Chapter 14 // Sorry

362 13 0
                                    

Chapter 14
Sorry

I just want to move on and live my life.

Yan ang magiging quote ko para sa aking buhay. Ngumiti ako bago lumabas ng aming sasakyan. Last day ko na sa paglilinis ng 3 floors. Sa wakas! Pagkatapos nito, magfofocus na ko para final exam namin. Next week na kasi iyon.

"Suzaine.." nagmomop ako ng 2nd floor ng may tumawag sa akin. Tumutulo na ang pawis ko. Pero ngumiti ako para salubungin ang tao sa likod ko. Nagulat ako ng makita ko si Marselo. "Tulungan na kita." pagaalok niya pero umiling lang ako.

"Patapos na ko. May kailangan ka?" hindi ko tinatanggal ang ngiti ko kahit na parang seryoso ang mukha niya.

"Wala naman. May gusto lang akong sabihin sayo."

"S-abihin? About w-what?" nautal kong sabi. Kinagat ko ang aking labi. Nagbara naman agad ang lalamunan ko dahil sa kaba. Ano ba ang sasabihin niya? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Wala pa siyang sinasabi ay parang may tumutusok na sa puso. "Ano iyon?"

Kumuyom ang panga niya pero hindi galit ang mukha niya. "Suzaine, gusto kong magpaalam." Hindi ako gumalaw. Parang tumigil ang oras sa paligid namin. "Aalis na kami."

"Magp-paalam? Aalis kayo? Bakit? Saan ka ba pupunta?" pinilit kong ngumiti pero hindi ko nakaya. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam pero gusto kong magalit sa kanya. Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy sa pagmomop.

Naiinis ako sa kanya. Alam kong wala akong karapatang magalit. Pero iyon ang nararamdaman ko. Aalis sila? Bakit? Dahil ayaw na niya dito? Ayaw na niya sa akin?

"Pupunta na kami sa America." huminto ako sa ginagawa ko. Aalis siya papuntang America? Nanginig ang labi ko. Tinikom ko iyon. Ikinalma ko ang sarili ko.

"For business? For some event? Or for good?" parang gusto kong takpan ang tenga ko dahil ayokong marinig ang sasabihin niya. Tinanong ko pa pero ayaw ko namang malaman.

"For good? Iyon ang sabi ni dad. Di ko sure kung magbabago pa ang isip niy-"

Humarap ako sa kanya. For good? Gusto ko siyang paghahampasin. Pero.. ano ba ang magagawa ko? Pamilya niya iyon. At wala akong karapatan. Ang magagawa ko lang ay ang magpaalam. Sa pagalis niya, ano itong matinding paghihinayang na nararamdaman ko?

Huminga ako ng malalim at binuo ang aking sarili.

"Masaya ako para sa iyo at sa family mo. Buti ka pa, palaging nakakapunta sa ibang bansa. Tapos ngayon doon na kayo titira sa America. I envy you, you know? Siguro isa yun sa dahilan kung bakit ayoko sayo nung maliliit pa tayo. Dahil naiingit ako sa inyo. Pero napagisip isip ko na sobrang babaw ko. I'm sorry for being immature, for being mean, for being not good to you.." kinagat ko ang labi ko. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. "Yeah.. And I'm sorry if you think that I used you."

"Suzaine.."

"Marselo, I'm sorry for the bad things I've done to you. I swear, pinagsisisihan ko na pero hindi ko na mababago yun. Kaya ngayong paalis ka na, sana mapatawad mo pa rin ako. I'm really really sorry!"

Hindi ko na napigilan ang iyak ko. Pero bago pa ito tuluyang tumulo, bago pa niya makitang umiiyak ako, tumakbo na ko paalis. Hindi ko alam kung sinundan niya ko pero tuloy tuloy lang ang takbo ko.

Gusto kong makatakas. Gusto ko na lang magpakalayo layo. Gusto ko umalis na lang dito at magbagong buhay.

Dahil sa mabilis na pagtagas ng mga luha ko, hindi ko na nakita ang dinadaanan ko. Hindi ko nakita ang mga tao. May nabunggo pa ako.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon