"PAOAY CHURCH"

78 2 3
                                    



Actually, nang malaman ko na sa Paoay Church kami pupunta, nagkaroon ako ng kakaibang pakiramdam. Ayoko ng balikan yung lugar na iyon. Hindi naman sa hindi maganda ang lugar, maganda siya, in fact nakakaamaze ang lugar. Pero yung memories.

Alas-onse na ng umaga. Nakarating na kami sa Paoay. Dinaanan namin yung oldest church in the Philippines. Pinark ni Miggy yung grandia sa likod ng simbahan ng Paoay.

"Dito muna kayo ha?" sabi ni Miggy.

"Love, dito muna kayo sa sasakyan ha? May ichecheck lang kami." sabi ni Dondon.

"Bakit ano yun Love?" tanong ni Liz.

"May ichecheck ata si Rodney. Di ba Rod?" sabi ni Dondon.

"Ha? Me?" gulat ni Rodney. Tiningnan siya ni Dondon. "Ahh oo nga pala!" sabay bumaba si Rodney sa grandia at may kinuha sa likod ng sasakyan. Umalis na yung mga boys na may dala-dalang malaking bag.

"Ano kaya yun?" tanong ni Tessie.

"Mga bhe, tingnan nyo nga ito." sabi ni Liz na may nilalalabas sa bag niya. Nilabas niya ang isang box ng relo. Technomarine na kulay silver.

"Wow! ang ganda naman niyan!" sabi ni Tessie.

"Anniversary gift ko kay Dondon." pangiting sabi ni Liz.

"Ay oo nga pala! First year nyo today!" sabi ko. "Happy anniversary sa inyo ni Don."

"Okay na ba to?" tanong ni Liz.

"Oo naman. Mahal din yan ha." sabi ni Tessie.

"E gusto ko Rolex yung ibigay ko, kaso masyadong mahal. Saka na pag kinasal na lang kami." ngiti ni Liz

"Ay, may alam ako ng Rolex. Mura lang." singit ni Celine. "Sa akin ka na kumuha ha? 10% lang ipapatong ko."

Ningitian lang ni Liz yung babaeng braces na kumakain ng pringles. Kumikitang kabuhayan pa.

"Nag-away nga kami ni Dondon bago tayo mag-Norte." pangiting sabi ni Liz, "E kasi naman..ang kulit-kulit. May gustong bilhin!"

Nakikinig lang kami. "Yan ba yung kwinento mo?" sabi ko.

Tumango si Liz.

"Ano yun?" tanong ni Tessie.

"Gusto kasi niyang bumili ng sapatos. Yung limited edition sa nike. E ang mahal! malaki-laki din yung ilalabas na pera. E diba nga, nagreready din siya para magtayo ng manukang liempo business? E syempre, nagiipon kami. Jusko bhe. Nagwalkout pa ko habang kumakain kami sa restaurant dahil hindi nga kami magkasundo."

"Oh ano na nga palang nangyari jan?" sabi ko.

"E kinabukasan noong araw na yun, nag-usap kami na maayos. Nangako siya na last na muna yun until ma-open yung manukang business nya. Ang tagal-tagal na niyang gustong magkaroon nun. Syempre, bumigay na din ako kasi pangarap naman niya yun." sabi ni Liz.

Buti pa siya. Ganoon lang siya bumigay dun sa pangarap ni Dondon. E Paano kapag ipinagpalit ka sa pangarap. Mahirap yun.

"Magugustuhan nya kaya to?" tanong ulit ni Liz.

"Oo naman." sagot namin ni Tessie.

Wala naman pake masyado si Celine at nagseselfie lang.

Bumalik na si Rodney sa sasakyan. At tinanong namin kung nasaan na si Dondon at Miggy. Bumili lang ng mga souvenirs ang sagot ni Rodney.

Pinaandar ni Rodney yung sasakyan at dinala kami doon sa may harapan ng Paoay Church.

Ang ganda pa din ng simbahan na ito. May pagkahugis triangulo. Ang ganda at ang taas nito at makikita mo na lumang luma na ito.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon