SNLA Chapter 20

319 7 1
                                    

“Chard…”

“Chel, no. Tara na baka gising na si Frank.”

Sumunod na lang si Chel kay Chard. Pataas ng kwarto.

Nakarating na sila sa kwarto, at natutulog pa rin si Frank.

Habang nasa walk in closet si Chel.

Pinagmasdan ni Chard ang muka ni Frank,at ng matitigan nya ito…

“Parang kamuka ko si Frank.” Nasambit nya sa pabulong na boses.

“Chard, may sinasabi k aba?”

“Ah, wala, wala. Ang pogi pala ng anak  nyo ni William.”

Ngumiti lang si Chel.

“Pero, hindi sya kamuka ni William no?”

“Ah, eh, ewan ko… Hindi ko naman alam kung sinong kamuka nan eh. Haha.”

“At konti lang ang hawig sa’yo.”

“Anong ibig mong sabihin Chard?”

“H’wag kang magagalit Chel ha…”

Kinakabahan si Chel sa susunod pang mga sasabihin ni Chard.

Buti na lamang at gumalaw ng konti si Frank.

“Chard, tara na muna sa labas… Baka kasi sobrang napagod si Frank kanina, kaya mahimbing ang tulog…”

“Sige… Tara.”

Habang papalabas sila ng pinto.

“Hi Bro!” sabi ni William kay Chard.

“Hi.” Sabi ni Chard.

“Anong ginawa mo sa kwarto ng anak namin?”

“Ah, tiningnan ko lang ang pamangkin ko.”

“Ah. (bumaling kay Rachel) Hon, tara na kwarto naten.”

Tumango na lang si Chel.

“Sige Bro! ingat sa pag-uwi.” Sabi pa ni William.

Tumango lang din si Chard.

Pumasok na si Chel at William sa kwarto nila.

“Akala ko ba, hindi na mauulit?” mahinahon pero nakakatakot na boses na tanong ni William.

“Tulad nga ng sinabi kanina ni Richard… Tiningnan lang nya si Frank.”

“Sinabi mo na ba sa kanya ang totoo?”

“Hindi… Hindi ko sinabi at kahit kelan hinding-hindi ko sasabihin.” Nangangatal na boses ni Chel.

“Sigurado ka ha?”

“Oo. Ahm.. Hon, kumaen ka na ba?”

“Hindi pa nga eh..”

“Paghahanda na kita ng pagkain sa baba …” akmang palabas na ng kwarto si Chel.

“Hindi wag na. Dito ka  lang...” seductive na sinabi ni William kay Rachel.

Hinawakan ni William ang braso ni Chel at binulungan sa tenga.

“Gusto ko ikaw…”

“William… Hindi pwede.”

“Bakit naman? Hawakan mo ‘to oh, galit nag alit na sya.” Sudecitve way

“William… Ano ba!”

Sinampal nya ito, at agad nyang binuksan ang pinto at tumakbo papalabas…

“Rachel! Rachel!” Sigaw nito.

“Anong problema, William?” sabi ng Mama ni Rachel.

“Tumabi ka dyan!” Hinawi nya ito…  Sabay lakad ulit ng mabilis

Hindi nya napansing natumba ito at napatama ang ulo sa hagdan.

“Rachel!” tawag muli ni William kay Rachel, habang tanaw tanaw ang kotse ni Chard na umalis kasama si Chel.

“Chard, dalhin mo ‘ko kahit saan! Chard!” nakasakay na sya sa kotse ni Chard at umiiyak.

“Chel, ano bang nangyari? May ginawa na naman ba ang asawa mo sa’yo?” pag-aalala nitong tanong kay Rachel.

“Richard… Richard… Gagahasin nya ulit ako…” sabay yapos kay Chard

Itinigil ni Chard sa isang lugar na hindi na sila maaabutan at makikita ni William.

“Ano Rachel!?” galit at malakas na nasambit ni Chard.

“Richard… (umiiyak) Ilayo mo na ako sa kanya. Binababoy nya lang ako… Richard… Pinipilit nya ako palagi.”

“Rachel, tahan na… Tahan na… Ako ng bahala sa lahat.” Awang-awa si Chard kay Rachel pero ang tangi lang nyang nagagawa ngayon ay ilagay si Chel sa dibdib nya at himasin ang buhok para kahit papano maibsan ang kanyang takot, kaba, at galit.

Galit na galit si Richard kay William, dahil alam nya sa isip nya na kahit mag-asawa si William at Rachel ay hindi dapat nito pinipilit si Rachel makipagtalik.

ABANGAN :)

Vote, Comment and Be Fun :D

Salamuch! :*

Sa'yo Na Lang Ako *Unexpected Revelations*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon