Chapter 10 // Rock feast

376 19 7
                                    

Chapter 10
Rock feast

"Seriously? Totoo ba yan? Niloloko mo ko e." di makapaniwalang reaksyon ni Roseanne."Suzaine, totoo ba itong sinasabi ni Mars?"

"Aba maewan ko." sagot ko at iniwan ko na naman sila sa paglalakad.

"Naku, hayaan mo na yun. Siguro, walang taste yung girl." Dagdag pa ng pinsan ko. Halos umulwa ang mata ko sa sinabi niya. Parang may nagbara sa lalamunan ko.

Pero srsly, Roseanne? Wala agad taste? Hindi ba pwedeng hindi lang type at may ibang gusto yung babae? Hindi na ko nagsalita at nanahimik na lang sa isang tabi. Silang dalawa naman, eto magkasundong magkasundo. Akala mo, matagal ng magkakilala. Edi sila na. Sana magkatuluyan sila. Kaso may girlfriend itong si Marselo. Ayoko namang maging kabet ang pinsan ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa buhay ko. Tuwing uwian ay napapadalas ang pagpunta nila sa bahay nina Red para magpraktis ng kanta nila. Hindi na ko sumasama dahil tinatamad na akong makinig. Paulit ulit na rin lang naman ang tinutugtog nila. Sa tingin ko naman ay perfect na nila ang performance pero para kay Red ay hindi pa iyon sapat. Mas humanga tuloy ako sa kanya.

Sapat na sa aking nakakasabay ko si Red maglunch. Kahit na palagi niyang kasama si Zoey. Buti hindi ito ngapupunta sa practice. Balita ko, maaga siyang umuuwi para magaral. Dapat ganun nag ginagawa ko. Dapat nagaaral din ako ng mabuti para sa kinabukasan namin ni Red.

"Girl, may chika ako." bulong ng isa kong kaklase isang araw.

"Ano? Make sure na matutuwa kami diyan ah." Ani ng isang maldita. Di ko sila pinansin at sinimulan na lang ayusin ang mga gamit ko dahil maya maya ay magsisimula na ang klase.

Umirap ako. Wala ako masyadong kaclose dito sa klase namin kaya kadalasan ay magisa lang ako. Inaabala ko na lang nag sarili ko na magbasa ng mga notes ko. Mas makabuluhan pa kung ito ang gagawin ko kaysa ang makipagchismisan.

"Of course naman!" Bulaslas nung isa habang natatawa pa. "Guess what.. break na si Marselo at Sharicca." bulong niya pero rinig na rinig naman ng lahat. Napalingon pa ang iba kong classmates dahil sa pagbirit niya.

Hindi ko napansin na napatigil na pala ako sa pagbabasa ko. Natulala lang ako sa hangit at hindi ko sila nilingon. Parang malabo naman atang mangyari iyon. Ang sweet sweet nila tapos magbrebreak din agad. Wala pa ngang isang buwan. Siguro naiingiit lang ang mga babaeng ito. Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa.

"And alam niyo bang, ang sabi ng iba, niloko ni girl ang baby natin."

"Whut? Seriously? Ang ganda niya! Siya pa ang may ganang manloko. Tsk. Kapal ng face." Sabi pa ng maldita.

"Yeah. Super kapal. Parang semento. Tapos kanina, nakita ko siya, nakapulupot ang kamay kay Thomas. Nagfefeeling maganda. Feeling lang talaga niya. As if!"

Hindi na ko nakatiis na marinig ang mga sinasabi nila. Sinulyapan ko sila. Nang mapansin nila ang pagtusok ng tingin ko ay umiwas agad sila at natahimik. Yung isang madaldal ay bumalik sa kanyang silya.

Kahit alam kong magtatime na, lumabas pa rin ako ng classroom. Mga inggitera! Walang magawa sa buhay. Kung anu anong tsismis ang pinapakalat dito sa classroom. Puro walang katuturan!

"Suzaine, where are you going?" Ani Miguel at akmang hahabulin pa ko. Humarap agad ako sa kanya at hinarangan ko siya ng kamay ko. Gusto kong mapagisa.

"Wag mo kong susundan, Miguel." Aniko at hindi na siya nangulit. Siguro ay nakuha agad niya nag gusto kong iparating. Mabuti naman.

Dumiretso ako sa wash room at hindi ko alam kung bakit parang kumukulo ang dugo ko. Nage echo pa rin sa utak ko ang pinagusapan ng mga lecheng babae kanina.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon