Chapter 5 // Lovers

698 39 25
                                    

Chapter 5
Lovers

"Sir, may I go out?" sigaw ko kasabay ng pagtaas ng kamay. Naagaw ko naman agad ang pansin ng teacher namin.

"Hmm. Miss Gonzalez, magdi dismisal na. Intayin mo na lang yun at makinig ka na lang sa ngayon."

Nagpigil naman ng tawa ang mga siraulo kong kaklase. Nahagip pa ng mata ko na utas na tumatawa itong si Miguel kaya mas nainis ako. Sa halip ipagtanggol ako, siya pa ang nangungunang tumawa. Sumimangot ako at tumayo para makapagreklamo. 

"Sir, ihing ihi na po ako. Paano kung dito ako maihi? Hahayaan niyo na lang ba? Mahirap kasi lilinisin ko pa. Nakakadiri!"

Nagtawanan na sila. Pero bawat taong tinitingnan ko ay nagpipigil ng paghalakhak. Kahit papaano ay takot sila sa akin. Sige lang! Okay lang sakin na mapahiya ako ngayon. Ngayon lang naman. Sa susunod na mga araw ay hindi na ako papayag. Ingungudngod ko sa pader ang kung sino mang tumawa sa akin. Basta ang gusto ko ay makalabas na. Ngayon din. As in now na! Kung hindi pa ako makalabas ay baka hindi ko na maabutan si Red. Ang sabi ni Miguel, tinititigan daw niya si Zoey? Tsk. Papatunayan ko na nagkakamali siya. Papatunayan ko sa sarili ko na hindi iyon totoo.

"Hay naku, Miss Gonzalez. Hindi na kayo grade 1. Mga highschool na kayo at siguro naman ay kaya niyong pigilan yan kahit sandali na lang, di ba? Pero sige, pagbibigyan kita."

Nang marinig ko yung sinabi ni sir, dali dali akong tumakbo palabas. Malayo ang room nina Red kaya kinailangan ko pang tumakbo. Konting minuto na lang at magdidismisal na. Filipino ang last subject nila sa araw na ito. Hindi ako nakakasigurado kung papalabasin sila ng mas maaga. Sana naman ay hindi.

Nang malapit na ako sa room nila, medyo binagalan ko na ang lakad ko. Hinihingal ako pero pinilit kong pakalmahin ang paghinga ko. Sumilip ako sa loob ng room nila at nakitang andoon pa naman silang lahat. Nakabilog ang mga upuan nila ng anim na grupo siguro dahil may group activity sila.

Hindi na ako nagaksaya ng panahon at hinanap ko agad si Red. Dahil mabilis at malinaw ang mata ko, nakita ko agad siya sa may bandang sulok. Ngumisi ako. Kahit saang angulo ay gwapo talaga siya. Artistahin. Busyng busy ang mga kagrupo niya samantalang siya ay nakahalumbaba habang nakatingin sa isa niyang kagrupo.. na si Zoey. Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil sa magandang si Zoey. Nanlamig ako.

Di ko na siya pinansin at binalik na lang ang tingin kay Red. Ilang saglit ay napansin ko na ang pagkurba ng labi niya. Ngumiti siya habang itinuturo ang papel na hawak niya kay Zoey. Parang nagrereklamo siya pero para ding natutuwa pa. Lumapit si Zoey sa kanya at inabot ang papel. Tumawa pa ng nakakaloko itong si Red. Naginit agad ang dugo ko! Nakakainis! Bakit parang ang saya saya nila? This is so unfair! Kung sana naging magkaklase kami ni Red edi sana advantage ko na rin iyon.

"Tama na ang titig. Baka matunaw."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglang nagsalita. Humarap agad ako sa kanya bago humalukipkip. Bakit nasa labas ang isang to? E may group activity sila.

"Mind your own business, Marselo." angal ko.

"I don't have a business, Suzaine, but I do have a job." aniya. Kumuyom ang panga ko.

"Then, do your job!" Tinalikuran ko siya at muling humarap sa kinaroroonan nina Red. Ngayon ay nasa harap na sila ng teacher pero hindi pa rin sila tumitigil sa pagaasaran. Ang saya saya nila. Leche! Hindi ito pwede.

"I'm doing my job, Suzaine."

"Then, stop annoying me."

Hinawakan niya ang kamay ko para maiharap ako sa kanya. Kinalas ko agad iyon at humarap na lang ulit kina Red. Istorbo na nga, maninira pa ng araw itong si Marselo. Lagi siyang humadlang sa mga gusto ko. Lagi siyang kamali mali kahit saan.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon