"BANGUI WIND MILLS"

83 2 2
                                    





From Paoay Desert, mahigit 3 hours pa ang byahe to Pagupud. Nakatulog na ako dahil pagod din sa morning activities.

"Haaaaaay" hikab ko at nakatulog na ako.

------

After two long hours ng byahe, narinig ko si Tessie.

"Sige na Rodney, dumaan na tayo jan sa Windmills! Malapit na naman oh! Kakaliwa ka lang jan sa pangalawang kanto!" masayang sabi ni Tessie habang hawak-hawak ang smartphone at kinoconvince si Rodney.

Inaantok pa ako at medyo mabigat ang balikat ko. Napatingin ako sa labas, nasa daan kami. Napatingin ako sa balikat ko. Oooh!! Kaya pala mabigat yung balikat ko. Nakasandal si Miggy at tulog.
Namula ako bigla!

E kung i-feel ko na lang kaya itong ulo nya tutal mukhang malalim ang tulog niya at medyo humihilik pa siya.

Gumagalaw-galaw pa ang ulo niya. Kinikilig ako! Pero very light lang! Charot!

Ang sarap sa pakiramdam kahit mabigat ang ulo nitong ni Mokong. Sige! Matutulog na nga lang ulit ako para mahaba-haba ang experience.

'EEEEEENNNGGGKKK!!!' malakas na preno ng sasakyan pero huminto din agad.

Nagsigawan kami. "Ayyy, ano ba yan!" at medyo tumilapon.

Tumawa si Rodney. May biglang tumawid na aso sabi niya.

Ano ba yan! Wala na tuloy yung ulo ni mokong sa balikat ko. Yun na yun e. Natanggal tuloy sa balikat ko at nasubsob ang mukha niya sa lap ko! ANO?...SA LAP KO?!

Tumingin ako sa lap ako at nakasubsob doon ang natutulog na Miggy.

Namula akong bigla ng todo at nanginig. Nahihiya ako!

Nagising si Miggy at nagulat. Bigla siyang umupo ng derecho. At kunwari patay malisya.

"Asan na tayo?" sabi lang niya kay Rodney.

"Pre, papunta sa Bangui Windmills. Medyo lupa pala ang daan dito." sagot ng driver habang kumakarag-karag ang grandia.

"E kasi Carlos, malapit na tayo sa Windmills kaya sabi ko dumaan na tayo. " explain ni Tessie babe sa likuran.

Hindi pa din ako makatingin kay Miggy. Nahihiya ako at namumula. Napansin niya ata iyon at napasmile sya ng slight.

Siniko-siko niya ako ng patago. Tumingin ako sa kanya. Tumingin lang din siya sa akin at tinaas-taas niya yung dalawang kilay niya sabay ngiti.

Napangiti ako. Ang cute kasi kahit mukhang tanga!

Bumulong siya sa'kin, "Cute ko no?" sabay ngiti.

Napangiti ako pero mas nagwide pa. Sabay roll eyes pero nakangiti pa din.

Inaasar pa niya ako, "Uyyy hindi makasagot, nakyukyutan siya sa akin." bulong nito.

Tumunog yung viber ko. Haynaku. Team Norte na naman. Mang-aasar na naman. Wag ko na lang basahin.

Inaasar pa din ako ni Miggy. Hindi ako makasagot dahil kinikilig ako. Pero tinatry kong magpaka-poker face, pero hindi, lalo lang akong napapangiti.

Kiniliti-kiliti niya ako ng patago.

Ngumiti lang ako, "Ano ba??" bulong ko.

"Hmmmm.." ngiti ni Miggy. Ngiting pang-asar.

-----

Pagbaba na pagbaba namin. Mag-aalas tres na ng hapon. Ang lakas ng hangin!! As in sobrang lakas! Makikita mo ang mga nakahilerang gahiganteng puting windmills na na nakatayo habang umiikot ang mga elisi nito sa tabi ng dagat! Para na kaming langgam sa laki at taas ng mga ito.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon