Chapter 1 // Tree

2.7K 66 48
                                    

Chapter 1 
Tree

"Don't act like you were hurt, Sharicca." umalingawngaw ang boses ni Marselo. Katapat niya ang babae na alam ko'y dumurog ng puso niya, si Sharicca. Hindi ito kumibo. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. "Ikaw ang nahuli kong may kaholding hands na iba. Nagalit ako sayo pero mas nagalit ka sa akin. Sabi mo di kita binibigyan ng time at laging iba ang nasa isip ko. You put the blame on me, for liking Suzaine. You broke up with me. Remember?"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng marinig ang pangalan ko. Mabigat ang dibdib ko. Nasasaktan ako pero hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ilang taon ko na ring kilala si Marselo. Siguro dahil kaibigan ko siya. Magkaibigan naman kami di ba?

Hindi ko napansin ang mabilis na pagdaan ng mga taon. Hindi ko na napansin na ngayon, malaki na kami. Mas alam na namin magdesisyon para sa sarili namin, although hindi sa lahat ng bagay. Mas malaki ang magiging epekto ng bawat desisyon na gagawin namin sa buhay namin. Mali man o tama ang desisyon mo, kailangan mong harapin ano man ang kalabasan nito. Hindi mo pwedeng takasan na noon ay ginagawa ko lang.

Nagflashback sa akin lahat ng mga nanyari noon. Lahat ng mga pinagdaanan ko. Lahat ng mga hindi magandang desisyon na ginawa ko. Siguro nga dahil noon, sobrang immature ko pa.

Past...

Nagsimula akong habol habulin ni Marselo nung grade 3 pa lang kami. Kahit saan ako magpunta ay susundan niya ko. Buntot siya ng buntot. Medyo- Urgh! Sobrang! naiinis na nga ako. Pinagsisisihan ko tuloy na ako ang unang kumausap sa kanya. Oo, ako ang unang kumausap sa kanya. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Naku! Kung alam ko lang talaga, dapat hindi ko na lang siya kinausap. 

"Kids, keep quiet." saway ni Teacher Val.

Tumingin ako sa kanya at nakitang may kasama siyang isang maputing batang lalaki. Hindi ko na sila pinansin at muling bumaling sa mga nagkwekwentuhan kong mga kaklase. 

"I would like you to meet your new classmate!" Halatang masayang masaya si Teacher Val. "His name is Marselo. He's from Australia. Maybe he can't understand tagalog so we should all talk to him in English. Okay?"

"Yes, Teacher Val." sabay sabay na sigaw ng mga baliw kong kaklase. Hula ko ay hindi naman talaga sila nakikinig sa mga sinasabi ni Teacher. Gusto lang nilang magbait baitan.

"Sige na, Marselo, you can sit there. Beside Suzaine." sabay turo ni Teacher sa square table namin. 

Lumingon sakin si Marselo at bahagyang lumaki ang mata. Napakunot ang noo ko. Ni hindi ko alam kung bakit lumaki ang mata niya. Nashock? Hindi ko alam. Basta para bang nakakita ng multo. Kinilabutan tuloy ako. Nagtaas ako ng kilay.

Dahan dahan siyang naglakad palapit sa table namin kung hindi pa siya itutulak ni Teacher Val. Sabi ni Teacher, galing daw siyang Australia. So ibig sabihin, mayaman ang isang to. Gustong gusto ko pa man ding makipagclose sa mga mayaman na tulad niya. Pero with his physical appearance? Hmm. Masasabi mong wag na lang. 

I want to clear that I'm not a social climber. Sa katunayan ay mayaman rin kami. May business ang family ko pero hindi kami yung sobrang yaman na nakakapagtravel sa iba't ibang bansa palagi. Siguro, sa special occasion lang. Pero at least naibibigay nila ang mga luho ko. Mayaman at maimpluwensiya ang family ko. That's it.

"Hello! I'm Suzaine. You can call me nothing but Suzaine. Suzaine lang ang gusto ko. Okay?" bati ko nang makaupo na siya sa table namin.  

Tumingin siya sakin at parang namula pa ata ang kanyang pisngi. Nahalata ko iyon dahil maputi ang kutis niya. Kutis pang mayaman talaga. Kahit ganun ay kinilabutan pa rin ako. Ngumiti siya at parang tuwang tuwa dahil sa pagpapakilala ko. 

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon