Alas-singko na ng madaling araw at nagreready na kaming umalis sa Hannah's Resort. Niready na at nilagay na lahat ng gamit sa grandia. Bagong shower kaming lahat at fresh na ulit para sa panibagong roadtrip. Pabalik na kasi kami pa-Manila. Para hindi naman mapagod si Grandia, magsstop over kami sa mga tourist's spot na nilampasan namin.Inuna na namin yung tulay sa pinakanorth-most tip ng isla ng Luzon. Ang Patapat Bridge.
Dumaan na kami sa pa-snake road nito, tapos pag tumingin ka sa bintana, makikita mo yung magandang Pasaleng Bay.
Medyo madilim pa ng marating namin yung dulo ng tulay. Pinark ni Rodney yung grandia doon sa may lot space. Bumaba na kaming lahat at yung ilan ay nakajacket pa.
Maya-maya ay sumikat na ang araw. Nakatingin kaming lahat sa sunrise sa malawak na Pasaleng Bay. Ang sarap ng feeling. Parang feel kong sumigaw. Ilabas lahat ng gusto mong isigaw. Tutal, hindi naman siya residential area, at sobrang dalang lang ng mga sasakyan, kaya keribum-bum ang sumigaw.
Humawak ako sa harang ng patapat bridge at humarap sa Pasaleng Bay.
"AAAAAAAAHHHH!" masayang sigaw ko. "GOOOD MORNING PHILIPPINES!!" masayang sigaw ko habang nakataas ang kamay at finifeel yung hangin. Ang sarap sa pakiramdam! Parang baliw pero okay lang, wala naman nakakarinig na iba.
Nagulat yung mga kasama ko sa akin.
Pero ngumiti lang sila afterwards.Sumamla din si Liz at humawak sa harang, "GOOD MORNING PAGUDPUD!!" Masayang Sigaw ni Liz. "ANG SAYA-SAYA!!!!" sigaw ulit ni Liz.
Sumampa din si Tessie doon naman sa kabilang side ko at humawak sa harang, "GUSTO KO NG PUMAYAT!!!" masayang sigaw ni Tessie at tapos ay nagtawanan kami. "AYOKO NG MAGDIET!!!!" dagdag nito.
Nagtawanan kaming lahat.
Sumampa din si Dondon sa tabi ni Liz at humawak din sa harangg, "ANG GANDA NI LIZ!!!!" masayang sigaw ni Dondon. Tumawa si Liz sabay hinalikan niya sa cheeks si Dondon.
Nagroll eyes si Celine, "Huy guys, tama na. Nakakahiya."
Aba! At kailan ka pa nahiya?!
"Walang nakakahiya Celine, wala namang nakakarinig!" sabat ni Tessie sabay irap.
Pumasok na lang sa grandia si Celine at nagkulong. "Bahala kayo. Basta ako, sa grandia muna." pacute na excuse ni Celine.
"ANG GWAPO-GWAPO KO SHET!!!!!" masayang sigaw ni Rodney.
Nagtawanan ang lahat.
"Ay, lokohan na to brad!" pangiting sabi ni Dondon.
"Brad naman, walang basagan ng trip!!" pangiting sabi ni Rodney, "And I'm just the telling the truth, but nothing but the truth!"
Nagsibabaan na sila at ako na lang ang natira na nakahawak sa harang. Rodney talaga oh. Umagang-umaga! Puro kalokohan!
Nakita ko ang sunrise. Ang saya. Ewan ko ba, iba ang nafifeel ko kapag nakakakita ako ng sunrise. Parang good vibes siya lagi.
Tumabi sa akin si Miggy. Tumayo siya sa tabi ko. Humawak din siya sa harang. At nakitingin-tingin sa sunrise.
Dumistansya ako ng konti. Alam ko naman nakakakilig pero syempre, dapat may poise!
"Miss na kita." mahinahong sabi ni Miggy habang nakatingin sa sunrise.
OHMYGOLLI-GOLLI-WOW!!!! Tama ba narinig ko?
Baka nagkamali lang ako ng rinig. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin pa din siya sa sunrise. Pwedeng pakiulit?Namumula ako. Grabe. Kilig to the bones na ituuuu!!!
"Jen?" sabi ni Miggy, sabay akbay sa akin ng malalaking niyang braso. Damang-dama ko ang moment!
Hihimatayin na yata ako inside. Kilig na kilig ako. Pero compose pa din.
"....akin ka na lang ulit?" dugtong ni Miggy. "Please?"
Napatingin lang ako sa kanya at nashock!
Hindi ako makasagot.
-----
BINABASA MO ANG
Roadtrip to Forever (COMPLETE)
HumorPara sa mga hugotero, bitter, pinaasa at sa mga anti-forever! Para sa inyo ito! Enjoy.