The Flashback

148 5 0
                                    

Nagtungo na si Richard sa Starbucks upang makipag meeting sa sinabi ng kanyang sikretaryang kliyente.

"Teka, paano ko malalaman kung sino sya. Eh hindi ko nga yun kilala. Hay naku naman." Sambit nito sa isip nya.

Minabuti niyang maupo sa isang lugar na kung saan madali sya nitong makikita dahil sigurado syang kilala sya ng kliyenteng ito.

Tiningnan niya ang cellphone niya. Nag browse siya ng mga picture nilang mag anak. Nakita niya ang magandang mukha ni Rachel na nakapag pangiti sa kanya.
Nag pop naman ang isang message ng isang unknown user?

+6930**********

Pink dress and silver sling bag :)

Hindi naman maintindihan kung para saan ang text na iyon. Matapos nyang basahin ang text message ay unti-unti nyang iniangat ang kanyang ulo. Sumalubong sa kanyang mata ang isang babaeng naka pink dress na saktong sakto ang hapit sa katawan nitong balingkinitan, maputi ito, may mahabang chestnut brown na buhok, kasing taas ni Rachel at may suot na sling bag na silver.

Napatulala syang sandali sa nakita at agad binawi ito't bumalik sa katinuan.

Ngumiti ang babae.

"Hi Richard." Bati nito na may sweet na boses.

Tumayo si Richard.
"Have a sit." Natatarantang sabi nito.

"Oh. Thank you." Naupo siya sa hinilang upuan ni Richard para sa kanya at agad ding umupo si Richard na nag ayos pa ng neck tie nito. Nakatingin lamang sa kanya ang babae.

Halata sa pananalita at kilos nito na mahinhin, may pagka mahiyain at laki sa mayamang pamilya ang babaeng nasa kanyang harapan. Titig lang ang babae kay Richard.

"So, who are you?" Agad na sabi ni Richard na may ngiti sa labi.

"Oh. Oo nga pala. You didn't know me na." Sabi nito na may kaunting tawa sa dulo.

"Ha? You mean... This is not the first time we met?" Nalilitong saad ni Richard.

"Yes. Hahaha." Tipid na sagot ng babae.

"Wala akong matandaan na may isang magandang babae akong nakilala na tulad mo before. I didn't believe this." Palusot agad ni Richard dahil hindi nya talaga matandaan ang babaeng ito.

"Hahaha. So much for that. I can introduce myself again and again, basta ikaw Mr. Gomez." Hirit din nito sa mahinhing boses.

Ngumiti lamang si Richard.

"I'm Rachel Nathalie Vergara." At inihain nito ang kanang kamay niya.

"Hi I'm Richard Frank Gomez." At inilahad din ang isang kamay.

"Nice meeting you, then." At naiilang nitong kinuha ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Richard.

"So, may isang prinsesa pala si Mr. Raymond Vergara? Hindi ko alam ito." Sabi ni Richard na may kaunting tawa sa dulo.

"Hindi kasi ako pumayag kay Papa na maging open book ang buhay ko para lang sa kumpanya at pulitika." Nahihiya nitong saad.

"Ah ganon ba? Bakit naman? Alam ko na nakakainis naman talaga ang media kapag masyado na itong nanghihimasok sa personal na buhay natin pero nakakatulong din ito sa negosyo Rachel." Hindi nya agad napansin na kapangalan pala ito ng asawa ngunit agad naalis din ito sa kanyang isip.

"Oo, it helps a lot too. Pero, I want my life to be peaceful. Hahaha." Sabi ni Rachel (A/N: Nathalie na nga lang. Baka malito kayo. Hahaha.)

Sa'yo Na Lang Ako *Unexpected Revelations*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon