Chapter 13 // Kaibigan

357 16 3
                                    

Chapter 13
Kaibigan

"Imop mo ang sahig mula dito hanggang doooooon sa dulo." itinuro ng isang matandang janitress ang kaduluduluhan ng building na ito. Napaawang ang bibig ko at talagang hindi makapaniwalang kailangan kong linisin ito. Bukod sa mahaba ang sahig, maluwang pa ito. Hindi ko alam kung kaya ko. Hindi kasi ako masyadong naglilinis sa bahay namin. Tapos ngayon ito ang gagawin ko.

"Papadaan ko lang po ba ng mop?" tanong ko. Wala talaga akong alam sa mga ganito. Hindi maipinta ang mukha niya. Waring hindi siya makapaniwala sa naitanong ko.

"Naku, hindi! Kuskusin mo ng maigi tapos kapag may patsang, kudkudin mo. Meron naman diyang pangkudkod. Kailangan mabilis ang trabaho kasi kapag naglunch break at basa pa ang sahig. Mas madudumihan yan dahil sa sapatos ng mga estudyante. Naintindihan mo ba? Wag kang magalala, tatlong palapag lang naman ang ibibigay ko sayo. Kaya mo ba?"

Lumunok ako para alisin ang bara sa aking lalamuna. "O-opo. Kaya naman po." tumango siya at iniwan na lang ako doon para bumalik sa kanyang trabaho.

Nagsimula agad akong magmop. Wala pa ako sa kalahati ay pinagpawisan na ako ng husto. Mabilis ding nagdudumi ang ginamit kong sabon kaya maya't maya akong nagpapalit ng tubig.

Sumakit ang likod at mga braso ko dahil sa ginawa ko. Bumalik ako sa maintainance para sabihing natapos ko na ang tatlong floors. Agad akong dinaluhan ng isang batang janitress at nagpasalamat pa dahil sa ginawa ko. Ngumiti lang ako.

Narinig ko ang bell at atomatikong naglabasan ang mga estudyante mula sa kanilang classroom. 12 na ng tanghali. Lunch break na. Nagingay sila at marami pang nagtakbuhan. Tumingin ako sa aking tiyan. Bigla akong nakaramdam ng gutom dahil sa pagod.

Patungo na sana ako ng fine dining nang mapagisip isip kong ayokong makita ang Open Season. Wala akong dahilan para sumama sa kanila ngayon. Ngayong, hindi ako komportable kay Marselo, iniiwasan ako ni Miguel, at abala si Red kay Zoey. Hindi ko naman masyado kaclose si RG at Yasser. Kinagat ko ang labi ko. Sa tingin ko, hindi talaga ako nababagay doon.

Tumalikod ako at naglakad lakad na lang sa campus. Hindi na ko nakaramdam ng gutom dahil mukhang nalipasan na ako. Siguro dahil marami din akong iniisip. Umabot pa ako sa may oval dahil hindi ko alam kung saan ako pwedeng magpunta. Naalala ko ang mga sinabi ni Sharicca. Baka nga, tama siya. Hindi ko sila talaga mga kaibigan. Baka nga ginami- Umiling ako sa mga naiisip ko. Tinuring ko silang mga kaibigan. Kahit ganito ako, naging mahalaga pa rin sila sakin.

Nang mag 4pm na, dumiretso ako sa students lounge para intayin sina mommy at daddy. Sila daw kasi ang susundo sakin. Pupunta kami sa bahay ng lola ko, birthday niya. Hindi ko alam kung andun lahat ng mga tito at pinsan ko pero pupunta naman daw si Roseanne.

Sinusulyapan ko ang mga estudyanteng lumalabas ng entrance. Maiingay at nagtatawanan pa. Nahagip pa ng mata ko ang mukha ni Janeth, kasama ang mga kaibigan niya. Nagtama ang tingin namin.

"Suzaine!" masayang bati niya. Plastik. "Sinong inaantay mo?"

Hindi ako nagsalita. Ayokong magaksaya ng laway para sa kanya. Tumingin ako sa ibang direksyon at naabutang pababa ng hagdan ang Open Season, si Miguel, RG at Yasser. Natuyo ang lalamunan ko nang nakita niya. Tuningin din doon si Janeth.

Kinalabit ni Yasser si Miguel at inginuso ako. Mukhang may sinabi siya tungkol sa akin. Umiling si Miguel at nagdirediretso siyang naglakad palabas. Nagtaas ng kilay si Yasser sa ginawa ng kaibigan.

"Ooooh." napabaling ako dahil sa ingay na ginawa ni Janeth. Bumaling siya sa mga kaibigan niya. "Girls, di ko sure kung may problema na ang mata ko. Tama ba ang nakita ko? Hindi pinansin ni Miguel si Suzaine?"

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon