Chapter 2

15 0 0
                                    




Jayme's POV:

Naging busy kami lately sa pag-aaral dahil paparating na ang aming annual midterm exam. At ngayon ay nandito naman ako sa kwarto ko nagmukmok na parang wala sa kanyang mundo. Hindi talaga pumapasok sa utak ko ang mga binabasa ko parang pagbasa ko pa lang ay nakakalimutan ko agad nakakabwesit naman to oh!

Nagpamusic na lang ako para malinlang tong napakatamad kong utak at nagmuni-muni sa boring kong kwarto. At yun nga na isipan kong i-search sa facebook si Gerry. Sinisigurado lang kung gwapo ba talaga siya or namamalikmata lang ako.

Searching for Gerry Lim . . .

Gerry Rafael Achia Lim pala ang whole name niya.

Aba! Aba totoo ngang napaka gwapo ng lalaking ito.

Nakichika naman ako sa mga girlaloo ko,

------------

Ako: Omg, mga bruha nakita ko na ang facebook ni Mr. Pogi. Photographer pala si kuya tsaka bmx freestyle biker siya. Ughh! Nasa kanya na talaga ang lahat mga beshie.

Akemi: So, na add as a friend mo na ba?

Desiree: Add na yan.

Ako: Hindi pa nuh! nakakahiya naman ang gwapo niya tapos ang mag-aadd sa kanya ay isang witch na tulad ko. :(

Kaye: Ano ba girl ang drama add mo na yan.

Ako: Ahh sige I-add ko na ha. Kaye, single ba si kuya? :D

Kaye: Nung nag-aaral pa lamang siya sa Samar may naging gf siya pero tinaboy naman siya ng girl ehh. Pero mahal na mahal niya talaga yung girl. Baka hindi naging happy ending kasi nandiyan ka.

Desiree: Wag mong sabihin yan Kaye baka humaba pa ang buhok ng lola natin. Hahaha joke lang Jayme ha alam mo naman na love ka namin.

Akemi: Matulog na tayo mga bruha maaga pa tayong papasok bukas dapat tayong mag beauty sleep.

Kaye: Korek ka diyan titabels. Sige na magagalit si Mama pag hindi ako nakatulog ng maaga.

Desiree: Sige goodnight na :)

Jayme: Sige na mga bruha matutulog na ang diyosa niyo.

-------------

Dumaan ang mga araw ngunit hindi parin niya ako na accept. Snob naman ng mokong na to sinabihan ko ang barkada ko at payo nila ay i-cancel request ko raw tapos i-add uli. Ginawa ko naman kaya ayun na accept na ako.

'So, ano na Gerry dapat bang paulit-ulit kitang i-add para ma pansin mo na nagsend ako ng friend request. Walang hiya siya oh! Hindi dahil gwapo ka ha ipapalipas ko tong ginawa mo sa akin. Chos lang nuh.'

Nag-iisip na naman tong utak ko ng anu-ano. Mag-aral ka muna Jayme bago landi.

-------------

Day 1 of Intramurals:

Natapos na ang mala impyernong midterms at paparating na ang aming Intramurals :)

Yehey! Gusto kong sumali ng soccer pero wala akong magawa eh napaka busy at baka ma op pa ako. Kaya susubukan ko next school year.

Nag-usap kami ni Jenny sinabihan niya akong sasali siya sa Photograph Contest at kasali daw si Gerry. Sayang yung timing mo Jayme ha! Sana'y sumali ka nalang ng soccer para ma kuha naman siya ng mga picture mo habang naglalaro.

Kaya nag-isip nalang ako ng plan B ika nga para makapag interact naman kami ni Gerry. Sinabihan ko si Jenny na ididare ko siyang magpapicture sa kanya crush at ako naman ay magpapicture kay Gerry. Oh diba bongga para-paraan talaga ang lola ehh. Sumang-ayon naman siya kasi akala niya hindi ko gagawin.

Kaya noong araw na ng Opening ng Intramurals namin nilapitan ko si Jenny at nagbiro ako tungkol sa dare niya sa akin. Ehh, okay din itong si Jenny nilapitan niya si Gerry at sinabihan niya kung pwede bang magpapicture kaming dalawa. Sino pa ba ang aayaw edi go din ako.

Ang saklap eh naka pose na nga kami na off pa yung camera ni Jenny buti nalang na on ulit. Pero sa picture hindi siya nakatingin sa camera kundi sa gilid. Saklap!

Pinagsabihan ko naman sina Akemi dapat daw mag take two raw kami dahil dapat naka smile rin siya sa camera.

Nahihiya na ako nuh! hindi ko kaya kayang sabihin sa kanya na "Huy Gerry, hindi ka nakatingin sa camera nung una nating picture dapat tayong mag take two."

Di ko na kaya eh! Alam kong hanggang tingin nalang talaga. -.-

---------------

Day 2 of Intramurals:

Andito na naman ako walang hiya talaga tong barkada ko oh! Inakala kong nasa Manila pa sila umuwi na pala sa Samar, Cebu at sa Quezon City. Walang hiya talaga oh! Buti nalang tinext ko si Jenny at pupunta raw siya sa event center kung saan dinaraos ang Intramurals namin, Late pa nga ako ng dating nagbabasakali na makikita ko naman si Gerry. Pero wala eh, oo nga pala pinameet ako ni Jenny sa kanyang mga blockmates na si Alex, Ray, Climson, Cristy at kung sino pa yon.

Naging friendly naman sila sa akin. Nabored ako so na pagpasyahan ko na umuwi nalang kaya nagpasama ako sa kanila na sasakay nalang ako ng jeep pauwi pero sa di inaasahang panahon naabutan ko si Gerry na papasok sa event center. Nagkatitigan pa nga kaming dalawa at napasabi ng Sheeeeeem kaya binawi ko ang sinabi ko nina Jenny at pumasok ulit sa event center. Nawala siya sa aming mga paningin kaya naging matamlay ako.

Peropumunta muna ako sa booth para bumili ng souvenir kahit na nakabili na ako pinilit kasi ako ni Jenny na bumili nalang ulit. Kaya pumunta ako, laking gulat ko nalang nandoon pala si Gerry kaya pala hindi naman nagsabi si Jenny may surprise-suprise pang nalalaman tong babaeng 'to. So, bumili nalang ang ako kahit labag sa loob ko *chos lang*

Naglalaro pala siya ng uno cards kasama yung mga kaibigan niya. Siya pa nga ang naghand over ng bond paper na kung saan isusulat ang pangalan, design na napili at tshirt size. At yon nga inilagay ko at nagbiro pa si Jenny na nagcocollect daw ako ng university tshirts. Tumawa naman yung mokong na si Gerry nakakahiya ka Jayme ano bang ginagawa mo ba't sinunod mo si Jenny.

Umalis na kami pagkatapos kong maisulat ang pangalan ko at etc. sa papel na yun. Binatukan ko talaga si Jenny walang hiya ka! Pinahiya mo ako sa crush ko, pero okay lang alam ko naman na love mo ako diba kaya na gawa mo yun.

Oo, nga pala yung tungkol kay Jenny at sa crush niya na picture. Haha, nag pm ako sa kanyang crush kung okay lang ba may magpapapicture sa kanya. Go naman ng go yung crush niya at sabi niya na mahihiya raw siya dahil baka raw masira ang camera na gagamitin dahil napakapangit niya raw. Sinabayan ko naman. Aagahan niya raw ang pagdating sa event center at lalapit lang kami sa kanya kapag ready na ang kaibigan kong bruha na magpapicture.

Nung nandoon na si Denzel sa event center kailangan pa naming i-drag si Jenny kasi nahihiya raw siya. Pero dahil sa convincing super powers ko nagkapagpicture sila at selfie pa. Ang bagay naman ng ship ko oh! Sana'y magsail naman tong ship ko.

-------------

Day 3 of Intramurals:

So, end na ng Intramurals namin. Nakakalungkot naman oh! Kahit na ang boring ng Intramurals namin. Haha joke lang. So ito na ang pinagplanuhan nina Akemi na magpapapicture raw kami ulit ni Gerry. Aba parte pala si Gerry ng banda ng school namin. Ang gwapo talaga niya sa guitar. Kaya yun pa ninja-ninja pa ako sa pagkuha ng mga picture sa kanya.

Bebe, hindi ka naman nagsabi sa akin na mahusay ka palang tumugtog ng gitara. Naka in love ka tuloy. Pagkatapos ng kanilang pagtugtog at panghaharana sa mga students ay may ibang banda na namang tumugtog. Oo nga pala parte rin ng banda ang crush ni Jenny siya yung vocalist ng banda.

Perfect timing nga naman oh! Na corner nina Kaye si Gerry at sinabihan niyang pwede bang kunan nila kami ng picture na magkasama. Nag-oo naman siya at yun stress lang talaga ang mukha niya pero ang gwapo pa rin kahit na magkapareho lang kami ng height.

Pagkatapos naming magpapicture umuwi na ako at nagpasign ng attendance sheet ko sa councilor namin, Umuulan nun at na datnan ko nalang na may kasama siya sa iisang payong. Okay lang naman kasi yung nakahawak sa payong ay yung girl at hindi siya. Busy kasi siya sa pagprotekta ng kanyang camera baka kasi mabasa.

Ang sakit naman na makita mo siyang may kasamang babae.

The best thing they never hadHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin