Chapter 8 // Affected

556 26 14
                                    

Chapter 8
Affected

"Yasser, playboy ba ko?" tanong ni Miguel kay Yasser na kumakain ng pizza. Inikot ko na lang ang aking mata.

"Don't ask me, men. Alam mo naman ang isasagot ko diyan." natatawang sagot ni Yasser.

"Ewan ko sayo!" 

"Ikaw, Red, sa tingin mo ba, playboy ako?" tanong naman niya kay Red na ngayon ay nagaayos ng kanyang bass guitar. Buti pa ang kanyang gitara, alagang alaga niya.

"Yes, dude." seryosong sagot ni Red pero bahagya na ring napatawa.

Nakakainis tong lecheng Miguel na to! Simula pagbalik namin dito sa taas. Wait, hindi kami sabay bumalik. Nauna akong bumalik dito sa music room. Medyo nagtagal pa bumalik si Miguel sa hindi ko alam na dahilan. Nagdrama? Baka natauhan.

"Why are you asking, Miguel? Isn't that obvious?" tanong naman ni RG na may malaking ngisi sa kanyang labi. Kumuha siya ng pizza bago umupo sa sofa.

"Obvious your face, RG. I'm serious here." ani Miguel. Napansin kasi niyang pinagtritripan na siya ng kanyang mga kaibigan.

"Bakit ba kasi tinatanong?" balik na tanong naman ni Yasser.

"Kasi nililiwanag ko. Hindi naman kasi ako playboy. The truth is I never had a girlfriend." pagtatapat ni Miguel. Humawak pa siya sa kanyang batok na para bang nahihiya pa. What the!! Iuuntog ko na ang isang to. Pigilan niyo ko!

"But you have a lot a flings, Miguel. Marami ka na ring pinaiyak, Mr. Playboy." ani RG. Seryosong tao si RG at hindi ko alam kung paano niya naloloko ng ganito si Miguel. "Aminin mo." dagdag pa niya.

"Okay. Fine! Playboy na kung playboy kung yan ang iniisip niyo." pagsuko ni Miguel kay RG. Wala siyang nagawa.

Nagpatuloy lang sila sa paguusap habang ako ay tulala at hindi makakain ng pizza. Parang araw araw na ata kaming nakapizza. Nakakasawa na at kasi.. naguguluhan talaga ako. Bakit kailangan ni Miquel na itanong kung playboy siya? Dahil ba sa sinabi kong playboy siya? Hindi ba dapat alam niya na sa sarili niya yun? Marami na siyang pinaiyak na babae at napakaobvious na nun.

Bumaling ako sa may kabilang sofa at nakitang sobrang makadikit itong si Sharicca kay Marselo. Si girl kung maka gapos sa braso ni Marselo para bang may kukuha. Letche. Nakakasurang tingnan. Nakakainis. Hindi sila bagay.

Nagtama ang mata namin ni Marselo kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Hay, gulay." ani Miguel sabay upo sa may tabi ko. Ang trato niya sa akin ay normal lang. Parang hindi siya nagtapat at parang hindi ko siya binasted. Nagulat na lang ako ng bigla niyang ilagay ang ulo niya sa may balikat ko. "Palagay ah." aniya.

"Ayoko!" angal ko at itinulak ko agad siya. Ngumiwi ako at umusod ng konti para makalayo kay Miguel.

"Grabe ka, Suzaine. Parang nakikilagay lang." reklamo niya.

"E sa ayoko nga. Di ka ba makaintindi." masungit kong sagot sa kanya sabay irap sa kawalan. 

"Uy, kayo ah. Baka mamaya kayo na ang lovers diyan." loko samin ni Yasser. Nagbato agad ako ng matalim na tingin sa kanya.

"Excuse me, Yasser. It's never gonna happen." sagot ko. "Not in a million years."

"Wag niyo nga kaming lokohin, Yasser. Baka magka developan kaming dalawa." sabi naman ni Miguel sabay akbay ulit sa akin. Tinanggal ko naman ulit yun.

"As if!!" ani ko. Peste tong lalaking to. Nakakainis! Hindi ba binasted ko na siya? So dapat may konting boundary na. Yung siya mismo ang lalayo sa akin? Magagalit or whatever. Pero bakit parang mas lumalapit pa ata siya? Tumayo ako at inayos ang damit ko. "Uwi na nga ko, bahala na kayo diyan." Umirap ako bago kinuha ang aking bag.

Less Than FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon