"NIGHT MARKET"

53 1 2
                                    


Pagdating namin sa loob ng Camp Allen, nagpark si Liam sa tapat ng maliit pero cute na transient house.
Mga alas-nuebe na ng gabi kami nakarating dito.

"Hi!" pangiting sabi ni Tessie sa amin na sumalubong mula sa pintuan. "Hello Liam!!" pabebeng bati nito.

"Hi Tessie! How are you?" bati ni Liam.

"Kanina good, ngayon nandito ka na...Better na!" pacute na sabi ni Tessie habang inipit ang buhok sa likod ng tenga.

Napatawa kami ni Liz. Umaawra si Tessie-babe.

Pumasok na kami sa loob ng transient. Nasa lobby naman na naka-upo naghihintay si Miggy. Ngumiti kami sa kanya at ngumiti din siya sa amin, pero nag-iba yung ngiti niya nung makita niya si Liam na pumasok.

2 rooms ulit ang nirent namin. 1 for the boys and 1 for the girls. Super liit lang ng isang kwarto. May dalawang double decks per room. Tapos may sariling portable shower room at portable cr at lababo. Okay naman at cute ang pagkakadesign nito. Yun nga lang hirap kumilos si Tessie dahil nasisikipan siya.

Umupo kami sa double deck, habang nakatayo naman sa may pintuan sina Miggy, Liam at Dondon.

Wala si Rodney dahil nabgpapahinga sa kabilang room. Wala din si Celine sa transient.

"Nasaan si Celine?" tanong ko kay Tessie.

"Ewan ko ba dun. Kanina, biglang nag-shower tapos gumet-up tapos nagdisappear na." sagot ni Tessie habang nakaupo sa isa sa mga double decks.

"Ahh." sabi ko lang. Saan na naman naghasik ng lagim yung babaitang iyon?

"Guys. Let's chill naman. Let's drink. I know a good bar along Session Road." aya ni Liam.

"Ay GO ako jan!" sabi agad ni Tessie. "Tara go! go!"

Napangiti lang ako. Medyo pagod na kasi ako. Kaso syempre, since nandito na nga lang kami, edi sagarin na.

"Tessie." sabi ni Liz na naka-upo sa double deck at nakasandal sa pader, "Tara at mag-night market muna tayo. Bili tayo ng mga pangginaw. Ang ginaw sa labas."

"Ay oo nga pala. Sige sure, mag-night market muna tayo tapos sunod na lang us." sabi ni Tessie.

"Love?" sabi ni Liz, "Una na kayo doon sa bar, mag-night market muna kaming mga girls. Okay lang ba?"
tanong ni Liz.

Hindi muna nakasagot si Dondon. Pero napansin niya na nakatingin kaming lahat sa kanya kaya napilitan na siyang pumayag. Gusto kaming samahan ni Miggy, pero sabi namin, ladies only.

So pumunta kami ng Night Market malapit sa Burnham Park, hinatid kami ng mga boys sakay ang sasakyan ni Liam. Kasama din pala ang bagong gising na Rodney sa mga boys. Bumaba na kaming tatlo sa sasakyan at umalis na ang puting explorer.

Medyo maraming tao ang namimili sa kalsada na maraming mga bangketa na nagtitinda ng mga sari-sari. Nakipagsiksikan kaming tatlo sa dami ng tao. Gustong bumili ni Liz ng mga walis tambo at mga strawberry jam at cashew brittle pero sabi namin na kinabukasan na bumili dahil pupunta kami sa bar. Masagwang pupunta kami ng bar tapos may bitbit kaming mga walis tambo.

Naglakad-lakad lang kami at humanap ng okay na pang-lamig.

"Jen." sabi ni Tessie, "May tanong ako."

"Hmm..?" sagot ko lang habang naglalakad.

"Nacucurious kasi ako te. If you don't mind ha?" pangiting sabi ni Tessie, "Bakit kayo naghiwalay ni Carlos?"

Napatingin sa akin si Liz habang naglalakad.

Dere-derecho lang kami sa paglalakad. Hindi ako makasagot. Hindi kasi ako open sa naging nangyari sa amin ni Miggy dati. Ewan. Ayokong alalahanin. Sa tuwing inaalala ko yun, nalulungkot ako.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon