Chapter 11 // Hurt

376 19 8
                                    

Chapter 11
Hurt

"I think I like him." pagtatapat ni Roseanne sa akin isang araw habang kumakain kami sa veranda. Gabi na at mga bituin sa langit na lang ang aking pinagmamasdan. Bumaling ako sa kanya. Abot tenga ang kanyang ngiti habang may tinitingnan sa kanyang phone.

"Sino?" tanong ko dahil wala agad pumasok sa isip kong lalaki na pwede niyang magustuhan. Madalas kasi, ang nakwekwento niya ay yung mga nanliligaw at mga nagugustuhan lang niya. Saka ko lang napagtanto nung pandilatan niya ako ng mata. Ngumiwi ako at sinagot ang sarili kong tanong. "Ah. Okay. Si Marselo."

"Huh?What? Si Mars?" Bahagya pa niya akong tinawanan kaya kumunot ang noo ko. "Paano mo naman nasabi yan?" Hindi ko sigurado kung pinaglalaruan lang niya ako ng mga tanong niya. Mukhang gusto niya akong paikutin. Tumikhim ako.

"I know you, Roseanne. Bata pa lang tayo ay alam ko na ang mga tipo mo. Gusto mo yung mga tahimik na misteryoso. Yung bawat angal mo ay wala silang magagawa kundi ang pakinggan ka. At.. nakita mo ang mga katangian na yun kay Marselo. Di ba, kaya nga close na kayo ngayon?"

"Now, I can say that you don't know me well, Suzaine." aniya. Disappointed siyang umiling sa akin.

"What do you mean? Mali ba ko?" reklamo ko. Humalikipkip pa ako sa kanya.

"Tahimik? Si Mars? Are you kidding me? Maingay kaya yun. At misteryoso? Bwahahaha" Nagulat ako sa bigla niyang pagtawa ng malakas. Parang may sumapi sa kanyang na kung ano! Hindi ako makapaniwala na ang pinsan kong parang lumaki sa white house ay namamalagi pala sa palengke.

"Roseanne!" tawag ko sa kanya at agad siyang napatigil sa kanyang pagtawa. "At kailan ka pa natutong tumawa ng ganyan? Ha?"

"Kay Mars!" sagot niya at hindi na ulit napigilan nag pagtawa. Ilang saglit ay tumigil din siya dahil sa matalim kong titig sa kanya. "Ang dami niya kasing kwento. Lalo na about dun sa girl na nagugustuhan niya. You know! Sobrang hinabol habol pala niya yung girl. I can't believe! Hindi siya torpe. Talagang may sayad lang yung babae."

"Stop it, Roseanne." madiin kong utos na ikinagukat niya. Medyo nagalit ako dahil nabanggit niyang may sayad ako. Bago ko pa malayasan itong pinsan ko dahil sa inis, binago ko na agad ang topic namin. Ayoko rin namang manlamig ang usapan namin. "Let's talk about the guy. Who's the lucky guy kung hindi iyon si Marselo?"

"Raphael Gerard Labrador." Agad napalitan ng ngiti ang kanyang mukha. Kumapit pa siya sa braso ko at ipinakita pa ang fb ni RG na kanina pa pala niyang iniistalk sa kanyang cellphone. Inalog alog niya ako sa kilig. "Tahimik na misteryoso! Sobrang gwapo pa at ang galing niya pa mag drums. Sabi ni Mars, wala pa daw siyang nagiging girlfriend. Medyo seloso daw kasi. Kapag nagkagusto naman sa isang babae, medyo torpe. Sabi ko nga kay Mars, ilakad niya ako sa kaibigan niya. Pumayag naman kaso wala pang nangyagari. Mailap kasi itong crush ko. Nung tinanong ko si Mars kung ano ang mga tipo ni RG, ang sabi yung di maarte at yung friendly. Di ba di naman ako maarte at friendly naman ako.. kahit papaano. Di ba? Di ba?" kinulit niya pa ako.

"Ako ba talaga ang tinatanong mo?" Umirap na lang ako sa kawalan. Pinsan ko siya at ayokong magsinungaling. Akala ko ba kilala niya ang sarili niya? "You know, Roseanne.. Mas maarte ka pa sakin at ang sabi mo, marami kang nakakaaway sa school niyo. Don't you remember."

"My Gaaad! Wag na wag mong mababanggit yan dito, Suzaine. Baka may makarinig sayo dito. Nakakahiya! Atsaka.. Baka mamaya pala, andiyan sa tabi tabi si RG at iniistalk pala ako." aniya at dun na lang ako napatawa.

Ang totoo ay tamang arte lang naman yung sa kanya. Malinis sa katawan kaya minsan kung makapandiri, akala mo nakaapak ng tae. Eww. Kahit ata ako kikilabutan kapag nakaapak ng tae. At marami siyang kaaway sa school nila dahil strict siya masyado, isa kasi siyang student council. Kahit na maraming nagagalit sa kanya, mas marami naman ang mga kaibigan niyan. Kaya masasabi mo rin na friendly siya.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon