"BAHAY NA BATO"

69 4 1
                                    



Nakita namin ang signage na this way to "Bahay na Bato." Nagdecide na kami ng puntahan na dahil feeling namin tourist spot siya.

Mga alas nuebe na ng umaga kami nakarating dito. Tabi siya ng dagat. Maraming bato na may iba't ibang shapes. Ang bahay din ay gawa lahat sa bato. Ang ganda! Ang lakas maka-Jeju Island, South Korea ang vibe!

Nakiusap kami sa ibang turista na magpakuha kami ng group jumpshot na ang background ay mga kamay na bato at yung dagat. Pinagtripan ako ni Liz at Dondon. Pinagtabi kami ni Miggy sa pwesto! Tapos inuusog-usog ako ni Liz gamit ang bewang nya patungo kay Miggy. Ganun din si Dondon kay Miggy.

"Tulak ka ng tulak Liz, ano ba?" iritang tanong ko pero nakukuryente ako sa tuwing didikit ako kay Miggy.

"Oh game game!" aya ni Rodney na nagpalabas ng mga muscles.

So ayun. 1-2-3 Jump! Click.

Chineck namin ang picture. Ang taas ng talon ng mga boys. Ako naman at si Liz, keribells ang jump! Si Tessie, kulang ng practice, pataas pa lang kami, nakabagsak na siya. At ang babaeng harot, naku hindi man lang tumalon, nakasexy pose with matching duck face. May sayad talaga to!

Bago kami lumabas sa bahay na bato, nakita namin ang mapa ng Luna, La Union. Naengganyo kaming puntahan ang Luna Baluarte. Yung maganda watchtower ng La Union. So gorabells kaming lahat, nakapagpapicture pa kami sa may-ari ng place!

"Ang saya-saya naman nitong roadtrip natin!" bulalas ni Tessie habang sumasakay sa grandia, "Matatandaan ko to forever!"

Umagree si Liz, "True!"

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Luna Baluarte. Mag 10 na kami nakarating dito at ang taas ng sikat ng araw. Ang init din! Pero ang ganda ng view ng dagat at langit.

Yung buong tore sa picture na nakita namin ay kalahati na lang. Nagtanong kami kay manong na nakatambay doon na umiinom ng beer kung bakit kalahati na lang ang tore. Gawa daw ng bagyong Donita sabi nito. Si Bagyong Donita talaga oh, parang si Miley Cyrus, ang lakas maka-wrecking ball. Ang daming niwreck!

Napabulong ako sa panghihinayang, "Paano ka maniniwalang may forever. Kahit mga matatandang tore, nasisira at gumuguho. Wala talagang forever."

Tumingin lang sa akin si Rodney.

Nag-groufie na lang kami. Atsaka umalis na, pagsakay namin sa grandia, ganoon pa din ang pwestuhan. Sa gitna pa din namin ni harot si kumag.

"Iidlip muna ako ha?" pacute na sabi ni Celine sabay sandal sa mga balikat ni Miggy.

Napatingin ulit ako sa kanila. Para-paraan din tong babaeng to. Haynaku. Ibang-iba! Makaidlip na nga lang din. At nakatulog ako ng ilang oras.

----

Ang sarap ng tulog ko. Naalimpungatan ako at narinig ko sila na malapit na daw kami sa Vigan. Keri, pero makatulog nga muna ulit, ang sarap matulog e at sumandal sa balikat.

Balikat?! Nakasandal ako sa balikat?! Nino? Kay kumag?! Oh my gulay.

"Gising ka na pala?" tanong ni Miggy sa akin.

Tumawa ako at umupo na ng direcho habang pinupunasan yung tumulong laway habang tulog ako.

"Nakatulog ako." awkward kong sabi, "Jan sa balikat mo."

"Okay lang." ngiti ni Miggy, "Dito din naman sa balikat ko nakatulog si Celine."

Yumuko at tumingin ako sa natutulog na Celine. Nakanganga. Nagmake face ako ng patago.

Humingi ako ng ubas kay Tessie at binigyan naman ako.

"Ay ang ganda banda dun oh!"sabi ko habang turo sa labas sa bandang side ko.

"Asan?" tanong ni Miggy at Dondon sabay hulog ko ng ubas sa nakangangang bunganga ni Celine na walang malay.

3-POINTS!

Humagikgik sina Liz at Tessie sa likod. Nagising si Celine.

"Ano ba yan bakit may ubas sa bibig ko!" iritang tanong ng bagong gising. Tumingin si Miggy at natawa din.

"Nag-sleep eat ka girl!" sabi ni Liz. "Takaw mo pala!"

Kinuha agad ni Celine yung salamin sa mukha at nagcheck.

"Welcome to the heritage city of Vigan!!" sigaw ni Dondon habang papasok ang sasakyan namin sa makalumang siyudad.

Nagpalakpakan ang lahat except kay Celine. Imbey na ang lola nyo.

Buti nga.

----

Roadtrip to Forever  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon