Blue Eagle Vs. Golden Hermits
“Go Anton! Go! Go! Go! Kaya mo yan!”
“3 points!!!!!!”
Hi ako nga pala si Marie Rachel Gomez eto ako ngayon nanonood ng PBA live!
Ang galling talaga ni Anton! I Love His Game! Kasama ako ni Dad na manood ng PBA live, kasi mahilig yun sa basketball! At AKO?! Eto nakikisama lang! Nag-iisang anak nila ako eh. Kahit lagi akong kasama ng Dad ko sa panonood ng PBA live naku napaka strict nyan! Gustong-gusto nya si Anton Lagdameo! Ang galling kasi nitong mag basketball! Favorite sport ni Dad ang basketball kahit na businessman sya hinding-hindi pa rin sya nawawalan ng time para sa basketball na yan.
Tapos na ang 3rd quarter! Time Out muna!
“Yes! Lamang sina Anton!”
“Pa, kamusta naman po ang business?”
“Ok lang naman. Maraming complication pero lagi din namang nasosolve.” (authority voice)
“Ah, ok po Pa.” mahina kong sagot.
“Anton! Ang galling naten ah!” sabi ko.
“Ikaw talaga Rachel! (ginulo nya ang buhok ko) Kamusta ka na!? ngayon na lang ulit tayo nagkita ah!”
“Hehe.. Pano naman tayo magkikita ng madalas, eh alam mo namang nagkikita lang talaga tayo kapag may Game ka! Alam mo namang number 1 fan mo si Papa. Haha”
“Kaya nga eh. Oh, ano na ang bagay-bagay?”
“Ha? Ah, eh. Ito ok naman.”
“1st year college ka na di ba?! Malamang may BF ka na!”
“Haha, wala no! Saka wag kang masyadong maingay, alam mo naman si Papa.”
“Hehe, natatakot ka pa rin ba sa Papa mo? Kaya ayaw mong mag BF?”
“Ikaw talaga!”
TTTOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!
That’s mean simula na ulit ang game! Bumalik na sya sa court.
Sana sila ang manalo! Pero I’m so sure sila ang mananalo! Go Golden Hermits!
Papa: Ang galing talaga ni Anton.
Ang galling nya kasing mag TRES!
After 45 minutes!
Tapos na ang game!
They won! I knew it! Start palang ng game! Galing kaya ni Anton!
Pauwi na kami. Nandito na kami sa parking lot ni Dad. Pero parang there’s anything wrong sa car… Flat ata!
Naglakad-lakad muna ako sa parking lot and I saw Anton.
“O Rachel, bakit di pa kayo umuuwi?”
“Kasi naman, flat yung gulong hihintayin ko lang matapos. Nabored ako dun kaya naglakad-lakad muna ako dito. And here, I saw y----”
Nakita ko may kasama syang lalaki at parang kapatid nya ata? Nagdadala ng jersey nyang hinubad eh.
Napatingin ako dun sa kasama nya. At nakita ito ni Anton. Alam nya ata ang gusto kong sabihin.
“Sya ba!? Ah eto nga pala yung kapatid ko.”
“Ah.” Nakatingin din sa’kin yung kapatid nya, bakit kaya to tulala. Naka drugs ba to!? JK
“Richard, meet Rachel.”