My Past

167 8 0
                                    

Hindi muna pumasok si Rachel sa company dahil gusto nya munang magpahinga sa mga stress na dumating sa buhay nya.

Nakahiligan nya ang magbasa ng mga libro.

"Ma'am, may naghahanap pong tao sa inyo sa labas. Papapasukin ko po ba?"

"Sino daw, Ya?" still reading on her book.

"Mama nyo daw po."

Agad namang napatingin si Rachel sa kasambahay nila.

"Sige, let her in."

Sumunod naman sa sinabi nya ang katulong nila.

Naghanda naman sya ng kanyang sarili.

Naiisip nya na baka di nya kayanin lahat ng malalaman nya sa araw na ito tungkol sa nangyari sa nakaraan nya.

Simula sa, kumbakit sya ipinaampon nito?

Bakit natiis nya nito?

Bakit di man lang sya binalikan nito?
Ganon, ba talaga ako kadaling iwan? Nasabi nya na lang sa isip.

Matapos nyang magpalit ng mas maayos na damit bumaba sya sa sala at nakita nyang nakaupo ito sa couch.

Hindi sya dumiretso dito at kumuha muna siya ng maiinom nilang dalawa.

"Napadalaw po kayo?" saad niya ng may paggalang.

"Anak, handa ka na bang makinig sa mga paliwanag ko?" agad nitong sabi kay Rachel.

Umupo si Rachel sa harap nito.

"Sige ho. Ano po ba talagang nangyari? Kasi parang ang natatandaan ko, nagkaisip na ko at lahat si Mama Zenaida ung kilala kong ina at si Dad Martin ung ama ko. At gusto ko rin pong malaman kung paano nyo natiis lahat ng to?"

"Anak, me and your dad broke up. Ikinasal kami dahil nabuntis nya ko at ikaw ang bunga non Rachel. Ang alam ko lang, mahal ko sya at mahal kita anak. Pero, hindi pala sapat ung mahal ko lang sya. May mahal pa syang iba bukod sa'kin. Okay lang naman sa'kin kung ako lang ung may kahati pero nagkaanak sya sa iba. Hindi ko kayang tiisin ka anak na makihati sa pagmamahal na dapat ay iyo lang." she explained sincerely.

"Kung ganon po, bakit nyo ko iniwan?" walang ibang masabi si Rachel dahil hanggang ngayon ay hindi pa nya lubos isipin na ito na. Kaharap nya na ang kanyang tunay na ina.

"Anak,naghiwalay kami ng Papa mo at wala akong choice kundi ipaampon ka sa pinsan ko, kay Martin. Tinanggal ako ng Papa mo sa trabaho at na banned ako sa lahat ng company dahil ipinag utos nya. Hindi ko ito sinasabi para magalit ka rin sa kanya anak. Ipinapaliwanag ko lahat ng nangyari, kumbakit ka nawalay sa'kin. Hindi mo lang alam kung gaano kahirap sakin ang iwan ka anak."

Parehas namumutawi sa kanilang mga mata ang luhang umaagos na parang batis sa pagdaloy.

"Pero, kahit na! May paraan naman e! Kung ginusto nyo lang sana akong makasama, gagawin nyo lahat para buhayin ako."

"I'm sorry anak. Ang taas ng ambisyon ko para sa'yo. Sorry anak, hindi ko kinayang makita kang naghihirap at hindi kita mabigyan ng magandang buhay. Gusto kong makita kang maging successful in the future. Kaya ng inalok ako nila Martin na aampunin ka nila, pumayag ako agad. Kahit masakit, mahirap dahil alam kong yun ang makakabuti sayo. Mabibigay nila hindi lang pangangailangan mo kundi pati kagustuhan mo. Anak, wala akong kapasidad noon na gawin yon." she reach for her hand.

"I'm so sorry, anak. Patawarin mo si Mama. I'm so sorry. I'm so sorry." her tears burst.

Hindi alam ni Rachel ang gagawin. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha nya.

Hindi nya alam kung magagalit ba sya o maaawa dito.

Kung handa na nga ba nyang patawarin ang Mama nya.

Kung handa na ba syang mabuo sa oras na iyon.

Natigil siya sa pag iisip ng makita nyang paluhod sa kanya ang matanda.

"No, you don't have to do that." she breathe heavily.

"I already forgive you." she added.

Hindi naman napigilan ng kanyang Mama na sya ay yakapin ng mahigpit at umiyak ng dahil sa tuwa.

"Anak, sorry and thank you for giving me another chance to be a mother to you. I'll do my best to make it up to you. Mahal kita anak. Mahal na mahal."

She wipes her daughter's tears and hug her tight again.

"I miss this 33 years ago."
---------------------------♥ 😘 😍

Rachel's POV

Gabi na, wala pa rin si Richard.
Naghihintay ako sa kanya ngayon dito sa sala.

Kailangan ko sya.

It's already 12 midnight but still he's not here.

I tried to call him. But even one of my calls di nya sinasagot.

Nag aalala na ko sa kanya.

Ayoko ng maulit ung mga dati naming pinag awayan.

I sighed in relief when I heard his car.

Nanatili akong nakaupo sa couch at hinintay ko syang makapasok ng pintuan.

He opened the light, and there he saw me a little bit shocked.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagtama ang mga mata namin.

Iniiwas ko naman agad ang tingin ko at agad umakyat sa kwarto namin.

Nakakainis sya.

Siguro naman naaalala nya pa kami ni Frank. Sana naman 'no.

Ni hindi na ulit kami sabay pumapasok sa trabaho. Kabwiset. Baka may iba na naman 'tong pinagkakaabalahan.

Naupo ako sa edge ng kama.
Narinig ko naman agad ang pagbukas ng pinto pero hindi ko ito nilingon.

"Mommy..."

Si Frank pala akala ko ung magaling nyang ama.

Lumapit sya sa'kin at umupo sa tabi ko.

"Yes, Baby? Is there anything wrong?" I hold his little hands.

"Mommy, promise me di ka magagalit sa'kin at kay Daddy."

Ano na naman ba itong inilihim ng mag ama ko sa'kin.

I sighed. "What is it?"

"My, promise me muna you won't get mad."

"It depends. So, tell me now."

Napayuko naman sya sa'kin.

"Okay, promise Mommy will not get mad. So, can I already know what is it?"

"Mommy, I'm joining national volleyball tournament sa U.S."

Ano?! NATIONAL? It means...

"No! Hindi ka pwedeng sumali dun Frank. Quit for being a volleyball player kung hindi ka susunod sakin. You're not joining national tournaments. Kahit sa chess pa yan. Understand?"

"But Ma..."

"No buts. Go to your room and sleep. Friday na bukas, last day of your school for this week."

Malilintikan talaga sa'kin yang si Richard. Wala akong pakialam kung pagod sya. Mas napapagod na ako sa mga ginagawa nya.

How could he? Kung hindi pa sa'kin sinabi ni Frank, so ano? He's joining. Paano kung mapahamak 'tong anak ko. Maibabalik ba nya? Gosh! Stress kay Mama, stress pa sa asawa. Can't imagine this is happening.

Sa'yo Na Lang Ako *Unexpected Revelations*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon