Umupo ako sa may bungad ng Calle Crisologo, doon sa may upuan, Pinagmamasdan ang mga tao. Buti pa sila masaya. Hindi ko mapigilang hindi mainggit. Ang saya namin ni Miggy dito noong nakaraan. Masaya kaming naglakad jan sa Calle habang kumakain ng ice cream. Tapos magkahawak pa yung mga kamay namin. Namumula na yung ilong ko. Ang hirap kasi magpigil ng luha. Pero pinipigilan ko pa din. Masakit kasi sa dibdib. Ang sakit din kasing alalahanin ang dati. Pero hindi ako iiyak. Ayoko ng iyakan si Miggy.Dumating ang isang kalesa sa may paradahan nito sa may harap ko. Lumapit ako dito.
"Manong, pwede mo ba akong ihatid sa Bantay Bell Tower?" tanong ko sa manong na pawis na pawis. Pumayag ito at sumakay na ako sa Calesa niya.
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa mataas na parte ng Vigan. Nandoon ang isang mataas na tore ng Bantay na nakatayo sa maaliwalas na burol na damo. May malaking bell ito sa pinakaitaas. Kakaunti lang ang tao dahil siguro mag-aalas tres na ng hapon at sobrang mainit.
Naglakad-lakad ulit ako sa paligid nito. Nililibang aang sarili ko. Umupo ako sa bench. Nakita ko ang mga magagandang dilaw na bulaklak ng marigold na nakatanim sa paligid ng tore.
Yung mga katulad na bulaklak na yun ang pinitas niya dati para sa akin. Binigyan niya ako dahil pagpapasalamat niya dahil daw maganda ako sa paningin nya at gumaganda daw ang araw niya. Korni, pero sweet. Ngayon, hindi na ko mabibigyan ng bulaklak dahil haggard na ako sa kakapigil ng luha, at syempre, dahil hindi na kami. Nakakinis ka na luha. Wag kang lalabas!
Nakiusap ako na umakyat sa taas ng tore. Pinayagan naman ako ng manong na bantay. Pagdating ko sa taas. Ang ganda ng view. Kita ang ilang parts ng Vigan. Ang ganda ng view pero hindi match sa nararamdaman ko. Very ironic. Nakakalungkot. Ilabas ko na lang kaya ito? Pero hindi! Hindi ako iiyak. Gusto kong sumigaw pero hindi, nakakahiya. Wag! Si Miggy lang yun.
Bumaba na ako sa torre. Paglabas ko ng pintuan ng torre, bago bumaba sa batong hagdan. Napatigil ako.
"Jen?" tanong sa akin ni Miggy na nakita ako habang kumukuha siya ng mga litrato ng mga bulaklak. Nagulat ako. Hindi ako makagalaw.
Nakatayo lang kaming dalawa at magkaharap. Mga sampung metro ang layo.
Nakatingin siya sa akin. Nakatingin lang din ako sa kanya. Hindi kami nagsasalita. Hindi ko mapigilang umiyak. Umiyak sa harap ni Miggy.
---
BINABASA MO ANG
Roadtrip to Forever (COMPLETE)
HumorPara sa mga hugotero, bitter, pinaasa at sa mga anti-forever! Para sa inyo ito! Enjoy.