"CAPE BORJEADOR LIGHTHOUSE"

55 2 2
                                    



Bago mag-alas nuebe, nakarating na kami sa paanan ng burol kung saan nakatayo ang sikat na lighthouse. Lalakarin mo muna ang mahabang kalsada na may mga puno-puno paakyat bago ka makarating sa tuktok.

"Ano yung napanood mo sa tv Liz about dito sa Cape Borjeador?" tanong ni Celine na mukhang kinakabanan habang naglalakad kami pataas.

Nangunguha daw ng malalandi yung mga mumu tapos
tinatapon nila sa bangin kaya humanda-handa ka na braces dahil iaalay kita! 100%!

"Ano nga ulit yun love, kaw na magkwento kay Celine." sabi ni Liz na medyo hindi niya feel kausap si babaeng braces.

"Nakalimutan ko na. Basta ang tanda ko, may mumu daw jan." ngiti ni Dondon kay Celine.

Nanginig si Celine. "Carlos....natatakot me!" pacute na sabi niya kay Miggy.

Ngumiti lang si Miggy.

"Pwede bang wag na tayong tumuloy?" takot na pacute na sabi ni Celine.

Ahh kaya siguro nanahimik yang si Celine dahil natatakot siya.

Medyo kumunot yung kilay nina Tessie at Liz.

"Pwede ka namang maiwan doon sa sasakyan Celine." mahinanon na sabi lang ni Tessie na pinagpapawisan.

"Kaso mag-isa ka lang. Lagot ka." takot ni Liz sabay tawa.

"Kasi naman eee..." pacute na sabi ni Celine sabay hawak sa mga braso ni Miggy at sumandal sya sa mga shoulders nito habang naglalakad.

Ngumiti si Miggy "Marami naman tayo Celine, kaya hindi naman nakakatakot." sabay tanggal niya sa ulo ni Celine sa balikat niya at sa kamay nito sa braso niya.

"Oo nga Celine. And don't you worry, I'm here to protect you." sabi ni Rodney with Pinoy Accent.

Hindi nakapagsalita si Celine. At dumerecho na lang sa paglalakad.

Bago makarating sa pinakalighthouse, kailangang munang akyatin yung mataas na batong hagdan. Hindi na keri ni Tessie girl ang akyatan pero go push fight pa
rin siya.

"Grabe. Ang daming calories na nito ang naburn. Se-sexy na ako nito." Akyat ni Tessie habang humihingal.

Magkasabay naman kami ni Miggy na umaakyat sa hagdanan habang hawak-hawak niya yung dslr niya.

"Tingin ka muna dito." sabi ni Miggy sa akin.

Napahinto ako at napatingin sa kanya.

CLICK.

Stolen shot.

Ngumiti si Miggy habang nakatingin siya sa dslr.

"Ay stolen naman!" sabi ko. "Patingin naman ako. Burahin mo naman yan kapag pangit ako."

Ngumiti si Miggy at nagpatuloy sa paglalakad. "Never ka naman pumangit sa akin e."

Napahinto lang ako at napa-smile ng very light lang. Very light lang. Charot! Syempre deep inside kinikilig ako.

Pag-akyat namin sa lighthouse ay kami lang ang turistang naroroon. Medyo nag-iba ang feeling namin dahil nga nag-iba yung ihip ng hangin.

Medyo kinabahan nga din ako kasi last time na punta namin dito ay marami ang mga turista.

Nilapitan kami ng isang matandang lalaki na nakapang-farmer ang suot at walang tsinelas.

Bumulong si Liz kay Dondon, "Love, di ba siya yung ininterview sa tv. Yung caretaker nitong lighthouse?"

Tumango-tango si Dondon.

Hindi namin siya nameet last time dahil saglit lang din kami ni Miggy dito.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon