"Jen?" sabi ni Miggy, sabay akbay sa akin ng malalaking niyang braso."....akin ka na lang ulit?" dugtong ni Miggy. "Please?"
Napatingin lang ako sa kanya at nashock!
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam. Oo, naroon pa din yung feelings pero hindi naman ganoon kadali yun. Gusto ng puso ko, pero ayaw naman ng utak ko. Nag-iingat si utak. Sigurista. Ayaw ng masaktan ulit. Gusto niyang may mapatunayan si Miggy.
Sumigaw ulit ako, "LIGAWAN MO!!!!!" masayang sigaw ko.
Tumingin si Miggy ulit sa akin at ngumiti. Tumingin ulit siya sa dagat, "ABANGAN MO!!!" masaya niyang sigaw.
Kinukuhaan na pala kami nina Rodney ng video. Yung iba naman, kinikilig na pinapanood kami.
Bumaba na ako at pinuntahan si Liz. Iba yung tingin nila sa akin. Napapangiti lang ako, "Oh bakit ganyan kayong makatingin?"
Kiniliti-kiliti lang nila ako. "Tama na!"'kako habang ngumingiti, "Sumakay na tayo ng makarami pa tayong puntahan."
"Aru. Aru. Aru.." asar nila sa akin.
At sumakay na kami ng grandia. Si Miggy ang driver namin. At si Rodney ang gitna namin ni Celine.
----
Mga isa't kalahating oras lang ay nakarating na kami sa Kapurpurawan. Marami ang turista, at may iilang windmills ang makikita sa mga bundok.
Bumaba na kami sa grandia. Bago makarating sa Kapurpurawan Rock Formation ay kailangan mo pang maglakad ng malayo-layo.
Ang unang level ng paglalakad ay ang pagbaba sa rock stairs. Nagsipagbabaan na sila. Tatlo na lang kaming natira sa itaas, Ako, si Miggy, at si Celine na nakapanghacienda outfit.
Bababa na ako ng hagdan ng biglang naprisinta si Miggy sa akin na alalayan ako.
Inabot ni Miggy yung kamay nya sa akin. "Ingat ka." sabi niya sa akin, "Last time na bumaba ka dito, nadulas ka diba?"
Ngumiti ako, "Wag na. Kaya ko na. Okay lang ako." ngiti ko ulit sa kanya.
Tumingin siya sa akin ng pacute, "Sigurado ka ba?"
Napatawa ako. Oo na cute ka na. "Oo, sigurado ako. Kaya ko na."
Sabay baba ko sa hagdan. Sumunod sa akin si Miggy habang hawak-hawak ang DSLR niya. Iba naman yung tingin sa akin ni Celine. Hindi naman galit, pero hindi naman siya natutuwa. At lalong hindi rin ako natutuwa sa kanya!
Pagdating namin sa may paanan. Makikita mo ang malawak na lupa na may mga konting-bato-bato at grass. Sa dulo, makikita mo ang rock formation. Kulay puti ito na parang arko na nakapatong sa bundok. Maliit mo pa ito makikita kasi nga medyo malayo, kaya para makapagpapicture kami dito ay kailangan mo pang lapitan ito. May option na lalakarin mo o magkakabayo ka. Syempre may bayad sa kabayo.
"Sasakay ka ba ng kabayo?" tanong sa akin ni Miggy.
Napatingin ako sa kanya. Gusto ko ulit sumakay ng kabayo. Gustong-gusto ko. Kaya medyo napatango-tango ako ng konti.
"Okay." sabi ni Miggy.
"Ako din Carlos, mangangabayo!" sabi ni babaeng braces sabay hawak sa balikat ni Miggy.
Nakatingin lang ako sa kaniya. Papasipa ko yan sa kabayo.
Tinanggal ni Miggy yung kamay ni Celine sa balikat niya. "Sige Celine, sabihin ko nanmagrerent ka din."
Sumakay na kami ni Celine sa dalawang kabayo. Siya sa una, at ako doon sa pangalawa.
"Samahan na kita." sabi ni Miggy, "Baka kung mapano ka pa.."
BINABASA MO ANG
Roadtrip to Forever (COMPLETE)
HumorPara sa mga hugotero, bitter, pinaasa at sa mga anti-forever! Para sa inyo ito! Enjoy.