Chapter 9 // Frienemy

485 26 13
                                    

Chapter 9
Frienemy

Ilang sandali ay dumating ang sasakyan namin. Padabog akong pumasok ng kotse at nagulat pa ang driver naming si Manong Ben sa ginawa ko. Humalukipkip ako at umirap sa kawalan. Sinulyapan niya ako.

"Ma'am Suzaine, okay lang po ba kayo? May nakaaway po ba kayo sa school?" tanong ni Manong Ben.

"Wala po. Uwi na po tayo. Pagod na ko." nakasimangot kong sagot sabay patong ng baba sa may bintana. Umandar ang sasakyan namin at kasabay noon ang paglipad ng isip ko.

Puro yung nangyaring pagiwan sa akin ni Marselo ang naisip ko. Paano niya nagawa iyon sa akin? Babae ako tapos iniwan lang niya. Tsk! Tanda ko pa ng elementary ay hinahabol habol pa niya ako. Bakit ngayong highschool.. Well, siguro nga nagmature na siya. At dagdag na may girlfriend na siya. Wala na siyang pakialam sa akin. Noon, ako lang ang tinuturing niyang kaibigan. Ngayon marami na siyanh kaibigan.

Pero si Marselo ba kaya talaga yung kausap ko kanina? O baka naman clone lang niya. Urgh! Kung siya nga yun, ay leche siya! Bwiset! Hindi ko matanggap. Hindi ko siya mapapatawad!

"Ma'am, andito na po tayo." ani Manong Ben. Hindi ko namalayan ang buong byahe dahil sa puno ng kung anu ano ang isip ko. 

"Sige po. Salamat po." sabi ko habang dinadampot ang aking bag. Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba na rin agad para maipark na ni Manong Ben.

Paglabas ko ay napansin ko agad ang magarang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Hindi ko na tinanong ang sarili ko kung kanino ito sa halip ay dumiretso na lang sa loob para malaman kung kanino ito.

"Suzaine, andito ka na pala." pambungad ni mommy. "Andito ang kaibigan ng daddy mo from the company. Punta ka sa living room para maipakilala ka niya. Punta lang ako sa kitchen para maihanda ko na ang merienda."

Tumango lang ako kay mommy bago nagpunta sa living room. Tumambad sa akin ang isang lalaki na siguro ay nasa 30s or 40s pa lang niya. I'm not sure dahil medyo bata pa ang mukha niya at talagang gwapo pa. Baka kaedad ni daddy dahil tulad nga ng sabi ni mommy kaibigan ito ni daddy sa kompanya. Baka matagal na silang magkatrabaho.

"Suzaine, anak, you're here. Come." anyaya ni daddy ng mapansin niya ako. Lumapit naman agad ako. Abot tenga ang aking ngiti. "Suzaine, this is Mr. Rodrigo De Guzman, ang isa sa mga business partners ko." Bahagyang nanlaki ang mata ko ng marinig ang apelyidong, De Guzman.

O my God! O my God! Ito ba ang tatay ni Marselo? O baka naman kuya niya lang. Pero walang kapatid si Marselo e. Maybe he's Marselo's father! He looks younger on his age. Nagpanic ang loob loob ko pero pinilit kong maging kalmado.

"Rod, ito ang nagiisang prinsesa namin, si Suzaine." at tumawa pa siya. Nahiya tuloy ako. "Same school siya ng anak mong si Marselo. At sa pagkakaalam ko ay close friends sila. Tama ba ako, Suzaine?"

"Yes, dad." sagot ko. Umoo na lang ako dahil nakakahiya naman kung sabihin kong hindi. Magkaibigan kami pero hindi masyadong close.

"Tamang tama. Pinapunta ko rin dito si Marselo. Para makapagbond sila ni Suzaine. I think he'll be here any minute." sabi ng Tito Rod.

Medyo naistatwa pa ako noong marinig na papunta si Marselo dito. Automatikong nagflashback na naman sa akin ang nangyari kanina. Wala talaga siyang kwenta. Gusto kong ngumiwi pero para sa paggalang na rin, nanatili na lang akong nakangisi kay daddy at tito.

"Ah, excuse po, daddy, tito Rod, magpapalit po muna ako ng damit. Balik na lang po ako mamaya." pagpapaalam ko. Tumango silang pareho kaya umalis na ko sa harap nila. Pumanig ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon