FINALE Part 2

84 4 3
                                    

"LAST CHAPTER NI JENNY"

Naalimpungatan ako. Ang lakas ng sounds ng radio. Kanta ni Aerosmith. Tili ng tili. Hindi ako makatulog ng maayos. Kaya patuloy ko pa din ipinikit ang mga mata ko. Tulog. Gusto ko pang matulog.

Maya-maya, buti na lang huminto na yung aerosmith. Hay salamat. Makakatulog na ulit ako.

Walang sounds na tumunog after ilang minuto.

Biglang tumunog yung introduction ng kanta ni Marco Sison, pero version ni Regine Velasquez. Yung "Kung Maibabalik ko lang."

"🎶 Sayang ang mga sandaling pinalipas ko..🎶"

Ano ba Regine? Wag mo ng ipapalala!

"🎶Naroon ka na, bakit pa humanap ng iba..🎶"

Oo naroon na! Tapos nangiwan ulit! Gago e.

"🎶Ngayon, ikaw ang pinapangarap🎶"

Ulul!

"🎶Pinanghihinayangan ko ang lahat..🎶"

Hinayangan mo mukha mo.

"🎶 Kung maibabalik ko lang ang dati mong pagmamahal.🎶"

Naku, hindi ko namapigilang maging vocal.
"Wala! Hindi pwede! Walang maibabalik." bulong ko sa sarili ko.

"Bakit? Ayaw mo na bang bumalik ako?" tanong ng isang lalaking katabi ko.

Nagpintig ang tenga ko. Grabe! Boses ni Miggy.
Napadilat ako at napatingin ako sa katabi ko.

Si Miggy, nakapikit pero nakangiti. Nakikinig ng musika.

Napamake face ako. at bumulong.

"Anong ginagawa mo dito?!" bulong na tanong ko ng may pagkaasiwa.

Ngumiti si Miggy, at humarap sa akin. "Sinundan ka."

Napa-make-face ako.

"Sorry na Jen. Please let me explain." sabi ni Miggy na na may sincere na mga mata.

"Sorry mo mukha mo." sabi ko lang with conviction.

"Ma'am?? Ma'am??" sabi nung boses.

"Sorry mo mukha mo!" inulit ko ulit with conviction.

"Ma'am? Ma'am nasa Maynila na po tayo ma'am, gising na po kayo.." gising sa akin nung konduktor.

Naalimpungatan ako at medyo nakikita ko ang isang mukha ng lalaki nakatingin sa akin. Mukha nung konduktor! Nagising ako at napabangon.

Pinunasan ko yung bibig ko at tiningnan yung paligid ko. Ako na lang mag-isang pasahero. Siomai! Nakakahiya! Conviction pa more! Nakakahiya talaga.

Medyo nag-ayos-ayos ako ng itsura ko at kunwari patay malisya doon sa konduktor, "Anong terminal na to manong?"

Nangingiti yung konduktor, "Cubao Terminal ma'am."
Nangingiti ulit yung konduktor.

Napangiti din ako, "Wag kang maingay ha?" sabay blink ko dun sa manong at tumango naman ito.

Bumaba na ako sa bus at umupo ulit sa mga red na mga benches.  Chineck ko ang oras at 6:30pm na.

Kinuha ko ang phone ko at nag-request sa uber.
Ang sakit ng ulo ko. Medyo mahaba-haba din ang tulog ko kaya medyo nag-unat ako ng kamay.

2 minutes lang at dumating na ang sasakyan na susundo sa akin at umuwi na ako.

Pagdating sa bahay sa Pasig ay sinalubong ako ni Lola at sabay humalik sa kanya. Kinamusta niya ako at tinanong kung asan ang mga gamit ko. Sinagot ko ang tanong ni Lola.

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon