Maraming tao ang naglalakad sa kahabaan ng Session Road. Mga taong nakapangginaw at iba't ibang klase ng tao. Sa Rumour Bar ang napili ni Liam na mag-chill. Masaya kami, together with Liz at Tessie, pumasok sa loob ng bar.Medyo dim light lang ang ilaw nito at maraming mga nakadisplay na mga wine, alak at iba pa sa wall. May kumakanta na singer sa bar na siyang nagbibigay ng kakaibang vibe.
Naka-upo sa isang long table sina Liam, Dondon at Miggy. Very casual lang sila mag-usap at puro si Dondon ang bumabangka ng usapan. May Jack Daniels na sa mesa at may mga sisig na pulutan.
"Hi we're back!" sabi ni Tessie habang may bitbit na plastic sabay upo sa tabi ni Liam.
Umupo si Liz sa tabi ni Dondon. Tapos umupo ako sa tabi ni Liz. Bakante yung upuan sa tabi ko.
"Asan si Rodney?" tanong ni Tessie sabay kuha ng platito at kumuha ng sisig.
"Ayun oh." sabay turo ni Miggy kay Rodney na may kausap sa mga bunch of girls doon sa may bar stool.
Tiningnan ni Tessie si Rodney mula sa malayo. "Si Rodney talaga oh. Bet ko, walang makukuhang number yan!" sabi ni Tessie sabay subo ng sisig. Bigla siyang napasibangot, "Mamantika!"
"Oh? talaga? Tikman ko nga din." sabi ko sabay kuha ng tinidor.
Tumayo si Miggy at lumipat sa bakanteng upuan na katabi ko.
Tumikim din ako ng sisig. Mamantika nga.
"Wag masyadong kumain ng sisig ha." bulong ni Miggy sa akin. "Mamantika yan."
Napatingin ako sa kanya. Tapos medyo nangiti ako ng konti. Nakatingin sa amin si Liam.
"Jen, do you want anything?" tanong ni Liam.
Napatingin ako kay Liam at ngumit. "Wala naman Liam. Okay na ko dito."
Pasimple akong siniko ni Liz tapos tumingin sa akin.
Tumunog yung viber ko. May message si Liz.
Liz: Beh..Ang haba ng hair ha. Dala-dalawa pa sila ha.lol
Napamake face ako ng slight at nagreply.
Jen: Ayan ka na naman Liz. Ikaw talaga!
"Ano yan?" tanong ni Miggy sa akin habang nagrereply ako.
"Ha? Ano?" tanong ko kunwari sabay tago ko na ng phone. "Ang sarap ng kilawin no?" sabay tawa ko.
"Asan ang kilawin?" tanong ni Miggy.
"Sisig beh." pangiting singit ni Liz.
"Sabi ko nga..sisig." sabi ko na lang.
Medyo nangingiti lang si Liz. Sinalinan na Liam yung maliliit na baso naming mga girls ng konting Jack Daniels.
"Liam. Saan ka nagwowork?" tanong ni Tessie na ngumunguya ng sisig.
"Me? I work in a 5-star hotel in Pasay, as a chef." pangiting sagot ni Liam sabay abot ng maliit na baso kay Tessie.
"Wow. Chef!" mangha ni Tessie sabay shot sa baso. "Ang galing mo naman."
Inabot sa amin ni Liam yung ibang baso.
"Actually, sa US na naka-based ang family ko. We migrated there when I was in high school." sabi ni Liam
na nakasmile."Oh bakit andito ka sa Philippines?" tanong ni Tessie sabay hingi ulit ng Jack Daniels.
"A year and half ago, we went back here in the Philippines to celebrate my parents' wedding anniversary. Gusto kasi ni Mom na dito magcelebrate lagi ng anniversary nila ni Dad. And after that event I just decided to stay here in the Philippines na lang." sabi ni Liam habang nag-bubuhos ng Jack Daniels sa baso ni Tessie.
BINABASA MO ANG
Roadtrip to Forever (COMPLETE)
HumorPara sa mga hugotero, bitter, pinaasa at sa mga anti-forever! Para sa inyo ito! Enjoy.