"CALLE CRISOLOGO"

85 4 2
                                    


Ala-una na ng tanghali kami nakarating sa Calle Crisologo sa Vigan. Ang ganda pa din ng mga lumang gusali at bahay na nakatayo sa magkabilang side ng kalye. Feel na feel mo ang Spanish era sa lugar na ito.Marami ding turista ang naglalakad at kumukuha ng litrato. Syempre, hindi nagpahuli si Tessie, at kinuha nya ang selfie stick niya.

"Dali guys, groufie tayo habang wala pa si Celine." pagmamadaling sabi ni Tessie habang nasa loob pa
ng sasakyan si Celine, nagme-make-up!

"1-2..." bilang ni Tessie. Smile naman kami. Click!

"Wacky naman!" aya ni Rodney na mukha ng naka-wacky kahit normal.

"1-2..." bilang ulit ni Tessie. Wacky naman kami. Click.

"Isa pa! Isa pa! Sama ko!" pacute na sigaw ni Celine habang tumatakbo papunta sa amin.

"Ay lowbat ka na Tessie!" sabi ni Liz tapos tingin siya kay Celine, "Ay lowbat na siya. Maya na lang ulit." ngiti nitong ni Liz. Tong kaibigan kong talagang to oh..Very
good!

Doon kami sa Cordillera Hotel & Inn sa mismong Calle Crisologo nag-check in. Dalawang rooms ang nirent namin, one for the boys and one for the girls. Medyo mahal ang rate pero keri lang, maganda at comfortable naman ang hotel. At medyo namimiss na namin ang magandang higaan. Pagkacheck in namin ay lumabas kami at humanap na ng kakainan para sa tanghali. Napagdesisyunan namin na kumain ng empanadang iloko, ang very famous na pagkain sa Ilocos. Meron noon sa may malapit sa plaza, isang dampa.

Natatakam na akong kumain ng empanandang iloko, pero maarte tong si Celine at ayaw nya sa dampa kumain. So nagsplit into two kami. Sa Mcdo, tapat lang ng dampa, sina Celine, kasama ang mga napilitang sina Rodney at Miggy. While Team Dampa ay kami nina Dondon, Liz, Tessie at yours truly!

Maraming tao sa dampa. Open air kaya medyo mainit ang lugar dahil tanghaling tapat na. Nakaupo kami sa isang lamesa. Katabi ko si Tessie at sa harap namin ay ang lovebirds na sina DonLiz. Sinerve na sa amin ang mainit na mga empanandang iloko!

"Amoy pa lang masarap na!" sabi ni Dondon.

"Hati na lang kami ni Love dito sa isa." sabi ni Liz habang nagreready ng sawsawan sa maliit na platito.

Tumunog yung phone ko. Tumatawag yung pinsan ko na nasa Manila. May ihahatid kasi siyang mga padala sa bahay galing probinsya.

"Hello Boyet?" sagot ko sa phone, "Bakit ka napatawag? Naihatid mo na ba yung mga pinadadala ni Tita Mercy sa bahay?"

Nakikinig lang yung tatlo sa akin habang kumakain ng empanada.

"Hindi! Hindi jan sa Roces!" sagot ko ng sabihin ni Boyet na nasa Roces siya para ihatid sa bahay yung mga padala. Tumayo na ako at pumunta sa may kalsada dahil maingay sa dampa, "Sa Pasig na kami nakatira!"

Dinescribe ni Boyet kung nasaan siya at akala nya na doon pa din kami nakatira.

"Hindi na kami nakatira jan sa tapat ng pink na lugawan sa Roces ano ka ba Boyet!" tawa ko na lang. "Pasig na kami. Tetext ko sa'yo yung exact address. Magtaxi ka na lang. Ikaw kasi, hindi ka man lang nagtanong. Sugod ka ng sugod. O' sya, tawagan mo ko pag naibigay mo na yung padala ha? Bye." at bumalik na ako sa lamesa.

"Ay nak ng.." sabi nung isang customer sa kabilang table ng matabig niya yung lugaw na kinakain niya.

Napatingin kaming lahat sa kanya. Sayang yung lugaw.

"Sayang yung lugaw oh." panghihinayang ni Tessie habang hinahati yung pangatlong empanada niya, "Ang sarap kaya niyan."

"May aaminin ako Tessie." sabay tusok ko sa empanada gamit ang tinidor at sinawsaw sa suka.

Napatingin sa akin si Tessie habang sumusubo ng Empanada.

Nagpatuloy ako, " wag kang magugulat ha? Dati kong boyfriend yung officemate mo, si Miggy!"

Nabulunan si Tessie sa gulat. Pinainom siya ng tubig
ni Liz.

"Oh?!! Kaw yung ex ni Carlos?!!!" gulat na tanong ni Tessie, tapos tumingin siya kina Liz at Dondon, "Siya yung ex ni Carlos?!"

"Check na check ng pink na ballpen!" sagot ni Liz.

"Hindi mo ba napapansin?" pangiting tawa ni Dondon.

"Kaya pala ganun yung mga patutsada nyo sa isa't isa. Akala ko mahilig lang kayong magpataasan ng ihi." excite na sabi ni Tessie at umorder pa ng empanada.

"Wala ba siyang nakwekwento sa inyo about sa ex niya?" tanong ni Liz.

Nag-isip muna si Tessie. "Parang..Wala naman."

Sabi na e. Talagang wala na ako sa kanya. Kumag talaga yang hayop na yan. Matapos ang lahat, parang wala lang pala ko sa kanya.

"Oh Jen, wag mong idikdik yung tinidor mo jan sa platito mo." sabi ni Dondon sa akin habang nadidikdik ko na ang tinidor sa yamot.

"Ha? Ano?" tanong ko na bumalik na sa sarili.

"Beh, wag masyadong affected." pasimpleng banat ni Liz.

"Anong affected? Hindi ako affected noh." sagot ko kay Liz habang tinutusok-tusok yung empanada, "Affected-affected........ulul niya!"

Napapangiti lang sina Dondon at Liz habang si Tessie ay nasa deep concentration sa pag-iisip.

"Ay meron pala!" sabi ni Tessie. "Hindi kasi makwento yung si Carlos e, pero meron siyang kwinento about sa girl na minahal niya before!"

"Ano??" excited na tanong ng Dondon at Liz, "Kwento mo dali.."

Kumain lang ulit ako ng empanada para kunwari hindi ako interesado.

"Kaso nakalimutan ko na e. Teka aalahanin ko ulit." at nagisip ng malalim ulit si Tessie.

"Wag mo ng aalalahanin. It doesn't matter." sabi ko, "Tara kain na lang tayo. Enjoyin na lang natin tong empanada! Sarap-sarap oh." pangiting aya ko sa kanila.

Tiningnan lang nila ko.

---

Matapos mananghalian, bumalik na kaming lahat sa Cordillera Hotel, yung makalumang bahay na Filipino na hotel. Nandoon na yung tatlo boys sa room nila at kami
namang girls, sa room namin. Nagpahinga muna sila
dahil medyo exhausted na at para may energy pa later sa pasyalan. Natulog silang lahat pero ako, nagdecide na lumabas sa Calle ng mag-isa.

Naglakad akong mag-isa sa Calle Crisologo. Pero lakad pasyal lang habang Pinagmamasdan ulit ang mga lumang bahay. Ewan. Hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko para sa hinayupak na Miguel. Nalulungkot ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nakarating ako sa part na may poste na may signage na 'Calle Crisologo'. Haay, naalala ko, nagpakuha kami dati doon ng picture tapos ginawa ko pang primary photo ko sa facebook.

"Miss?" tanong sa akin ng isang babaeng di kaputian na may kasamang lalaking foreigner "Pwede mo ba kaming kuhanan ng litrato ng loves ko jan sa poste?" pangiting pakisuyo ng babae na may Ilokanong accent.

Ngumiti ako at kinuha ang digicam nila. "Okay po, 1-2.."

Biglang hinalikan nung kano yung babae sa pisngi.

CLICK.

May pahalik-halik pa sa pisngi. Maghihiwalay din kayo!

Ngumiti ako at sinauli yung digicam. Nagpasalamat yung magjowa at nagpatuloy na kong naglakad sa Calle.

'Ay blurred.' rinig ko sa babae habang tinitingnan nila ang picture.

E kasi naman.

---

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon