Chapter 17 // Laguna

378 9 1
                                    

Chapter 17
Laguna

"Nabasa ko yung comment ni RG. Yung 'Nakahanap agad ng bago.' something. Di ko maalala. Basta parang ganun. Ikaw ba tinutukoy niya?" sabi ko isang araw ng mapadpad na naman ako sa bahay ng pinsan ko.

Hindi niya ako pinansin. "Sabi pala ni MJ, mamasyal daw tayo. Payag si daddy kung sila ang kasama. Business partners kasi ni daddy ang parents nila."

"Sinong MJ?" tanong ko. Parang wala kasi akong kilalang MJ.

"Si Mark Jupiter Porter! Grabe, couz, amnesia agad? Nauntog lang? Sa gwapo nila nakalimutan mo na agad?"

"Tsk. Wala lang talaga akong interes sa kanila kaya ganun. So ano? Narinig mo ba yung sinabi ko? Yung kay RG? Tinag niya kasi si Marselo."

"Ano mas maganda? Magtour na lang tayo! Game ka naman di ba? Basta magkasama tayo.. at kasama ang dalawang Porter. Hihi."

"Puro ka na lang mga Porter. Akala ko ba gusto mo si RG? Bakit parang wala ka ng paki sa kanya?" tanong ko. Kasi kanina pa kong nagsasalita about dun pero hindi naman niya pinapakinggan. Parang iniiwasan pa ata niya. Masyado naman akong curious para tantanan siya.

"Ewan ko ba dun. Hayaan mo na lang siya. Basta maganda magenjoy tayo ngayomg summer at sigurado akong mageenjoy tayo kapag kasama sila!" Tumayo siya ngunit bumalik ulit sa pagkakaupo. "Teka nga, saan ka ba curious? Kay RG o sa tinag niyang si Mars?" ngumiti siya ng parang aso. Nagtaasan agad ang balahibo ko sa itsura niya.

"Curious ako sayo. Magulo ka kasi. Bahala ka na nga diyan." aniko. Tumayo ako at itinapon ang pillow na hawak ko sa kanyang kama. Wala na akong pakialam kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya.

"Sige, sabihin ko na sa kanila ang plano a?" pahabol na sabi niya na lumabas lang sa magkabilang tenga ko.

Bumaba ako ng kusina para kumuha na juice sa kanilang ref.

"Goal!" sigaw ng isang lalaki sa kabilang bahay.

Sumimsim ako ng juice bago sumilip sa may bintana. Nakita kong naglalaro ng football ang magkapatid na Porter. Halos 3pm pa lang at sigurado akong sobrang sakit pa sa balat ng araw. Tapos ito sila nagbibilad sa aras. Ewan ko lang kung hindi sila masunog.

Nakatopless pa si Jupiter. Natawa na lang ako dahil wala namang maganda sa katawan niya. Siguro mas may laman siya ng kay Jerome pero payat pa rin siya. Wala siyang muscles! Hindi tulad ni Marselo. Kahit pagtugtog lang ng musika ang alam ay maganda pa rin ang katawa- Ano ba tong sinasabi ko? Iyon ay dahil naggi gym siya. Kahit sino naman atang tao na naggym ay gaganda ang katawan.

"Suzaine!" tawag sa akin ni Jerome. Napatalon pa ako dahil sa gulat. Nasa kabilang bakuran sila at nakita kong kumaway na siya sa akin. "Tara laro tayo!" sigaw niya pa at mukhang may balak pang lumapit dito.

"No thanks. Ayokong masunog!" sigaw ko para marinig nila.

"Sunog agad? Hindi ba pwedeng tan lang?" Loko to a. Same lang yun.

"Ayoko. Kayo na lang." sabi ko sabay talikod bago pa siya tuluyang makalapit ng tuluyan.

"Grabe, sungit." aniya.

"Suzaine, we have a very important business trip in Davao. Iiwan muna namin ikaw kina Roseanne. Okay lang ba?" sabi ni daddy. 

"Can I go with you?" nakangisi kong tanong. Hindi pa ako nakakapunta sa Davao. Sa pagkakaalam ko, maganda doon. Gusto ko sanang sumama. Ayoko rin namang maiwan dito, kina Roseanne. Mas gusto kong umalis. Magtravel na kasama sila ni mommy. Kahit na masaya akong kasama ang pinsan ko, hindi ko rin mafefeel dahil may iba kaming makakasama.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon