marami ang nag tweet sa akin kung ano ba ang mga gusto ko sa isang babae, kung may crush ba ako sa bschem, kung ano ang paboritong kulay ko at higit sa lahat tinatawag pa akong Babe. Napaka annoying naman ng mga taong 'to.
---------
Yung huling araw ng Intramurals na stress na talaga ako. Pagod na pagod kasi kailangan ko nang ma kumpleto yung mga pictures at ipasa para sa aming school paper. Akalain niyo ang mga kaibigan ng babaeng tumakbo at sumigaw pagkatapos magpapicture sa akin nagpapicture na naman. Hindi ako handa magpapicture pero nag-oo nalang ako.
Parang comfortable naman ako sa picture na yun kahit na ilang seconds lang akong nakangiti kasama siya. Hindi ko alam ang pangalan niya pero salamat :)
Nung gabi na may biglang nagchat sa akin.
---------Jayme Gilmante: Hi! Umm, sorry ha at napagtrippan ka pa ng barkada ko. Damay ka pa tuloy sa kalokohang napag-isipan nila.
Ako: Okay lang :) Wala naman yung ibig sabihin diba?
Jayme Gilmante: Ahh, wala naman cge. Bye
Ako: Bye :)----------
Jayme pala ang pangalan niya. Maganda naman bagay sa kanya. Natatakot na kasi akong maging attached sa mga babae. Na heart broken na ako ng dahil sa naging ka fling ko nung high school palang ako siya para si Franchesca Llamanes. I thought it was already for real pinaglaruan niya lang pala yung feelings ko.
Dahil ba iba yung appearance ko noon? Ang dungis ko kasi noon mahilig makipaglaro kaya ako umitim. Pero nang naglaon ay nagmukmok nalang ako sa amin. Kung magkakataon mahahanap ko rin ang babae para sa akin.
----------
Jayme's POV:
Nagchat ako sa kanya kasi baka i-misunderstand niya ang lahat. Nadurog yung puso ko ng sinabi niyang "Okay lang :) Wala naman yung ibig sabihin diba?"
Sus, kung pwede ko lang sabihin sayo na crush na crush talaga kita Gerry! Pero hindi ko kayang makipagsabayan sa mga fangirls mo nuh?! Baka sabunotan pa ako ng buhok naku! Pinahaba ko pa naman ito.
Parati ko nalang sinasabi sa aking mga besh na magmomove-on na ang lola nila pero di ko talagang maiwasan na tumulo ang laway kapag makita ko yung pictures niya sa facebook. Kahit wala siyang ka abs-abs at hindi rin macho. Bakit ang hot mo pa rin Gerry? Kaso nga lang napansin ko sa picture naming dalawa hindi pala straight ang ngipin niya hahaha! joke lang pa braces ka na rin ha para matchy matchy tayong dalawa.
------------
Lumipas ang mga araw at tapos na naman yung sembreak namin. Balik sa school na naman. At yun nga nakita ko na naman siya nagkatitigan lang kami pa as if na 'Act Natural' ang peg ni lola. Pero nung nakatalikod na siya panay ang 'Ugh! Ang gwapo talaga ni Gerry!'
May walling pang nalalaman, nakakatulo ng laway talaga eh. Pero haaay, back to reality hinding-hindi siya magiging sayo. Pasensya ka na lang Jayme. Sana'y may fairy godmother naman na mag make-over sa akin para gumanda naman ako oh! bwesit talaga tong impaktang mukha ko :(
ŞİMDİ OKUDUĞUN
The best thing they never had
Novela JuvenilThis story revolves around 4 ladies in search for their better half. Will the universe conspire as they journey towards the unknown?