Chapter 16 // Facebook

399 10 2
                                    

Chapter 16
Facebook

Hindi ko na alam kung ilang beses akong umirap kay Jupiter. Kapag napapabaling ako sa kanya, nakatitig lang siya sa akin. Tulad ni Miguel, waring gusto niya akong tunawin sa titig.

Inikot kong muli ang aking mata. Nagpasalamat na lang ako dahil dumating na si Roseanne at Jerome. Inabot niya sa amin ang biniling icecream. Sana mapalamig nito ang ulo ko.

"So, is this a double date?" natatawang tanong ni Jerome. Nasamid naman agad ako sa sinabi niya. Naabutan ko pang ngumingiti itong pinsan ko. Kinikilig pa ata. Eww! "You know, getting to know.."

Kahit nasamid ako, pinilit ko pa ring magsalita. As if! Makikipagdate kami sa kanila! Wala sa isip ko ang pumatol sa mukhang playboy. At sa tala ng buhay ko, hindi ko naisip na makipagdate sa stranger.

"Obviously, it is not!" singhal ko.

"Tama nga naman, Jerome." ani Jupiter sa kapatid niya. "Kasi kung date ito, pinaghandaan sana natin ng mabuti."

Napansin ko ang mapanuya niyang ngiti. Sumangayon naman agad ang kapatid niya. Samantalang ang pinsan ko naman ay namula pa ata. Masama akong tumingin sa kanya. Baka isipin ng mga ito na easy to get kami. In the first place, bakit ba naman kami sumama sa kanila?

Tulad nga ng sabi ni Jerome. Getting to know. Nagusap sila tungkol sa maraming bagay. Sila lang. Nagpipindot lang ako sa aking iphone at nagkunwaring sobrang busy. Mukhang solve na naman ang dalawa sa pakikipagusap sa madaldal kong pinsan.

Pero dahil nasa iisang table kami, hindi ko maiwasang hindi marinig ang pinaguusapan nila. Tulad na nga lang ng edad. Hindi ko lubos maisip na mas matanda kami sa kanila. Ang malala pa. Dalawang taon ang agwat namin. Maigi kong tiningnan ang dalawa. Kala mo mga kumukuha na ng kolehiyo dahil sa height nila. Pareho kasi silang matatangkad.. Ang pinagkaiba lang, medyo payat si Jerome samantalang si Jupiter ay maganda ang katawan. Wait! Did I just say that? Parang gusto ko ng masuka dahil sa sinabi ko.

Hindi naman kasi talaga ako karaniwan na mamuri ng tao. Laging kamalian ang tinitingnan ko. Ang tama lang ata sa paningin ko ay ang buong pagkatao ni Red. Kahit ata magkamali siya, hindi ko na makikita. Nabubulag ako kapag nasa harap niya.

Nagtext na si tito kaya napagpasyahan naming umuwi na. Medyo dumidilim na rin kasi. Meron namang mga street lights pero nangingibabaw pa rin ang dilim. Buti na lang may kasama kaming lalaki kundi baka matakot na akong maglakad dito. O baka dapat sa kanila pa pala kami matakot? Pero mukhang malabo naman. May mga nakita kasi akong CCTV sa daan. Siguro dahil malalaking tao rin ang nakatira dito.

Pagkarating namin sa bahay. Bagsak agad ako sa kama ng pinsan ko. Tumawag si mommy na bukas na lang ako susunduin ng driver namin. Tuwang tuwa naman ang pinsan ko sa narinig na balita. If I know, pinagpaalam na niya agad ako noong nasa bahay pa kami para makapagsleep over sa kanila. Gustong gusto niya akong kasama.

Magshashower na ako at balak kong manghiram ng damit. Pero mukhang hindi ko na kailangang manghiram dahil naglabas siya ng isang bag na puro mga damit ko ang laman. Ipinagimpake nga ako ng babae na to. Nagpasalamat na lang ako.

Mabilis akong nakapagligo at nakapagpatuyo ng buhok. Humiga ako sa kama at hindi na namalayang nakatulog sa pagiintay sa pinsan Kong matapos sa panliligo.

Dahil maaga akong nakatulog, maaga rin akong nagising. Sinilip ko ang pinsan ko sa aking tabi. Mukhang malalim pa rin ang tulog. Hindi ko sigurado kung anong oras siya nakatulog. Siguro tulad ko, natulog na rin agad siya pagkatapos makapagshower.

Hindi ko na siya hinintay at bumaba na sa dinning area. Nakaramdam kasi agad ako ng gutom. Wala na doon ang mga tito ko dahil nasabi nila na may maaga silang meeting. Nakahanda na naman ang pagkain kaya wala na kong naging problema.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon