Chapter 4 // Vaseline

797 51 26
                                    

Chapter 4
Vaseline

Nang tumungtong ako ng highschool, hindi naging madali ang makipagkaibigan. Sa katunayan ay wala akong naging kaibigang babae. Maswerte pa ako dahil naging kaibigan ko ang "Open Season", isang bandang binubuo ng mga gwapo at sikat na kalalakihan. Sina Red, Marselo, Miguel, RG at Yasser. 

Andito kami ngayon ni Miguel sa Fine Dining. Inaantay sina Marselo at Red na kasalukuyang bumibili ng mga pagkain namin. Si Yasser naman ay absent sa araw na ito dahil ayon kay Red at nilalagnat daw. Maya maya pa ay dumating na rin sina Red at Marselo. Si Red ang naglapag ng pinabibili kong sizzling bangus samantalang si Marselo naman ang naglapag ng pork chop ni Miguel. 

"Thank you." sabi ko kay Red. Ngumiti at tumango naman siya sa akin. Ito nga ba ang ayaw ko. Sa simpleng ngiti pa lang niya sa akin ay todo kilig na ako. Ang swerte swerte ko talaga. 

Magsisimula na sana akong kumain pero nahagip ng aking mata ang isang grupo ng mga babae na halos tusukin ako sa paninitig. Yun lang naman sina Janeth. Hindi ko maiwasang hindi kumulo ang dugo ko nung taasan niya ako ng kilay. 

Napangiti siya dahil alam niyang mapipikon ako sa ginawa niya. Pero hindi ako nagpatalo. Mataray kong ipinatong ang aking siko sa lamesa at ipinatong naman ang aking baba sa aking mga daliri. Nginitian ko pa siya bago bahagyang nilipat ang tingin kay Miguel balik muli sa kanya.

"Crush mo daw si Miguel?" ang tanong ko sa kanya pero walang lumabas na tunog mula sa bibig ko. Nahulaan naman agad niya ang galaw ng bibig ko.

Nabalitaan ko kasi na crush daw niya si Miguel, na ubod naman ng yabang! Parang nililipad nga ako araw araw dahil sa sobrang hangin ng isang ito. Lagi pa niyang sinasabi na gwapo siya, well, totoo nga iyon pero hindi naman niya kailangang ipangalan dakan ang itsura niya no!

Napansin kong napakunot naman agad ang noo ni Janeth sabay tingin sa mga kaibigan niya. Dahil doon ay nagwalk out na sila at lumabas sa Fine Dining. 

Pagkatapos naming kumain, tumambay muna kami doon habang iniintay ang pag ring ng bell. Dahil puro sila lalaki, ang pinagkwekwentuhan nila ay kung ano anong mga walang kwenta na hindi ko naman maintindihan. About sa basketball, mamaya ay about sa football naman. Lahat na ata ng sports ay napagusapan na nila. Upang makaiwas sa pinaguusapan nila na hindi naman ako makarelate, nagpaalam muna ako na magc CR. 

Nang lumabas ako ng Fine Dining, tiningnan ko muna ang watch ko at nung makitang mahaba pa ang oras, ginusto kong magCR sa malayo. Doon sa malapit sa college building. Baka sakaling makita si Kuya Leif at Kuya Kombi na ngayon ay mga college na. 

Papasok na ko ng CR ng may biglang humarang sa aking dalawang babae. Tinitigan ko sila ng masama bago ko sila minata. Isang nerdy at isang wannabe. Akalain mong ang lakas ng loob nilang, harangin ako? Hindi ko na lang sila pinansin. Maglalakad na sana ako papasok pero biglang hinarang ng wannabe ang kanyang kamay. Nainis ako.

"What is your problem, wannabe?!" Iritado kong tanong sa kanya.

"Jaja, wag na lang kaya." sabi naman ni Nerdy sabay hila sa braso ni Wannabe. Naghihiyahiyaan pa ang isang to.

"Ako bahala, Mia. Ibigay mo na lang." sabi naman ni Wannabe. Makapal ang mukha niya.

Sa totoo, wala akong pakialam kung may kailangan sila sa akin. Wala silang mapapala sa akin dahil kung pabor ang hihingin nila ay hindi ko iyon ibibigay sa kanila. Bahala sila. Maghirap sila. Pero kahit maghirap pa sila ay hindi ko sila pagbibigyan.

"Ahh, Suzaine." ang nahihiyang tawag sakin ni Nerdy. Matamlay ko lang siyang tiningnan at inintay ang kanyang sasabihin. Nakakawala ng gana. "Pwede bang pakibigay naman nito kay Mars?" 

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon