"WELCOME TO BAGUIO"

64 1 3
                                    



Madilim na ng makarating kami sa Baguio City. Mga alas siete na ng gabi. Nasa grandia pa din kami at umiikot-ikot sa may Burnham Park para humanap ng mapaparking-an. Marami kasi ang naka-park na sasakyan sa paligid nito. Buti na lang at may umalis na isang sasakyan at dali-daling pinark ni Rodney ang grandia.

Marami ding tao ang nakapangginaw at jacket. Wala sa itinerary namin ang Baguio kaya wala kaming dalang pang-lamig. Kaya nagstay muna kami sa loob ng sasakyan.

"I-message mo na si Liam beh." bulong sa akin ni Liz mula sa likuran.

Minessage ko na si Liam. Nagtype ako sa phone ko. 'Hi Liam, we're here na sa Baguio. Nandito kami sa may Burnham Park.' Send button. Delivered.

"Wala pa ba tayo sa Manila?" pacute na tanong ng naalimpungatang Celine na nakapagpalit na ng shorts.

"Nasa Baguio tayo Celine." sagot sa kanya ni Tessie.

"Baguio?! Dumaan pa tayo ng Baguio?" gulat ni Celine pero bigla siyang napangiti kaya kinuha niya ang phone niya at nagtext. Nagma-mouthing siya ng "Honey ko" habang nagtetext.

Ano na naman kayang kababalaghan ang ihahasik ng babaeng braces na ito?!

Tumingin sa akin si Miggy, "Okay ka lang? Gusto mo bang kumain muna tayo?"

"Ako Carlos gutom na." pacute na sabi ni Celine sabay sandal ng ulo niya sa balikat ni Miggy.

"Gutom na daw siya." sabi ko habang nakaresting bitch face.

"Tara kain muna tayo?" aya ni Tessie. "Gutom na din ako e.

Biglang naring yung phone ko. Tumatawag si Liam.

Sinagot ko yung phone ko, "Hello Liam?"

"Hi Jen!" sabi nung boses sa phone. "Tita Belen mo ito."

"Ay Tita Belen. Kayo po pala yan." sabi ko.

"Nasa Baguio na daw kayo? Nagdinner na ba kayo?" tanong ni Tita Belen.

"Opo nasa Baguio na po kami." sagot ko na lang.

"Okay lang ba na mag-usap na tayo about doon sa Wedding Anniversary?" tanong ni Tita Belen.

"Opo Tita. Okay lang po sa akin. Saan po ba kayo?" tanong ko.

"Saan nga ba ito?" tanong ni Tita Belen. "Teka ha?...Liam, anong lugar ito?"

Tapos narinig ko yung boses ni Liam pero hindi ko maintindihan.

"Hello Jen" sabi ni Tita Belen, "Susunduin ka na lang daw ni Liam jan."

"Ay sige po Tita. Nabanggit na rin po niya yun kanina."
sabi ko na lang.

"O siya, see you iha." sabi ni Tita Belen.

"Bye po Tita." sabi ko sabay baba ng phone.

"Tara na at maglakad-lakad tayo. Parang gusto kong kumain ng Korean Food!" sabi ni Rodney.

"Tara. Tara game!" excited na sabi ni Tessie.

Bumaba na kaming lahat sa grandia at anak ng tinapa! Ang lamig!!! Alam mo yung feeling na ang lamig-lamig tapos nakapang-summer outfit ka? Ganon!

Gininaw kami.

"Beh, anong sabi ni Mrs Belen?" tanong sa akin ni Liz.

"Susunduin daw tayo ni Liam dito e." sagot ko. "Pero gutom na din ako." sabi ko habang giniginaw. "Text ko na lang siya kung saan tayo pupunta."

"Carlos, giniginaw ako. Paakap ha?" pacute na sabi ni Celine sabay akap sa magandang katawan ni Miggy.

Minsan, papalakpakan ko talaga itong si Celine. Ang galing humaliparot. Ibang klase. Impressive! Bravo! Slow clap for you! Gusto mo ako na ang umakap sa'yo? Around the neck....with a rope!

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon